Page's POV
Bitbit si Kreyd at ang mga damit namin ay pumunta kami sa tita ko, 2nd degree cousin ni Dad,mas gusto nya ang simpleng buhay,si tita Nancy at ang asawa nyang si Tito Kebin,hindi sila biniyayaang magka anak,kaya nag ampon sila,si Khyron na nasa grade 5 o grade 6 na ata.
Nagulat pa ang mga ito ng dumating ako na may kasamang bata at bitbit na mga paper bag.
"Oh Riley,napadalaw ka? Sino yan?" ani tita Nancy ng mapagbuksan kami ng pinto.
"kuya!" sigaw ni Khyron at bigla ako niyakap saka tinitigan si Kreyd.
"Tita,ang dami po kasing nangyari eh,si tito Kebin po?" sagot ko.
"Pasok muna kayo at kumain saka mo ikwento ang nangyari" magiliw na sagot ni Tita Nancy.
At yon nga,walang labis,walang kulang kong sinabi lahat.
"Ganon pala,eh papano yan? Baka mahirapan ka sa misyon mo ijo?" nag aalalang sabi ni tita. "Paano si Kreyd?" dagdag nito at nilingon ang bata na kalaro na ngayon ni Khyron.
"Alam ko pong magiging dagdag abala ang hihingin kong pabor,pwede po bang ampunin nyo muna si Kreyd? Mayaman ang batang yan ngunit wala naman ata interes ang Daddy nya na mahanap sya,edi sana nagkalat na ang litrato nya,dito muna sya pwede po ba? Bibigyan ko po kayo ng sapat na pera para kay Kreyd at para na rin sa inyo,ngayong gabi lang ako tutuloy dito tita,bukas ng umaga aalis din ako" mahaba kong sagot. Yun na lang ang tangi kong maitutulong ngayon kay Kreyd.
"Walang kaso sa amin yon ng tito mo,kahit dito na sya habang buhay,mukhang nawiwili nga sa kanya si khyron eh" magiliw na sabi ni tita. "Paano ang trabaho mo ngayon?" dagdag pa nito.
"Papasok pa rin po ako mamaya sa Resto bar at uuwi din dito after,at saka ko haharapin si Bubbles Villamor,masyadong malaki ang ginawa nyang kasalanan,sinuka ako ng lahat maging ng mga magulang ko" at muli,napaiyak na lamang ako. Naaawang niyakap naman ako ni Tita Nancy. Kahit papano,naramdaman kong may karamay ako.
Pumunta na din ako sa Chansu ng maaga para ipaalam sa kanila na titigil na ako sa pag aaral at kung pwede mag part time waiter ako dun pag araw. Desidido na din ako. Kaya dumeretso ako sa opisina nina Kuya Argel at kuya Yuweh.
"Ang aga mo Page" bati ni kuya Yuweh at nag beso sa akin. Umapir naman si kuya Argel.
"Pwedeng mag trabaho dito as waiter pag araw?" walang ligoy kong sabi. Agad na nagsalubong ang kilay ng mag asawa. Hayst wala na naman akong choice kundi ang ikwento sa kanila ang lahat.
"Bakit ngayon pa yan nangyari? Sa bahay ka muna,lalo pa at bumalik na sa Japan ang kuya Kymn mo kanina lang,hinahanap ka nga" naaawang sabi ni kuya Yuweh.
"Hindi,ayoko, gusto ko maging matatag na mag isa,nawala na sa akin si Ian at ang pamilya ko,kaya gusto kong gamitin ang mga nangyari para magiging matatag,sana suportahan nyo ako,at para maging handa na din ako sa paghaharap namin ni Bubbles" sagot ko.
"delikado yang pinasok mo Page,tutulungan ka namin,nangako kami sa puntod ng kuya Venn mo na hindi ka namin papabayaan" ani kuya Argel.
"Salamat na lang kuya pero desidido na ako mamuhay mag isa,payagan nyo lang ako mag waiter pag araw,at pag gabi ganun pa din,sa banda pa din ako"
"Sige papayagan ka namin,pero pwede namang bigyan ka na lang namin ng pera" - kuya Yuweh.
"Huwag na po" pag tanggi ko.
"Okay,pero alam na ba yan ng tropa mo?"- kuya Yuweh pa din.
"Hindi pa pero sasabihin ko din,pero sa palagay ko alam na nila,lalo pa at sa isang school lang kami nag aral,panigurado nakarating na sa kanila yung video or naidaldal na ni Kooki" sagot ko naman. Napabuntonghininga na lang ang mag asawa.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time (first half finished)
RomanceBOYXBOY GAY YAOI > Subaybayan natin ang kakaibang buhay pag ibig ni Page at Ian :]