Job Offer

84 1 0
                                    

Buti nalang at pinatuloy ako ni nathan sa kondo nila, wala talagang pwesto ngayon.

Kinabukasan

Maaga akong gumising para pumunta doon sa sinasabi sa akin na trabaho ni jacob. Inabot ako ng dalawang oras sa kakahanap kung saan yung lugar at sa wakas nahanap ko din.

lumapit ako doon sa lalaki na nasa cashier

"hello po, nandyan po si kevin?"

"baket? anong kailangan mo saken?"

"Ahh, ako si aya yung kaibigan ni jacob"

"ikaw pala si aya, halika sunod ka saken"

dinala niya ako sa room nung boss niya

"umupo ka muna dito"

tok tok....

"Good Morning Sir, may applicant po tayo"

"Sige papasukin mo"

narinig kong pag uusap nila

"aya, pasok kana"

"kinakabahan ako"

"wag ka kabahan, dapat confident ka tsaka sigurado ko makakapasok ka"

"baket naman?"

"Mahilig yang boss namin sa magaganda"

"sus, ikaw talaga"

"pumasok ka na, alis muna ko kailangan ako sa cashier"

pumasok na ako sa room nung boss nila

"Goodmorning sir"

"maupo ka"

"dala ko na po yung complete requirements ko"

tiningnan niya yung resume ko

"baket di mo tapusin yung 2 years mo pa sa college?"

"eh kaya nga po ako mag tatrabaho para matapos ko po yung pag aaral ko"

"Walang pirma ang parents mo dito"

"pasensya na po, pero may pirma po ako ng guardian ko dyaan"

"Good, sige mag start kana bukas"

"tanggap na po ako?" excited na sabi ko

"yes, congratulations puntahan mo nalang si linda sa uniform mo"

"salamat po talaga"

"Ahh Ms. Sy, contact me kapag nakapag tapos ka na ng pag aaral mo mayron akong kumpare, may ari ng isang kompanya ipapasok kita doon"

"salamat po"

"ano ba ang kukunin mong course?"

"fashion designer po"

"Great! sige pwede ka ng umalis"

 paglabas ko tumakbo ako papunta kay kevin tapos nayakap ko siya sa sobrang excited

"nako pasensya na, na excite lang"

"hahaha wala yun (medyo nag blush) natanggap ka?"

"OO!!!!" tuwang tuwa kong sabi

"congrats, sabi ko naman sayo eh kelan ka magsisimula?"

"bukas na, teka san dyaan si linda?"

"yung naiiba yung uniform sa dulo"

"sige alis na ako babye"

pumunta ako doon sa linda para bumili ng uniform

"Hi Miss Linda, bago po akong coffee maker bibili po ako ng uniform"

"Hi, Eto oh dalawa three hundred"

"ang mahal naman"

"kukuha kaba o hindi?"

"syempre po pero pwede po 250 nalang dalawa, pleaseee"

"osiya ayan oh"

"salamat po"

Pagkakuha ko nung uniform umuwi na agad ako sa kondo.

Palengke PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon