Prologue

8 0 0
                                    

"May sasabihin ako sayo." Panimula niya sa akin. Hindi ko alam pero bakit parang may mali. Na hindi maganda ang pahiwatig niya sa akin. Pero isinantabi ko lang yun.

Tiningnan ko siya sa mata at hinawakan ang kanyang kamay.

"What is it?" buong loob kong tanong sa kanya. Nandito kami ngayon sa secret place naming dalawa. Second anniversary naming ngayon at dito nya ako dinala.

"*sigh* Mapapatawad mo ba ako if I am a two timer?" tanong niya sa akin ng hindi pinuputol ang tingin sa aking mga mata.

"What? What do you mean if you're a two timer?" naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Boo is everything okay? What are you talking about? Hindi mo naman ako kayang lokohin diba?" kinakabahan ako sa sinabi niya sa akin.

"I'm sorry." Malungkot na sabi niya sa akin. "Pinagsasabay ko kayong dalawa. Alam kong mali pero mahal ko rin sya." Paliwanag niya sa akin.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo- halong emosyon. May nagbabadyang luha na pumatak sa aking mga mata pero kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ito. Kailangan niyang magpaliwanag sa akin.

Binitawan ko ang kamay niya at yumuko. "Gaano na kayo katagal?" hindi ko alam paano ako nagkaroon ng boses para matanong yan. Nanginginig yung kamay ko sa kaba.

"Mag dadalawang taon na rin kami. A month after you said yes naging kami rin. I'm so sorry Alex." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya sa akin. Ang sakit. Para akong pinipiga sa sobrang sakit. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon sa kanya. Ngayon unti unti ko nang naiintindihan ang lahat.

"Kaya ka ba nawala ng dalawang buwan? Kaya wala kang paramdam na ginawa sa akin? Na kahit isang text lang ng kamusta ako, o I miss you hindi mo nagawa? Kaya mo nagawa akong tiisin kasi may iba kang pinagkaka-abalahan? Kasi may ibang babae na nagbibigay ng oras at atensyon sayo? Ganun ba? Ha?" Sana panaginip lang lahat ng ito. Kasi napakasamang paniginip nito. Hindi ko kaya yung sakit. Yung sakit na niloloko ka. Binola ka.

Pumikit siya at sumagot. "Yes. I'm so sorry. I'm such an awful person."

"Sino mas mahal mo, ako o yung isa?" hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit ko yan naitanong sa kanya. Naniniwala ako na ako pipiliin niya. 'Please. Please choose me. Please baby.' Iyan ang inuulit ulit ko sa isipan ko. Pinapanalangin kong ako ang piliin niya. Dahil ako ang may karapatan diba? Naghihintay ako ng sagot sa kanya pero wala akong natanggap.

"Sino? Sino ang mas mahal mo?! Ako o sya?" ulit ko.

Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. He looks so frustrated. I want to know sino ang mas matimbang. I know.. I know this will hurt me so bad. But itodo na natin. Isang bagsakan. Nahihirapan din ako. I don't know kung saan ako lulugar. Pero halos hindi ako makahinga sa sinagot niya sa akin.

"Wag mo sa akin itanong yan dahil hindi mo magugustuhan ang sagot ko." And that's it. Bumuhos na ang luhang dapat bumuhos kanina pa. Gusto ko syang saktan. Pero hindi ko magawa. Masyado ko syang mahal. Ibinigay ko lahat ng atensyon ko sa kanya. Oras, pagmamahal and yet this is what I get? Isang malaking kalokohan lang ang 2 years namin? May kahati na pala ako sa kanya simula't sapul. AT ANG SAKIT! Na buong akala ko ako lang? Pero AKALA ko lang pala yun.

"I... I get..it. Hi..hindi ako. Ang.. ang unfair ka..kasi kulang pa pala ang binigay ko sayo. Hin..di pa pala yun sa..pat. Yun lang pala ang rangko ko sa pu..puso mo. I'm your first and yet I'm number two. Ang sakit David. Sobra." Humagulgol ako sa harap niya. Hindi ko kasi talaga kaya. Nagmahal lang naman ako ng tapat pero bakit ganun? In the end nasasaktan ako.

"I'm so sorry. I understand how you feel." Sagot niya sa akin. The heck? Hindi niya alam! Wala siyang alam!

"Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon David. Wala! Save those sympathy of yours dahil wala kang alam dahil wala ka sa lugar ko. Hindi ikaw ang naloko." Matalas na sagot ko sa kanya. Para akong sinasaksak ng maraming beses sa sobrang sakit. D*mn it.

"Sorry. I know hindi mo ako mapapatawad." Nakayukong sabi niya sa akin.

All those years. Buti sana kung iba yung kasalanan niya eh. Siguro mapapatawad ko pa. Pero yung may karibal ako? Hindi ko na kinaya. Ayoko nang may kahati.

"Sa 2 years na realsyon natin, I wanted our relationship to last. I want it to work. I thought that was your desire too. Mali pala ako. Ako lang pala ang may gusto nun. Kasi if you REALLY want us to last, you won't do this to me. Kung mahal mo talaga ako, ako lang ang mamahalin mo. Ako lang David. Mahal na mahal kita eh. Ang sakit sakit." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

"Ako piliin mo please. Please David. Sana ako piliin mo at wag sya. Tatanggapin pa rin kita wag ka lang umalis please. I will try my best please para mapalitan siya kasi ako ang una hindi ba?." Oo alam kong malakas maka one more chance ang linya ko pero wala eh. Mahal ko talaga siya.

Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. I worked hard for our relationship. Naging masaya kami. I don't want it to go to waste. Halos hindi na ako makakita ng maayos dahil sa agos ng luha ko.

"I'm sorry. I'm so sorry Alex. Pero mas pinipili ko si Amber." Niyakap niya ako nang mahigpit na para bang eto na ang huling pagkakataon. Parang nasira ang pagkatao sa sinabi niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Mag iingat ka. Salamat sa 2 taon na nakasama kita. I will never forget those times. But now we have to part ways. I love you for the last time. Goodbye Alex."

May nagsasabi sa akin na habulin ko siya.. We can still work this out David. Please... Pero nanghihina ang buong pagkatao ko.

Tuluyan na syang umalis at dala dala niya ang puso kong tanging siya lang ang tinitibok.


---------

Hanggang saan ka lalaban? The more hard you try to be best, you always end up being the last choice. Gusto mo pa bang lumaban kung lahat ng taong minamahal mo, kinakalimutan, sinasaktan at binabalewala ka?

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon