Sun and Star(One Shot)

164 11 6
                                    

Dedicate to you twinkle_twinkle. As you've requested. Hihihi. Magustuhan mo sana. :)

Sun and Star

by: Mimiyuki24 (AkosiBlooBlue)

Ako si Star Perez, isang NBSB. Hindi naman sa pangit ako, ang totoo nga yan ang daming lalaki ang gustong maging girlfriend ako e. Ang kaso nga lang hindi sila pumapasa sa mga tipo ko sa isang lalaki. Ang gusto kasi yung matipuno, matalino, gwapo, mabait at mayaman.

Gwapo yung iba kaso sumasablay, parating may kulang.

"Oy gal! Tambay tayo sa bahay niyo, tutal wala naman aaralin ngayon haha." Pag- aaya sa akin ni Loraine.

"Sus tigilan mo nga ako sa pagiging B.I mo Raine ha" sabi ko naman.

"Ay ganun? Haha sige maiwan ka dito kami na lang pupunta sa inyo"

"Nice" binatukan ko "Bahay mo?"

"Aray naman!"

Tapos biglang sumulpot si Clarrisa at inakbayan ako "Sige na kasi Star, minsan lang to no! Bukas hell day na naman kaya pagbigyan mo na kami"

"Oo na sige na! Psh kaso wala sila Mommy. Wala tayong meryenda."

"Ayos lang yun! Tara na. Hihihi excited na ako" hays! kala mo naman ngayon lang pupunta ng bahay tong dalawang to.

Bakit ba parati na lang sa bahay namin? Wala ba silang bahay?

Nakarating kami ng bahay. Naglaro lang ang mga loka ng x box ko at ako? Eto nag s-stalk na naman sa dream boy ko na si Sky. Si Sky Dela Vega o kilala sa tawag na the perfect guy. Yah, he is really a perfect guy napaka package deal niya. Kaso malabo na magustuhan niya ako dahil ang daming mga babae ang nakapalibot sa kanya.

Nagutom kaming tatlo, since wala si Mommy ibig sabihin walang pagkain dito sa bahay kaya naman lumabas kami, naglakad lakad para makahanap ng pagkain.

"Cla! Lugaw o!" sabi ni Raine kay Cla sabay turo dun sa stand na may nagtitinda ng lugaw.

"Init init maglulugaw ka! Abnoy ka talaga mag- isip no?" Away na yan! Haha tama nga naman kasi ang init na nga tapos ganun pa kakainin niya. Abnoy talaga.

"Psh! Eh di maghalo halo na din tayo! Ayun oh" sabay turo niya sa halo halo katabi nung nagtitinda ng lugaw.

"Tsaka anu ka ba! Papable yung kuyang nagtitinda at ang hot kaya niya" bulong niya kay Cla with matching akbay ba. Eto naman si Cla tinaboy si Raine at umaarte na nandidiri kunyari.

"Eew! Tumahimik ka nga diyan di ka na nahiya! Mas bata sayo yan uy!"

"Hoy kayong dalawa kung gutom kayo kumain na kayo." Sabi ko

"Awts sungit. Kaw kasi e" hala nag sisihan pa. Jusko bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito =____= nakakahiya sila.

Umupo na sila at nag- order ng lugaw.

"Err, ayaw mo ng lugaw?" hindi kasi ako nag order ng lugaw

"Ayoko" simpleng sagot ko. Hindi kasi talaga ako fan ng lugaw, ayaw ko talagang tikman, kasi feeling ko may sakit ako.

"Ang sarap kaya" sabay subo niya ng lugaw "Diba kuya?" sabi niya kay kuyang nag lulugaw. Kapal talaga ng mukha nitong si Raine. Ngumit

Kumain lang kami ng kumain. Pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay.

Habang nasa bahay kami tahimik lang kaming gumagawa ng homework.

At biglang...

"Alam mo Star kanina sa lugawan may napansin ako" pangbabasag ni Raine sa katahimikan. Palage naman ganyan yan e hindi makatiis na hindi nagsasalita.

Sun and Star(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon