Jasmine's POV
Nagising ako ng maayos ang pagkahiga ko sa kama ko.Siguro dinala ako dito ni Kael, kasi ang naalala ko sa sofa ako ka gabi nakatulog eh,
Inaamin ko sumaya ako dahil binuhat nya ako paakyat dito sa kwarto ko. pero naiinis parin ako sa kanya dahil nagsinungaling siya sa akin . Nagpaalam pa siyang maglalakwatsa lang sila ng mga kaibigan niya , yun pala nakikipag-date siya kay Alexa.Napaka sinungaling niya talaga.Alam kong wala akong karapatang pakialaman siya dahil mag-asawa lang naman kami sa papel . pero ang turingan namin ay magkakilala lang , Yong parang magkapareho lang kami ng boardinghouse na tinutuluyan. Hay , siguro nga kailangan ko na talaga magmove-on sa kanya. Dahil alam ko namang hindi ang tulad ko ang gusto nyang babae.
Na alala ko na naman ang sinabi sa akin ni Bestie na dapat magpaganda rin ako at makipag-date sa ibang lalake .
Siguro nga tama ang bestfriend ko.Pero hindi ba ako maganda?
meron naman akong mga manliligaw noon, kaso nga lang hindi ako pumapayag sa kanila pagniyayaya ako nilang makipag-date.Dahil nga may mahal na ako at yun ay si Kael.Third Person's POV
Dahil sa mga na pag-isip isip ni Jasmine, na pagdisesyunan nyang magmall at bumili ng mga gamit niya para sa sarili nya . Sinuot nya yong binili niya kahapon na maikling short. At sinuot nya rin yong regalo sa kanya ng mommy nya nong Birthday niya na damit.Sleeveless ito at bagay rin ito sa suot nyang short, at naka dollshoes rin sya na kulay pula . Maganda siya tingnan sa suot niya dahil maputi rin naman siya.
Jasmine's POV
Nagmamaneho ako ngayon ng kotse ko papuntang mall...
nakapagpark na ako ng kotse ko kaya pumasok na ako sa mall. Pinuntahan ko ulit yong boutique na pinuntahan namin kagabi ni Bestie. Marami akong biniling mga damit dito , dahil magaganda naman talaga ang mga damit dito , matapos kong bumili ng mga damit ay pumunta naman ako sa beauty shop at pagkatapos dumiritso naman ako sa isang salon at dun ay napagdisesyonan Kong ipa-curl ang buhok ko, matagal natapos ang pag-curl ng buhok ko kasi pagtanaw ko sa orasan ko ay 4:30 PM na.Bago ako umalis , bumili muna ako ng ice cream , pero nang palabas na ako , nagulat ako ng may nakabunggo akong matangkad na lalake , kasing tangkad nya si Kael . At ang masaklap pa ay nadumihan ng ice cream ko ang pulo nya.*Ay, sorry hindi ko sinasadya li-li-linisan ko na ay hindi bibilhan na lang kita ng bagong damit- Ako habang nauutal
*Okay lang Miss,pero Kong gusto mo talaga ako bilhan ng damit , okay bilhan mo ako , kahit T-shirt lang.Ayaw ko rin naman kasing mag-mall ng ganito ang itsura ng damit ko-Nethan
*Sigurado kang okay lang sayo ang T-shirt ?-ako
*Oo, at ihatid mo na lang sa labas ng cr ng mga boys dito sa 3rd floor - Nethan
* Okay, sige maghintay ka lang dun,bibili lang ako , promise mabilis lang ako-ako
Mabilis akong pumunta sa boutique ng mga damit pang lalake.At nakakita naman ako ka agad ng damit na siguradong kasya dun sa lalakeng na bangga ko.Kulay blue ito na may na ka print na " Ms. don't hit me"
Matapos kong mabayaran yong damit ay tumakbo na ako ka agad sa elevator papuntang 3rd floor para maibigay ko nato sa lalakeng na bangga ko kanina para makàpagpalit na sya ng damit.Nang makarating na ako sa labas ng CR ng mga boys, ay nakita ko naman ang lalakeng na bunnggo ko kanina ,na naghihintay , kaya binigay ko na sa kanya yong damit na nabili ko.Aalis na sana ako nang bigla syang nagsalita
*Ms. hintayin mo muna ako, huwag ka munang umalis - Nethan
Magsasalita pa sana ako, kaso nakapasok na sya sa loob.
Mga ilang sandali lang ay lumabas na sya .Bagay sa kanya yong damit na nabili ko, kasi maputi naman sya at mabuti na lang talaga kasya sa kanya.
* Hoy, Ms. samahan mo naman akong mag-mall dito , boring kasi kung mag-isa lang, at bayad na rin sa pagdumi mo sa polo ko- Nethan
*Hoy! Mr. ano ka? haler? tapos ko nang bayaran yang damit na nadumihan ko, kasi na bilhan na kita ng T-shirt at okay ka na naman ah? At pwedi ba ni hindi nga kita kilala .kaya bakit kita sasamahan? - ako
*Sige na pumayag ka na.Bago lang kasi ako dito,galing pa ako ng Canada. Sasamahan mo lang naman ako eh, at saka boring naman pag ako lang mag-isa dito ang mag-libot dito sa mall-Nethan
*Sige na nga, basta madali lang ha, malapit na kasing gumabi-Ako
*Talaga miss? papayag ka na?-Nethan
*Oo, nga-Ako
*Ah, Ms. ano nga palang pangalan mo?-Nethan
*Jasmine, eh ikaw?-Ako
*Nethan - Nethan
*Ah....-AkoAdrian's POV
Hay, kakagising ko lang , tinanghali na pala ako ng gising. Pero okay lang , Saturday naman ngayon eh.
Naghilamos muna ako sa banyo ko at pagkatapos bumaba na ako,,,,
Siguro tulog pa si Jasmine .Pumunta na ako sa kitchen at may nakita naman akong sulat na nakalagay sa mesa,kaya binasa ko naman ito....
"Nag-mall lang ako,tapos na akong kumain , kainin mo narin to kung nagugutom ka-Jasmine"Ah,,, nag-mall pala sya ,,, akala ko pa naman tulog pa sya.
( Ring... ) Jason's Calling
sinagot ko naman ang tawag ni Jason,,
*Hello pare, bakit ka napatawag?-Ako
*Tatambay sana kami dyan sa bahay mo at para makilala na rin namin yang asawa mo,, kung pwedi pre,-Jason*Ang sabihin mo , wala kayong magawa at gusto niyong tumambay dito sa bahay ko at saka nakita nyo na naman si Jasmine nong kasal namin ah, at sa school nakita nyo na rin sya-Ako
*Oo, pero hindi naman namin sya nakausap noh,-Jason
*Hindi nyo parin sya makakausap kahit magpunta pa kayo dito sa bahay, dahil wala sya dito -Ako
*Basta, pupunta parin kami dyan,Ano nga bang address nyo?-Jason*RKV Village Black 4 Subdivision 8 - Ako
* Okay, bye na pare , bababa ko nato.-Jason( Tot-tot-tot ) call ended
Himala yata at naisipan nilang pumunta dito sa bahay ko.Kasi tuwing gigimik kami sa bar ang pinupuntahan namin eh,
Nanuod muna ako sa TV , spongebob kasi ang palabas.
( Ding-dong ) Door's Bell
Agad naman akong lumabas at binuksan ang gate.
At kotse agad ni Clarence ang bumungad sa akin.At pinark naman nila agad ito sa garahe ng bahay namin. medyo malawak kasi ang garahe dito sa amin ,kaya pwedi kahit 10 kotse ang ipapark dito.Unang lumabas sa kotse ay si Joshua pagkatapos si Clarence , sunod ay si Dareyl at panghuli lumabas ay si Jason.
( hello sa mga readers dyan... hahahahahhahahah feel na feel ko naman na may nagbabasa nitong story nato. Sana po may magbasa nito =) ... thanks nga pala sa kaibigan kong si Ricamel dahil sa pagtulong nya sa akin.... )
Abangan nyo po ang mga susunod ko pang update =-)
BINABASA MO ANG
The Arranged Marriage
RomanceDalawang taong hindi magkakilala magpapakasal Hindi dahil mahal nila ang isat-isa kundi dahil sa kagustohan ng kanilang mga magulang..... Ano kayang mangyayari sa kanila???? Matututunan ba nilang mahalin ang isat-isa... o hanggang papel lang talag...