Darren's POV.
"Bakit parang ang tagal ata ni Ange?" tanong sakin ni JK sabay sandal sa van kung saan ako nakasandal din ngayon.
Si Angeline Romeras yung tinutukoy nya. Tamad talaga yan magsalita kaya pinapaikli nya pa.
"Try mong maghintay" Sabi ko sabay tingin sa wrist watch ko.
Oo nga ang tagal nga nya! Anubayan. Anong oras na! Pupunta kasi kami sa bahay ng lola ni Joshua kaybigan din namin. Dun kasi namin napiling magbakasyon limang araw lang naman tapos magbo-Boracay na kami aye aye!
"Tingin mo dude may pagasa ba ako kay Yannie?" Napatingin ako kay JK ng magtanong sya.
Tae! Tatlong buwan na tong pumoporma kay Yannie hindi pa rin nanliligaw! Spell torpe? J.U.A.N.K.A.R.L.O.S.
Buti pa ako!
"Hahahaha grabe ka bro! Ang tagal na nyan ha? Hanggang ngayon ba naman wala ka pa ring ginagawa?" Natatawang sabi ko.
"Nagdadalawang isip pa kasi ako e" Sabi nya sabay tingin kay Yannie na kasalukuyang nakikipagusap kay Ericka, Jarred at Rachelle sa hindi kalayuan samin. Pero sure naman akong hindi nila kami maririnig.
"Wow! Naisip mo pang magdalawang isip? E wala ka ngang isip. Isipin mo yun!?" Sabi ko. Nakakunot noo syang tumingin sakin.
"Ako walang isip? Gusto mong sapakin kita?"
"Woah! Wag ka ngang magbiro, binibiro lang kita hindi ka na mabiro. Biruin mo yun?!" Pangiinis ko. Sinamaan nya naman ako ng tingin.
Naiintindihan nyo ba ako? Haha!
"Puntahan mo na nga lang si Ange! Kesa binibwisit mo ako!" Iritang sabi nya sabay tulak sakin palayo. Tumawa naman ako para lalo syang maasar.
"Tignan mo to! Naiinis kagad, e iniinis lang naman kita. Wag ka ngang manginis. Nakakainis ka!" Seryosong sabi ko pero sa loob loob ko tawang tawa na ako. Epic face kasi sya e. Haha!
"Isa pa!"
"Wag ka ngang mapikon, pinipikon lang ki-?"
"ISA! HINDI KA BA TITIGIL?"
"Sabi ko nga pupuntahan ko na si Ange" Sabi ko sabay lakad na palapit sa gate nila Ange. Ang pikon nito kaya ang sarap pikunin e.
Btw kanina pa pala kami nandito kaya lang ang kupad talagang kumilos ni Ange. Wengya!
Pumasok kagad ako sa bahay nila ng wala man lang pahintulot. Sanay na naman sila sakin kasi lagi akong nandito.
"Hello po tita. Si Angeline po?" Tanong ko sa mommy ni Ange na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng Tom and Jerry -_-
"Nasa taas. Akyat ka na lang. Hello din!" Sabi nya sabay kaway pa pero hindi nya manlang ako nilingon. Busy sa Tom and Jerry naks naman!
Umiling iling na lang ako saka na ako umakyat papunta sa kwarto ni Ange.
Pagpasok ko sa kwarto nya ay nakita ko kagad syang nakatalikod habang inaayos yung mga damit na dadalin nya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ko sya niyakap mula sa likod.
"Matagal pa ba yan?" Bulong ko sa tenga nya. Nakita ko naman syang ngumiti.
Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya saka ako pumunta sa gilid nya.
"Parang ang dami naman ata nyan?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa mga bagaheng inaayos nya. Naks 'bagahe' ang lalim!
![](https://img.wattpad.com/cover/47782162-288-k46431.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night (A Darren Espanto and Juan Karlos Labajo Fanfiction)
Teen FictionNabalot ng kababalaghan ang isang buong gabi nila. Kakayanin mo kaya?