Palengke Princess becomes Chinita Princess

153 2 0
                                    

  Follow niyo muna ako sa twitter @audreyxxcruz

............................................ Aya POV .................................................

"Hi Ate Aya" bati ni ralph na pinsan ko

"Hi bebe!"

"Ate Aya, narinig ko kila lola kanina, pupunta ka daw sa maynila totoo ba yun ate?"

"huh? amm hindi ko pa alam"

"bakit ka pupunta doon? Ate malaki sa maynila, maliligaw ka doon"

"bebe wag muna natin pag usapan yan"

Gusto ko kasi talaga matuloy pag aaral ko na 2 years pa sa college. Magtatrabaho ako sa maynila para maka pagipon ako ng pera sa baon ko kulang kasi kinikita ko sa pagtitinda ng mga gulay tsaka isda

Ako nga pala si Aya Bonifacia Sy, 18 years old from Cebu. Si mama ang nagbigay sa akin ng pangalan ko pero kwento saken ni lola Donna na nag aalaga sakin ngayon, pagka panganak ko daw binigay ako ni mama kay lola kase gusto daw ni papa lalaki ang anak.

Sa palengke......

Palagi kong binibisita ang kaibigan kong si Jacob sa palengke. Sakanya ko namimili ng mga ititinda ko.

"Aya!" bati ni jacob

"pasensya na, nalate akong magising, may mga fresh fish ka pa ba dyaan?"

"Syempre naman nagtira ko para sayo (sabay kindat)" 

"ikaw talaga, sige dalhan mo ko sa palengke"

 "Eh aya, nabalitaan ko pupunta ka daw sa maynila ah"

"san mo naman nalaman yan?"

"ahmmmmm" nagiisip siguro ng palusot

"kay ralph noh?"

"hahaha oo, ang galing mo manghula"

"sige alis na ako madami pang trabaho sa palengke ngayon"

"teka aya, may kakilala ako sa maynila nagtatrabaho siya doon"

"talaga?" tuwang tuwa na sabi ko

"oo, gusto mo tulungan kita makapasok doon?"

"syempre naman"

"sige babalitaan nalang kita aya"

"salamat talaga Jacob" sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya

"Pasensya na, excited lang"

"sus! alam ko na yan, crush mo ko noh?"

"ang kapal mo! hindi noh"

"eh bakit nag ba- blush ka?"

"tigilan mo nga ako. dalin mo na yan sa palengke"

"Yes Palengke princess" tapos tumawa siya ng malakas

................................ Jacob POV ......................................

Nang pumayag si aya na tulungan ko siya, dumiretso na agad ako sa bahay ng kapatid ng kaibigan ko na nasa kanto lang ng palengke.

Tok tok..

"oh pre, bakit ka napadalaw?" sabi ni Jun

 "Tol pwede ba ako pumasok?"

"oo naman, upo ka"

"salamat"

"bakit ka naparito?"

"itatanong ko lang sana kay kevin kung tumatanggap pa ba ng worker sa kanila"

"ahh osige"

"pwede ko ba mahiram phone mo?"

Palengke PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon