Prologue:

13 0 0
                                    

Masakit na masakit ang nararamdaman mo ,na parang wala ng bukas sa sakit ..

para kang kakapusin ng hininga sa sobrang sakit , walang nakakapansin maski isa sa mga kamag-aral mo .

May kung anong sama ng loob kang dala-dala ...

hindi mo ito matiis at para itong mga kung ano na nanalakay sa loob mo ,

Gusto mo mang ilabas ay hindi pwede ..pero sobra nyang sakit ..

Pinagpapawisan ka na ng malamig ..

Butil-butil na rin ang mga pawis mo sa noo ,

Nais mo ng isumpa ang kung sino namang nagluto ng pagkain sa canteen kanina ..

Lalong nagpapansin ang naghihimagsik na sama ng loob ,iba na ang pakiramdam mo ,nahihilo ka na rin at parang ibig mo na ring masuka ..

Hindi ka na mapakali ,sinubukan mong maglumikot ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ,tuluyan mo na nailabas ang sama ng loob na iyon ..

Gumanda na ang paligid ,huminto na ang mga pagkulog ..

Umaliwalas na ang langit ..tapos na ang delubyo ,nawala na ang sakit ..

malaya ka na sanang makakangiti ng palihim ngunit naputol iyon ng may biglang sumigaw..

"Ano ba iyon ang baho?!" 

nais mo ng isumpa ang epal mong kaklaseng iyon ,isa syang traydor! hindi sya marunong makisama ,ngunit hindi mo pa sya naisusumpa nasundan pa ang mga tinig ..

"Oo nga ang baho!"

"Grabe sino yun?"

"amoy tae!"


Mga traydor sila ,naisip mo ..hindi pa sila nakuntento at tinawag pa nila ang pansin ng teacher nyo .


"Maam ,amoy tae po!"

"Maam!"


"Okay class ,let's stand up and sing!" ngiting-ngiti pa ang teacher nyo ,

Ligtas ka na dahil hindi sila pinansin ng teacher nyo ..--ngunit teka ,ano itong pinagagawa nya?

Lahat sila ay tumayo ,ikaw na lamang ang hindi ..tiningnan ka nilang lahat na para bang tinubuan ng maraming tentacles ang mukha mo ,napayuko ka ..

"C'mon stand up .." sita sayo ng guro nyo ..

Gusto mo syang batuhin ng libro ..

Hanggang sa napansin na ng lahat ang pinakatatago mo ..

Naramdaman mo na naman ang pagkahilo ..ngunit bago ka pa mawalan ng ulirat narinig mo pa ang pinaka-traydor sa lahat  ..

"Jane natae ka?!"


Si JC .. si JC ang  tampalasan ..


at wala ka ng maalala ..


-NotUrOrdinaryGurL29

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You can run ..But you can't hideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon