Hanggang dito sa bahay namin iniisip ko pa rin ang sinasabi ng bestfriend ko.
Naguguluhan pa rin ako
Anong sumpa?Anong nauulit?Lagi na lang akong nagiisip at nagiisip na para bang nasa kawalan.
Gusto kong balikan ang old library pero wala akong lakas na loob bukod sa duwag ako wala akong kasama pumunta doon.
Ipagsasabukas ko na lang ito.
*kinabukasan*
Anong meron??Bakit nagkakagulo sa Girl's CR??
Makatingin nga...
"Nakakadiri naman.Sino kaya ang gumawa ng ganong pagpatay?"sabi ng estudyanteng babaeng nakasalubong ko
Malapit na ako sa Girls CR at amoy ko ang isang masangsang na amoy na tiyak akong doon nanggagaling sa CR namin.
Sumilip ako sa loob at isang bangkay ng babae ang nakita ko.Duguan at walang malay na nakahiga malapit sa inodoro.May laslas ang leeg nito at nawawala pa ang kamay nito na tiyak akong pinutol.Pero may nakaukit sa noo nito na Letter 'A'
Pero familiar sa akin ang bangkay..
Siya..oo siya..Siya si Amanda..Kaklase ko..
Pero sino ang gumawa nito sa kanya??Ang sinapit niya ay nakakatakot..
Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis.
At ilan sa mga estudyante ng chiu university ay ininterview ng mga pulis.
Sabi ng iba huli daw nilang nakita si Amanda sa cheerleader practice nila.Ang iba naman ay nakita siya sa Girl's LockerRoom na may kasamang lalaki.At ang iba naman ay sinasabing baka suicide ang nangyari.
Pero hanggang sa ngayon.Wala kaming ideya..As in WALA.
Pero ang nakita ko na noo niya Letter A.
At nagflashback sa akin ang sinabi ng bestfriend ko.
Baka ito na ang sinasabi niyang sumpa...
Hindi-hindi maari ito.....
**********
Chapter 6-----is next ^^