Move On. (One Shot)

90 1 1
                                    

Sabi ng marami,

kapag natuto daw tayong magmahal,

kasama din d'on ang masaktan.

Dahil hindi naman daw lahat ng bagay

tungkol sa pag-ibig ay masaya.

Katulad ng sa isang relasyon.

Sa umpisa ay masaya kayo,

Kuntento,

In love,

nangangarap ng magkasama,

minsan nga sa tingin niyo ay

parang perfect na ang lahat.

Pero sa isang kisap mata ay...

Bigla na lang may magbabago.

Bigla na lang may NANG-IIWAN.

at may NAIIWAN.

At syempre hindi pwedeng mawala

na may MASASAKTAN.

Move On?

Iyan ang madalas na advice

para sa mga taong nasasaktan.

Anim na letra.

Dalawang salita.

Napakadaling sabihin

Napakahirap gawin.

Lalo na kung nagmahal ka ng sobra

pero iniwan at pinaasa ka lang.

Ang sarap magmahal pero

napakasakit ng katumpas

kapag mali ka ng taong pinagbigyan.

Time heals all wounds daw

pero ito kayang sakit na 'to

kailan kaya maghihilom?

At paano ito maghihilom

kung sa bawat pagpikit mo ay

bumabalik lahat ang alaala n'ong

masaya pa kayo,

nag-aasaran,

nagkukulitan,

selosan,

awayan,

saka iyong....

ikaw pa ang mahal niya.

ikaw pa ang buhay niya.

Ikaw pa iyong mundo niya.

ikaw pa ang lahat-lahat sa kanya.

Kung pwede lang bumalik sa nakaraan,

ang sarap sigurong balikan iyong mga alaala na iyon

at huwag ng bumalik sa kasalukuyan

dahil sa kasalukuyan at sa kinabukasan

ay alam mong wala na siya at

hinding hindi na babalik pa

dahil may iba na siyang mahal.

Paano nga ba mag move on?

Saan ka ba dapat magsimula?

At paano nga bang magsimula na hindi mo na siya kasama?

Isipin palang ay parang ang hirap na.

Pero kahit anong hirap ay

kailangan mong gawin.

Kailangan mong maglet go at mag move on

para sa sarili mo.

Hindi nga siguro madali pero magagawa mo rin

sa tamang panahon.

At kapag dumating ang panahon na iyon,

magugulat ka na lang

dahil tumatawa at masaya ka ng muli na

HINDI MO SIYA KASAMA.

----------------------------------------------

AN - Hello, guys. Sana nagustuhan niyo ito. Sorry kung panget, unang gawa ko lang kasi ito. Anyway salamat po sa mga nagbasa. Thank you ulit. ^___^

Move On. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon