Isa lang ako sa kanilang may mga bukas na isipa't patuloy na nag-hahangad ng tunay na kalayaan. Isang modernong Rizal na nagsusulat ng may buong diwa at pagsusumamo. Isang Bonifaciong nais sumigaw at humawak ng itak. Isang Aguinaldong naghahangad na iwagayway ang watawat ng bansa... Ngunit, paano gayong mag-salita ma'y di napapansin ang isang gaya ko.. Ngunit, sa anong paraan gayong dumi lamang ako sa kanilang mga kuko?
Maraming taon at dekada na rin ang lumipas ng kanilang ginarote ang tatlong paring walang nagawang pgkakasala maliban sa paghayag ng tunay at katotohanang nagaganap sa Inang bayang Pilipinas. Hindi na rin mabilang ang mga nagdaang panahon matapos barilin ang ating bayaning Jose Rizal sa Bagumbayan dahil lamang sa labis na pagmamahal sa bansa. Ilang nilalang na ba ang nakaranas ng pighati at ilang angkan na ba ang nasawi dahil sa pag-ibig sa bansang sinilangan?
Tapos na ang lagim ng nakaraan. Hindi na tayo hawak ng sinumang banyaga... Wala ng ibang lahing naghahari sa bansang masasabi nating "atin lamang". Ngunit, ano itong maitim na hamog na tila mantsa sa mata ng bandera ni Aguinaldo? Tila may mga bagong nilalang na isinilang upang hamakin ang mga mabababang tao... Nasaan ang sinasabing pantay na hustisya kung may mga taong matataas na marurungis ang mga kamay ngunit ang mga inosente ang nagtitiis sa buhay sa loob ng isang kwartong walang bintana maliban sa rehas? Makikita ba ang kalayaan sa mg suhol ng mga makapangyarihan o sa pagtaya ng buhay para sa katotohanan? Makikita ba ang kalayaan sa bituka ng mga may baril na nabuhay para manlamang? Sa mga kabataang tambay na silang sana'y pag-asa nitong bayan? Sa mga bahay na tagpi-tagpi? Sa mga illegal recruiters? Sa pag carjack? pag kidnap? pag-massacre? pag-murder? Sa walang katapusang banta ng mga terorista? Pagsusugal? Pagnanakaw? Nasa mga bata bang nangangatok sa bawat bintana ng mga sasakyan???
"NASAAN ANG KALAYAAN?!?!?!" ?.... Nasa papel at punla?...Nasa itak? Nasa sedula? ..........o baka naman sa nsakyan kong jeep kanina.
Kung gayo'y kailangan bang muling dumanak ang dugo upang makita ang hinahangad ng mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kinabukasan ng mga kasalukuyang kabataan?
Wala sa gobyerno, o palpak na mga pulitiko, hindi sa militar, at lalong hindi sa mga ordinaryong tao... Lahat tayo pantay-pantay... Lahat tayo, may kasalana't dapat na managot. Lahat tayo'y may mga pagkukulang na dapat punan. ..May mga responsibilidad na dapat gampanan.. May mga pangarap at hangarin..... Hangaring makamit ang tunay na kalayaan, Muling iwagayway ang bandila na walang ni isang dungis.
" PILIPINO TAYO, HINDI BASTA ORDINARYO".. pero sana naman, hwag humantong sa puntong tayo mismo ang sisira sa kalayaang pamana ng ating mga marangal na bayani.. Alagaan natin ito, .......Mapalad tayo dahil hindi na natin kailangan pang sumigaw sa Balintawak o makipag labang itak lamang ang dala-dala..(tunay na walang panama sa mga baril ng mga banyaga).. kaya sana naman pahalagahan natin ang kalayaang tinatamasa natin... Wag na wag nating samantalahin...
>PAGMAMAY-ARI NI:
Bautista, Wendy Mae
Peb. 19, 2011
Sabado
BINABASA MO ANG
" Asan ang kalayaan ??? "
Historical FictionHuli man daw ang pagdating... at least, dumating pa rin >.< ~ AT DAHIL NANGANGAMOY MAKABAYAN ANG BWAN NG HUNYO.....