Part 1: Ang Sumpa

12 0 0
                                    

"Kailan mo ba plano pataasin yang grades mo ha?!" Sigaw ni Inay kay Fran na hindi naman nakikinig. Nakakuha kasi si Fran ng 53 sa math exam niya, at ayaw na ayaw ito ng inay niya. "Edi sana hindi mo na ako pina-transfer diyan sa lintik na eskuwelahan na yan." Inis na sagot ni Fran. Nagalit si inay at sumigaw "HOY BATA KA! PUWEDE BA MAGSABI KA NG PO SA BAWAT SABI MO HA!" Nairita na siya at sinigawan din niya si inay, "O sige! Mula ngayon, puro pag-aaral na lang ang nasa isip ko! At kung hindi mo naaalala kung ano ang paborito kong gawin bago matapos ang taon, habambuhay na ako ganun! Tingnan natin kung gugustohin mong tumaas grade ko!" At nagdabog si Fran papunta sa kanyang kuwarto. Ang inay naman niya, Umupo sa sala at umiyak. Umiyak din si Fran sa kuwarto niya. "Bakit puro grades ko na lang iniisip ni mama? Hindi ba niya alam na may sarili akong buhay?" Umiiyak na sabi ni Fran sa kaniyang sarili. Niyakap niya ang paborito niyang manika at nakatulog. Paggising niya, agad siyang bumaba, kinuha ang kaniyang libro at nag-aral. Nalito si inay sa pangyayareng ito dahil tuwing bababa si Fran, kakain muna siya ng almusal. Pagtapos ni Fran mag-aral, hindi na siya kumain. Nagbasa na lang siya ng Mathematics at Hekasi. Sabi ni inay, "Fran, sorry sa nangyare kagabi. Galit lang kasi ako e. Pero kumain ka muna ng almusal. Magugutom ka niyan." Hindi kumibo si Fran. "Fran, naririnig mo ba ako? Fran?" Hindi parin gumalaw si Fran. Sinara ni inay ang libro at sinabi, "Sumagot ka nga! May kausap ako?" Tumingin si Fran sa kanya at nagsalita, "Tanggalin mo ang kamay mo sa libro ko." Nagulat si inay at sabi, "Ok ka lang, anak? Galit ka ba sakin?" Sabi naman niya, "Ang sabi ko tanggalin mo kamay mo sa libro ko." Umalis na lang si inay. Buong araw hindi tumigil si Fran sa kakaaral. Pagdating ng 09:00, kung kailan karaniwang natutulog, hindi parin niya tinitigilan ang libro niya. Biglang naisip ni inay ang sinabi ni Fran kagabi. Nagkatotoo ang sumpa niya.

Ang Aking Pag-AaralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon