Isang araw, may humintong sasakyan sa aking harapan.
"San ka papunta? Hahatid na kita."
Kwentuhan, asaran at tawanan buong byahe,
na para bang ayoko nang bumaba.Sa mga sumunod na araw,
Ikaw na lang ang palagi kong kausap.
Sa mga sumunod na araw,
Ikaw na lang ang lagi kong kasama.Kahit anong oras,
lagi kang nandyan.
Kahit may ibang lakad,
ikaw at ikaw parin ang makakasama sa huling oras ng araw.Ang sipag mo naman kaibigan.
Pagkakaibigan na lang ba to o iba na?
Pwede bang sabihin mo na,
bago pa ako magkamali at umasa?Ilang buwan na rin ang lumipas,
anong nangyari na kaibigan?
Araw-araw na pakiramdaman,
gusto mo ba na ako na ang umuna?Isang araw, hinihintay ko ulit may huminto,
Isang araw, hinahanap ko yung palagi kong kausap.
Isang araw; puta, nasan ka na?
Isang araw, oo na, ako na ang uuna.Buong araw akong naghintay.
Minuminuto kitang sinubukang tawagan.
Bakit ganun? Nasaan ka na ba?
Bakit pati pamilya mo, walang alam kung nasan ka?Diba sabi ko noon, bestfriend ko na rin si Sky?
Sabi mo nga mas close pa kami kesa sa inyo.
Pero bakit sabay kayong nawala?
Kelan nyo ulit ako susunduin at ihahatid sa bahay?Di mo pa alam yung gusto kong sabihin diba?
Sobrang dami mo bang pang gasolina para mag-drive ng walang hanggan?
San na kayo umabot ni Sky?
Paano na kami dito na iniwan mong walang alam.