Alex POV
*RING*
Kinapa kapa ko sa bedside table yung nagriring kong cellphone. Ang ingaaaaaay! Whoever it is mapapatay ko.
"Hello?" nakapikit kong sagot. Inaantok pa akoooo. Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko yung paperworks na binigay sa akin ni mommy.
"Hey zup?! It's a b-e-a-utiful day. Gising na!" masiglang bati sa akin ni Ann. Ughhhhhhhhh.
"Ayoko pang bumangon. Napuyat ako kagabi please. I'm having an alone time with my bed." Paliwanag ko. Nakakatamad bumangon promise. Ang aga aga pa nga eh. Napatingin ako sa orasan. 7:30 am?! Napasapo ako sa noo ko. Ano bang sumapi sa utak nito at ganitong oras siya napatawag?
"Nasa Espresso café ako. Get your butt in here. Hihintayin kita. Libre mo na yung order ko ah? Hahahahaha! Labyuuuu! Kisses!" then she hung up. Hay may choice pa ba ako? Kapag nangulit yan hindi ka tatantanan. Kahit minsan nakakainis na. Sumasama pa rin ako.
Walang kalatoy latoy akong bumangon sa kama at dumiretso sa bathroom. Nagtoothbrush, naligo yung mga ginagawa sa bathroom. I just wore a summer floral dress and a flat shoes with my sling bag. Nag powder and lip gloss lang ako. I grabbed my keys and headed to my car. Para sumunod sa coffee shop ko. Yep I own that café. Bata palang ako pangarap ko nang magkaroon ng business. And through hardwork, nakapatayo ako nito and I can say na naging malakas sya. Pinagisipan kasi naming ni Ann yung interior nito. Thanks to her. Sa kanya yung idea ng interior. Mga framed art, logo, packaging, stickers, menu, lahat. She graduated with the course of Multimedia Arts. Ako? I took up BSBA major in Management. Pareho kami ng school na pinaggalingan. Kaya intact na talaga yung friendship namin ni Ann.
Habang nagdadrive ako. Nagtext si Ann na nagugutom na siya. Sakto naka red light pa so I replied na kumain na sya at on the way na ako. Nung nag greenlight na,may muntik na akong mabangga dahil sa humaharurot na motorcycle! Ang bilis niya magpatakbo na akala mo may humahabol sa kanya. "Jerk" I muttered to myself. Maflat sana gulong mo. Kaskasero magmaneho.
After a thirty minute drive, nakarating din ako sa Espresso café. Nakita ko agad kung saan nakaupo si Ann. Nakapusod ang buhok at naka pang gym na attire. Nakanguso ang itsura habang nakatingin sa phone niya. Haha. Mukhang naiinip na siya.
I went straight to her table. "Sorry. Ngayon lang. Medyo traffic eh." Paliwanag ko sa kanya. She is just staring at me. No scratch that. Glaring at me. Oh boy. This is not good.
"Tagal mo ah. Grabe natutuyo na ako dito." Sabi niya. Paanong hindi matutuyo? Eh sa kanya nakatapat yung morning sun!
"Uso mag ayusin ang blinds teh. Nagpapa-tan ka ba?" sagot ko at inayos ko ang blinds para hindi mainit.
"Sorry na. Hindi ko naman alam na may ganyan ka pala." Palusot niya. I just rolled my eyes. Eh sya nga bumili nito kasi alam niyang maarawan ang customers pag umaga hanggang tanghali kapag naka pwesto sila malapit sa bintana.
"umorder ka na ba? It's on the house." Tanong ko sa kanya. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom eh. Sumagot naman siya at para sa amin daw dalawa yung inorder niya.
Habang kumakain kami. Napapansin ko na talaga naming maraming customer ang tumatangkilik sa shop ko. I can actually give myself a pat in the back. Sobrang dami kasing stress ang naranasan ko dito nung pinapatayo ko ito. Thanks to Ann at nabawasan naman kahit paano kasi she helped me with the interior. Autistic este artistic kasi yan.
"So.. how are things?" biglang tanong ni Ann sa akin.
"Everything is okay." Matipid na sagot ko sa kanya. Nothing special naman kasi. "Ikaw? Kamusta naman yung collab mo kay Angelo?"
"It was awful. Wag mo nang itanong pa. Nakakasura yung ugali. Napaka conceited." Mapaklang sagot niya sa akin. Grabe naman kasi yang si Angelo. First meeting kasi nila, hindi maganda. Siya na lang magkukwento nun.
Nilantakan niya na lang yung almond cake na inorder namin. "Baka naman type ka niya." Biglang sumama yung tingin niya sa akin.
"Joke lang." Biglang bawi ko at baka mabato ako ng tinidor eh. Ininom ko na lang yung coffee ko.
"Kamusta sila tita at tito? Si Drea?" tanong ni Ann. Binaba ko yung cup ko and my lips pressed into a hard line.
"They're okay. I guess?" sagot ko. Hindi ko alam kung nasan sila ngayon. Last time na bumisita ako. Nag out of town sila. Without me. As always. I am always out of the picture.
"Why don't you visit them? I mean matagal mo na silang hindi nabibisita. Gusto mo bang sumama ako." Presenta niya.
"No. It's okay. Wag ka nang sumabit. Asungot ka lang eh." Pabiro ko sa kanya. Bigla naman niyang binato yung crumpled tissue sa akin habang tumatawa ako. Napagkasunduan namin na iset kung kailan kami pupunta sa bahay.
Npagdesisyunan na naming umuwi dahil may family reunion sila Ann kaya ako dumiretso na lang sa bank dahil I have some bills to pay. I parked my car. As I was walking may biglang sumulpot na motor sa harapan ko! Seriously what's up with dudes driving a motorcycle? Pagkapark niya ng motor niya, tinanggal niya yung helmet at biglang lumingon sa akin. I was horrified! Ang pangit niya! OO ANG PANGIT NIYA! PANGIT TALAGA SIYA. AS IN BABANGUNGUTIN KA SA KAPANGITAN NIYA. Sungki ang ipin, pango ang ilong, nog-nog, ang dry ng buhok, pandak! Puro tigyawat ang mukha na wala nang space kasi dumadami sila sa mukha niya. Mukhang amoy putok , bad breath at hindi naliligo! Pero syempre joke lang yun. Gwapo siya. Maganda ang tigidig I mean ang tindig. Matangkad. Matangos ang ilong. Para syang model kasi ang perfect niya. Siguro nung nagpasabog ng blessings si Lord. Gising na gising sya.
"Miss, panty mo." Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Ano raw panty ko? Napatingin naman ako sa sahig baka nandun ang panty ko! Shems nakakahiya!! Nakakapanic yung sinabi niya! Wala naman eh.
I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya. "Typical reaction girls make. Are you done checking me out? O gusto mo pang picturan ako?" nakangiti niyang sabi. "excuse me? I am not checking you out okay. Ang pangit mo kaya! Harang harang ka kasi sa daan! Tabi nga dyan!" inis na sabi ko at nilagpasan siya. Sa kasamaang palad napatid ako ang hagdan at alam kong madadapa ako at mahahalikan ang sahig. Pero.... Wala akong nahalikang sahig pero napakabangong amoy ang aking nalanghap. Yuck. Ano ba yang terms ko. Isang braso ang nakahawak sa bewang ko. Itinayo niya ako at ramdam ko ang dibdib niya sa likod ko. Naramdaman ko ang labi niya sa tainga ko.
"careful miss. Dapat nag iingat ka. Wag mo kasi akong masyadong titigan. Tingnan mo nangyari. Nice panty. Lace pa." pang aasar niya. Seriously?! Feeling ko pulang pula ako ngayon sa sinabi niya! Agad kong inalis ang braso niya at lumakad ng mabilis sa counter. Sa sobrang pagmamadali ko kanina nakalimutan kong mag cycling shorts! Agad kong inalis yung pagkakahawak niya sa bewang ko at dumiretso sa counter. Bwisit talaga! Nakita niya yung panty kooo! Alex naman eh. You're a disgrace! Lord, nakakahiya po talaga.