Beginning

41 0 0
                                    

Ako si Gwen Monteiro. Isang 16 years old girl. nakatira ako sa Nueva Ecija, doon na ako lumaki.

Simpleng tao lang ako. Mahirap kami pero masaya ang pamilya namin. Meron akong dalawang kapatid, si Buknoy at pepeng. Si Nanay Linda at si Tatay arnold, Sila ang mga pamilya ko.

Isang araw sa bahay...

Ginising ako ng katok sa kahoy naming pintuan at sa tahol ng aso kong si choppy. 

"HOOOYYYY! Gumising na kayo may naniningil Linda!" sigaw ni aling bebang na kapitbahay namin. agad ko namang tiningnan ito. Wala kasi si tatay sa bahay, nagpapalay yun malamang.

pagkabukas ko, nakita ko may lalaking naka sumbrero at nakalagay dun sa sumbrero niya "Living Water" ibig sabihin, kailangan ko nang magbayad ng tubig kung hindi ay mapuputulan na kami.

Agad kong ginising si nanay. "Nayy! yung tubig po nandyan na sa labas." mabilis na tumayo si nanay. "bumabaha na?" tanong ni nanay

"Nay, yung maniningil po."

"eh wala pa tayong pera."

"Nay.. Pano na yan?"

"teka kakausapin ko." lumabas si nanay. Habang nakikipag usap siya, nag iigib na ako.

"ano na po nangyari nay?"

"wala eh. mag igib ka na."

"tapos na po."

"edi magpahinga ka na ulet." kita mo sa mukha ng nanay ang lungkot niya na para bang wala nang pag asa.

~Next day~

Nanaginip ako. Nasa isang Panget at lumang lugar daw ako, may nakita akong isang babaeng matanda sabi niya "iha, hanapin mo ako sa maynila at suswertehen ka." tapos bigla akong sinampal. nagising tuloy ako.

Tumayo na ako sa sahig at niligpit na ang sapin namin. Kinausap ko si nanay na pupunta ako sa maynila. Nagtira kasi ako ng 500 para kung sakaling kakailanganin. Hindi ko na ibinigay yung pera kay nanay kasi alam ko na ipang gagastus niya yun sa lotto. 

"nay. Pwede po ba ako pumunta sa maynila? nabalitaan ko po kasi na madami daw po dun bakanteng trabaho, pwede po ako dun nang makaluwag luwag."

"wala tayong pera anak."

"nay. wag ninyo na po alalahanin yung pera, diskarte ko na po yun."

"oh siya. ikaw bahala."

"salamat nay. Sa susunod na araw na rin po ang alis ko."

"bat parang napaka bilis naman ata?"

"Eh bat ko pa po ba patatagalin?"

"oh sige bahala ka."

"salamat nay."

~next next day~

Eto na ang araw ng pag alis ko sa probinsya. 4:00 ng umaga ako umalis at 5:30 ako nakapunta doon. Sobrang ganda. Naisip ko na 250 nalang ang pera ko at hindi ko pa alam kung saan ako titira. Nagpasya nalang ako na 50 pesos pangkain ko na yun hanggang gabi na. habang kumakain ako ng kain at ulam sa karinderya may nakita ako na "Wanted Roommate".

"ale, Roommate po?"

"oo."

"magkano po ba yan?"

"150 isang linggo."

"ang mahal naman po. Pwede po bang 250 tatlong linggo na?"

"malulugi ako sayo eh."

"wala po kasi akong pangkain."

"libre na ang lahat. kuryente, pagkain at tubig."

"pwede ko po bang makita?"

"sumunod ka sakin." may pinasok kaming iskinita at sa dulo ay may mahabang bahay. dun kami pumasok. 

"dalawa ang kwarto dito, babae at lalaki. dun nga pala ang CR." malaki din ang bahay kaya naisip ko, mura na rin pala. pumasok kami doon sa Boys room. May dalawang lalaki.

"ilan po ba kami lahat?"

"kung kasama ka, 5 lang kayo." lumapit saakin yung dalawang lalaki.

"sino po siya?" tanong nung lalaki.

"tumitingin ng kwarto."

"mag isa ka lang?"tanong nung isang lalaki.

"oo."

"dito ka nalang maganda dito tsaka masaya."

"ewan ko sainyo! aalis na kami." sabi nung ale. 

Simple Girl turns to a Popular princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon