Gayuma (Short Story)

592 17 12
                                    

Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat) Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat) Paggising ikaw ang nasa isip Ka-date kita hanggang sa panaginip Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

 (Lyrics from: http://www.azlyricdb.com/lyrics/Abra-Gayuma-369225#.UXnWRqKnpjU)

"Kanina ka pa ba dyan?" Tumingala ako para tingnan ang taong nakatayo sa harapan ko.

 "Joross!" Tinanggal ko ang headset ko sa tenga ko at itinigil ko muna ang pakikinig sa kantang gayuma. Tuwang tuwa ako sa kantang yun, masyadong harsh yung lyrics. Hahaha! Anyway... "Ikaw bes ha! napapansin ko napapadalas na pagiging late mo lalo na pag susunduin mo ko. Bakit, ha?" napatigil ako at kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay napatayo ako dahil sa naisip ko. "wag mong sabihing may nililigawan ka na?" gulat at napalakas na tanong ko.

 "Ano ba?! wag ka namang maingay!" Tinakpan nya ang bibig ko at napansin ko din naman na npalakas nga ang boses ko dahil nakita kong napatingin ang mga tao sa paligi namin. Nakalimutan ko na nasa school pa nga pala kami.

 "Sorry ha? Na-excite lang naman!" Sabi ko. Na-excite? Pano ko ma-eexcite kung malalaman ko na may nililigawan na ang bestfriend ko na eventually ay mahal ko? /(>.<)\

 "Oo na. Oo na. Ikekwento ko naman sa'yo e, pero wag naman dito. Teka.. kumain ka na ba? Tara! kain muna tayo. San mo gusto? sa jollibee, MCDO, KFC o sa Mang Inasal?" pagyayaya nya.

 "Mang Inasal!! Haha! Miss na miss ko na yung inihaw na manok dun eh. Sarap lang nun! Tara! gutom na ko eh." Sagot ko naman

. Lumakad na kami papuntang Mang Inasal. Buti naman at malapit lang yun sa school namin. Ayy! nga pala, hindi nyo pa ako kilala. I'm Jeena, 18 years old, a 2nd year BS Math student. NAks! MAth!! Actually, hindi naman ako masyadong magaling pagdating sa numbers, ito lang talaga ang gusto ng mga magulang ko para sakin.Konti lang ang friends ko sa school. Madalas niloloko ako ng mga classmates ko dahil hindi nga ako kagalingan sa math. Buti na lang at may bestfriend ako na kagaya ni Joross. Ang nakakainis lang, nagkagusto ako sa kanya.Siya na ang tingin sakin ay hanngang kaibigan lang talaga na napapagsabihan ng sama ng loob sa tuwing nakikipag-break ang girlfriend nya sa kanya, siya na ang tingin lang sakin ay parang Diary na napapagsabihan nya ng mga katangian ng mga nililigawan nya. Haaayy!! Masakit eh!

"Hoy!! Teka lang, Joross!" Sigaw ko sa kanya nang bigla nya kong iwanan at tumakbo palayo, palapit sa isang matandang babae na nakasalampag sa sahig. siguro ay nadapa ang matandang ito.. inalalayan nya ito at ipinara na ng sasakyan. Siguro, yun ang nagustuhan ko sa kanya. Nang makalapit ng muli sakin ay nginitian ko lang sya, nilagay nya naman ang kanang kamay nya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko

.----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "BURP!! WOOOH!! Nabusog ako dun ah. Next time ako naman ang manlilibre." Sabi ko. 

"Malabo yun! Kuripot ka eh.. Madamot ka! Ms. Selfish!!" pang-aasar nya

 "Hoy! Hindi ako ganun ha." hinampas ko nga. aba! ang loko gumanti talaga ha

 "Aray ha!!" reklamo ko. Nagtuloy-tuloy lang ang harutan namin. kinukurot nya ang pisngi ko at sinasabunutan ko naman siya. 

"Ate... Kuya... " sabi ung batang namamalimos at nakalahad pa ang kanang kamay.

Gayuma (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon