Bella's Point of View
Pagkatapos ng klase ay nag meeting na kami ng mga kaklase ko
"Oh ano na Bella? May plano kana para sa Buwan Ng Wika?" Tanong sa akin ni Chelsea
"Oo. Ang plano ko dapat may apat tayo na grupo yung isa na grupo ay sasayaw ng pag ifugao, yung isa naman tinikling, yung isa ay jolly na sayaw, yung isa naman ay hiphop at sa last part naman ay iisa lang yung sasayawin natin para siyang nag papakita ng pagkakaisa." Sabi ko naman sa kanilang lahat
"Hmmm parang maganda yung kalalabasan nito" sabi naman ni Alec
"Oo nga pero kailangan naman natin maging united nito para madali itong matapos" sabi ko nalang sa kanila
"Kailangan muna natin hatiin ang klase para may apat tayo na grupo kung sino yung gusto sa mga ibinigay ko na sasayawin natin ay bumuo na kayo ng grupo ngayon na" sabi ko sa kanila
At may group na sila
"Okay kailangan ko ng mga representative every group para sila na lang yung tuturuan ko ng steppings" sabi ko sa mga Classmates ko
"Yung hindi mga representative ay pwede ng umuwi yung mga representative na lang yung kailangan dito dahil bukas pa kayo tuturuan ng mga representative para walang hassle okay?" Sabi ko nalang sa mga classmate
"Okay" sabi naman ng mga classmates ko
"Okay guys come over here please lets start naaaaaaa" sabi ko sa mga classmate ko at nag simula ko na silang turuan
(After ng practice)
"Tara guys 7/11 tayo" sabi ni George
"Manlilibre ka?" Sabi naman ni Alec
"Oo na lubuslubusin niyo na dahil ngayon lang ako manlilibre hahahaha" sabi naman ni George
"Sege baaaa tara na guys" sabi naman ni Chelsea
(7/11)
Pagpasok namin ay agad naman namin nakita yung lalaking nakabanggaan ko kahapon sa School
"Hi Bella" sabi nong lalaking naka banggaan ko sino nga to ulit? Hahahaha
"Sino ka nga?" Tanong ko nalang sa kanya
"Ouch! Kinalimutan mo na ako agad? Ang sakit naman kahapon palang tayo nag kakilala pero wala na kinalimutan mo na ako" sabi naman niya ang oa niya ha?
"Ahhh kasi naka limutan ko yung pangalan mo"
"Wow bro! First time may babaeng hindi ka kilala ahh record breaker to bro" sabi naman nung kaibigan niya actually (5) lima silang magkakaibigan
"Tsssss! Shut up bro! Ay Bella pag pasensyaahan mo na sila ha mga gago kasi yan" sabi naman ni mr B short for bangga hahahaha
"Jared Davidson at your service Bella as in 24/7" sabi ni Jared oh ayan kilala ko na siya
"Okay nice meeting you Jared sge ah punta na ako doon sa mga kasama ko" sabi ko malang kay Jared
"Bye Bella! Wag mo ng kalimutan yung pangalan ko ha" Jared said
"Oo na sge byeee Jared" sabi ko naman
"Bye again Bella" sabi naman niya
tsaka nag simula na akong maglakad patungo sa kinaroroonan ng mga classmate ko iniwan nila ako pero nakatingin naman sila sa akin sa malayo.
At yung mga kaklase ko pang mga babae ay tulala at shock sa nakita
Parang nakakita lang sila ng movie sa kanilang reaction ah? Hahahaha
"Kilala mo pala sila?" Tanong sa akin ni Jane
"Ah! Hindi I mean oo kasi nagkabanggaan kami ni Jared noong nakaraang araw" paliwanag ko nalang
"Ang gwapo niya no?" Sabi naman ni Shanny
"Oo sayang nga ang hambog noon kaya wala lang rin nakaka turn off kaya yung ugali niya" sabi ko nalang
"Bakit naman?" Tanong na naman ni Jane
"Long story at wag na natin silang pag usapan baka ano na naman ang sabihin noong mokong na yun" sabi ko nalang
Pagkatapos namin kumain at tumambay ay umuwi nalang rin kami
(Home)
Pag uwi ko as always ang gawa ko na naman
Magbihis
Kumain
Gumawa ng homework
Maglinis ng katawan
MatulogOh diba? Ang saya lang ng buhay ko insert a sarcastic tone here hahahahaha
Author's Note: Sorry sa mga typo's guyssss at sa grammar again please support my story thank you :*
-Reina ♥
BINABASA MO ANG
Aesthetic
Teen FictionA girl who is so beautiful, smart and very talented almost perfect. Dahil sa kanyang talent sa pagsayaw siya ay nakapag aral dahil hindi sila gaano kayaman sadyang may kaya lamang. Ano ang mangyayari sa kanya pagdating ng isang lalaki na sobrang gwa...