All rights reserved © 2015
"Mr. Snobby"
***
Mabilis pa sa cheetah ang takbo ko, juicecolored! Late na ako!
Nung malapit na ako sa classroom, tumigil na ako sa pag takbo, nakakapagod kaya.
"Jacob?"tawag ko sakanya
Pero hindi siya lumingon, o kaya tumigil, tsk. Napaka snob niya talaga, hindi naman gwapo.
JOKE
Ang gwapo niya kaya! Tapos ang hot pa! Nakakalerki!
"Psst, Jacob! Wait lang, sabay tayo!"pasigaw kong sabi, tapos huminto siya at tinanggal ang earphones, ah kaya pala hindi siya lumingon
"What?"tanong niya
"Sabi ko sabay tayo"tumango nalang siya at sabay na kaming pumasok.
Umupo na ako sa silya ko ng bigla akong tinawag ng teacher namin
"Andrea?"tawag ulit ni ma'am
"Yes po?"tanong ko
"Kindly move into Danica's chair? Nag request kasi siya na palit daw kayo, kung okay lang?"tanong niya, biglang nag liwanag ang mundo ko, omg! Lord! Thank you! Alam kong dinig na dinig mo yung prayer ko na magiging seatmate si Jacob!
"Of course ma'am! Okay lang po!"masaya kong sabi at dali daling lumipat sa upuan ni Danica
"Hi!"bati ko kay Jacob, pero di niya ako pinansin
"Oy, Kilala mo ba ako? Uhm I mean, kasi parang hindi eh"sabi ko, totoo naman eh, para lang nga akong utot sa mundo niya
"Of course"seryoso niyang sabi
"Of course what? You mean, kilala mo ako?"tuwa kong sabi
"Uhm"yan lang yung sinabi niya, omg! Gusto ko ng mag wala dito sa upuan ko, kahit isang salita lang ang laki ng epekto niya sakin! Omg lang talaga!
"Uhm Jacob? Hindi ka ba madaldal? Kasi pansin ko ang tahimik mo"tanong ko, pero siya seryoso lang na nakatinigin sa white board.
"Ah, may sports ka bang sinasalihan? Diba yung bestfriend mo sporty? Yung si Jake?"tanong ko
"Yeah, pero wala akong interest sa mga sports"Sagot niya, mag tatanong pa sana ako ng bigla siyang lumingon sakin, waaah! Wow lang! Ang gwapo! Napaka perfect ng mata niya! Almond shape ang peg! Tapos yung nose niya! Omg! Pamatay girl! Napaka pointy! Yung lips, napaka kissable! Parang inaakit yung virgin kong lips, hehe! Ang naughty ko.
"Can you please stop? Stop asking me unnecessary questions, we all know that I have no interest in Sports, we all know that I don't talk too much, so don't ask me anymore, or maybe don't talk to me"seryoso niyang sabi, naka tingin lang siya sa mga mata ko at bumaling ulit sa whiteboard, bigla akong nasaktan.
Ang sakit kaya ng sinabi niya! Tagos sa puso hanggang lungs. 😭
Buong umaga ang tahimik ko lang, nanibago nga ang mga kaklase ko kasi napaka daldal ko daw pero ngayon parang may duct tape ang bibig ko, hindi ako makapagsalita.
"Hoy Andrea? Ano? Binusted ka na ba ng ultimate crush mo?"nakakalokong tanong ni James
"Heh! Wala kang pake"sabi ko pero tumawa lang siya.
Sumapit ang lunch namin at naka simangot pa rin ako ng bigla akong tinawag ng teacher namin
"Andrea, paki bigay kay Jacob, thank you"bored kong kinuha yung papel at hinanap si Jacob, nak ng pucha naman to.