Isa sa mga kapansin-pansin sa mga storyang patok na patok dito sa Wattpad ay ang mga babaeng "Protagonists" o ang mga "Bida" na almost perfect sa lahat ng bagay. Maganda, talented, matalino, mayaman, at kung ano ano pang magagandang adjective na pwede mong pan-describe sakanila.
Kung hindi naman perfect, nerd o probinsiyana ang magigng role nila. Pangit, kalait-lait, at hindi palaban. PERO sa huli, i-memake over sila ng mga malalapit sakanila o mismo ang sarili nila para sa kanya-kanyang dahilan: Maghihiganti, Gusto magbago ang takbo ng buhay, Madaming magkagusto sakanya, ETC. At dun ulit papasok ang "almost perfect thingy".
For example:
STORY#1: Isang dakilang nerd ang role ni Matilda sa istoryang ito which happens to be a transferee sa isang prestihiyosong eskwelahan. Dahil sa kanyang kaanyuan, binu-bully siya ng mga classmate o ng kahit na sinong makasalubong niya.
Isang araw, nakilala niya si Bogart na magsisilbing "leading man" niya sa istoryang ito at aksidente siyang mai-inlove sa lalaking nabanggit. (Ambantot nung mga names. Sorry for that. Example lang naman eh) Sa kasamaang palad, hindi niya masusuklian ang pagmamahal nito na ikadudulot ng "depression stage" ng ating bida. Papasok ang role ng isang bestfriend, nanay, ate, o stranger na mag-aala fairy-god-mother para mapagtripan ayusan ang nasabing dalaga. Magiginng evolved pokemon ang peg niya sa laki ng pinagbago nito. Sabi nga ni Kathryn Bernardo,"Gandang di mo inakala".
Then nagsimula na siyang pagagawan mula ulo hanggang paa, kasama na dun si Bogart.
May dadating na "kontra-bida" na mas makati pa sa dahon ng gabi na pwedeng ipan-laing at i-cclaim na fiancee o girlfriend "daw" siya ni Bogart ngunit hindi ito sinangayunan ng binata. Dun magkakanda letse-letse ang lovestrory nila.
Due to public demand, nagkabalikan ang ating mga bida na ikinagalit ni miss antagonist. Para maging interesting ang storya, hahaluan ito ng konting action tulad ng pag-kidnap sa leading man, pagbugbog sakanya, pag titi-tickle torture, o pagpapakulo sakanya sa mainit na tubig at ipapansahog sa pakbet mamayang hapunan.
Irerescue siya ng ating bida at magaala-Black Widow siya sa galing sa pakikipaglaban. Mapapakamot ka nalang sa batok mo ng dahil sa natalo niya ang mga goons na kumidnap sa jowa niya samanlalang "damsel in distress" ang peg ng ating leading man. Mahuhuli si miss antagonist at ikukulong sa kulungan upang magdusa sa kasalanan niya.
Lilipas ang ilang taon at nagkaanak na sila, gawin nating mga sampu o labingdalawa para exciting. May onting dialogue ang bawat isa na magsasabi na naging maganda ang buhay nila for the past few years. AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER! *bow*
_____________________________________________________________
Kung hindi naman babae ang almost perfect, sa lalaking bida maaply ang ganung sitwasyon. Kulang nalang eh sambahin niyo pati libag o tutuli niya sa sobrang nagustuhan niyo yung role ng gwapong bida.
See? Siguro nakakarelate kayo kahit papano. Kahit siguro ako gusto kong almost perfect na ang mga bida ng storya ko. Pare-parehas lang tayo.
_____________________________________________________
Kung may natamaan man sa entry kong ito, Sorry nalang at sana huwag kayong maghysterical sa mga pinagsusulat ko dito. Yun lang.
Have a great day mga beautiful creatures! Kaway kaway sa mga nagbasa ng walang kwentang chapter one na 'to!
Oh! BTW, i'm gonna post the other chapters of my stories sa May 1 or 2. Sobrang hectic yung sched ko gawa ng puro reunions, parties at photo-shoot. Ako na busy! Haha! Si Editor Gel na muna bahala kay @mariamakulit while i'm away. Love you DRE! *hug na malupit*
BINABASA MO ANG
Ginataang Adobo With Dinuguan (GAWD)
HumorThis book contains feelings, rants, comments, promotion of books and random thoughts of @marimakulit. Expect cusses and random topics that might pollute your (innocent?) mind. P.S. I'm hungry at this moment. That's the reason of the lame title of t...