Paniwalang-paniwala si Jane na balang araw ,pagdating ng panahon sila din ni JC ang magkakatuluyan sa bandang huli ,kaya naman kahit kabi-kabila ang flings ng binata hindi nya ito pinapansin. Dahil alam nyang ang babalik at babalik din ito sa sarili nitong pugad. Pero bakit sya lang yata ang may alam na sila ng binata? Sya nga lang ba mag-isa ang bumuo ng istorya nilang dalawa? O una palang wala naman talaga silang love story? Love is seeing someone's imperfection perfectly ..kaya naman kahit na ano pang kapalpakan ni JC ay tanggap nya ,sukdulan pang kahit marami itong babae .. Pero hanggang saan nga ba sya dadalhin ng paninindigan nya kay JC? Magbago pa kaya ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa? O tumanda na sya't lahat hindi pa rin sila nagkakatuluyan? "Nakakapagod maghintay .. lalo na kung wala namang darating .." - Minsan tinanong nila ko: "Hindi ka pa ba nagsasawang mahalin sya? Hindi mo ba nakikita may iba syang mahal!" Alam nyo bang sinagot ko ,nginitian ko silang lahat .. "Paano naman kung mahal nya na ko bukas? Sayang naman diba ..?" He's worth the wait ..