Pinas

72 0 0
                                    

Pinas  

Eleksyon nanaman, maraming pulitikong gumagastos ng pera,  

maraming nandadaya, mga iba nasa tuwid na lumilihis pa ng landas  

kung sinong pulitiko ang matino sya pa ang sinasabihang kurakot, samantalang ang totoong kurakot patuloy na kinikimkim ang kaban ng bayan, patukoy na winawaldas para sa pansariling pag nanasa, 

imbis na ibuhos lahat lahat ito sa bayan sa bulsa nila'y nabubuhos lamang. 

Oo maraming pulitiko ang nangangako ng sandamakmak pero marami bang natupad? Kung sino pa ang matino sya pa ang hindi nanalo, kung sino pa ang kurap sya pa ang naluluklok sa pwesito.  

May isang mayor ang naupo sa pwesto, masasabi mo bang matinong mayor ang taong walang ginagawa sa pwesto nya? Kung mismong mga nasasakupan nya nag aagawan sa iisang pwesto pero sya walang kaalam alam? Bumabaho ang kapaligiran, lahat ng magagandang kapaligiran ng lungsod nag lalaho ang taglay na kagandahan pero sya wala syang akosyong ginagawa? Sirang sira na ang daan halos puno na ng warak maging ang mga tulay rumurupok pero alam ba nya ang mga trahedyang pweding mangyari dito? Alam nyaba kung ilang buhay ang pweding mawala? Kung ilang ari arian ang pweding magiba? Hindi diba! Ito lang ang tanong na paulit ulit na sumasagi sa aking isipan "Anong nangyari sa kaban ng bayad?, saan ito napunta?" mga tanong na kay hirap sagutin dahil isa rin akong mamamayan na walang kaalam alam tungkol sa pulitika, at isang mamamayan na nakakaramdan ng hirap dahil sa mga kurap ng pulitiko. 

Maraming mga matinong mayor ang naupo narin sa pwesto, na maraming napatupad ng batas, mga establismentong nakakatulong sa mga mag aaral, mga mamamayan tulad ko, marami naring napaayos na parte ng lungsod, napatinong mamamayan higit sa lahat hindi nangungurakot.. 

Bagamat bakit kung sino pa ang matino sya pa ang inaakusahang nangungurakot? Kung sino pa ang maraming naitulong sya pa ang masama sa ibang tao?  

Ganyan naba talaga? Porke naabutan kayo ng mga salaping makasalanan iboboto nya ang walang kwentang pulitiko? Oo siguro nga nakakatulong ito sainyo pero tandaan nyo panandalian lang lahat ng mga ginawa nila, panandalian lang ang ginhawa ng pag bebenta nyo ng boto, pero ang pulitikong kurakot na bumili ng boto nyo pangmatagalan nya itong kakamkamin, pang matagalan tayong papahirapan, naisip nyo paba yon?  

Sa itong nalalapit na halalalan, mabago ko pa ang inyong mga isip, maituwid ko pa ang mga bagay na patuloy na binabaluktot ng mga walang kwentang mangungurakot, matanda na kayo alam nyo na ang mga mali't mata, Bumoto ng tapat yung na tingin mo mababago nya ang lahat lahat sa baying ito, tayo rin ang makikinabang dito...  

Sinulat ko ito para mabuksan ko mga mata nyong nasilawan ng kinang ng mga salaping galing sa mga sakim na pulitiko, wala akong nais patamaan pero kung may matamaan man hindi kuna problema iyon. Isa lang akong mamamayan katulad nyo nakaapak sa lupa kumakain din ng kanin, sanay gumising kayo sa katotohanan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon