Noong nakaraang labing limang taon.....
"Kailangan kong umalis dito sa aking lugar, mahal na prinsesa. Kailangan kong matagpuan ang sarili ko at maisakatuparan ang pagiging hari." Sabi ni Sinbad sa akin.
"Pero, Sinbad , delikado!" May nanglilingid na luha kong pagpipigil sa kanya.
"Mahal na prinsesa...." saka nya hinawakan ang mga kamay ko. "Sa takdang panahon, hahanapin kita, babalikan kita. At kung ako ay hari na, gusto kong ikaw ang reyna ng nasasakupan ko at maging ng buhay ko."
Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang yon.... palayo sya ng palayo.
Ano na kaya ang nangyari sa kababata kong si Sinbad?
"Mahal na prinsesang Zea.... pinatatawag po kayo ng hari." Sabi ni Ena. Ang tagapagsilbi ko.
"Sige, susunod ako."
****sa palasyo ng hari****
"Bakit po ama?" Bungad ko.
"Uh. Bilang unang prinsesa ng ating imperyo, kailangan mo nang magpakasal."
"Po???? B-bakit?!"
"Sa inyong limang magkakapatid.... ikaw nalang ang hindi pa nagpapakasal. Ikaw pa naman ang unang prinsesa. Nangangamba lang naman ako at baka tumanda ka ng walang kasama sa pagpapatakbo ng kaharian." Sabi ni ama.
"Wala po akong pakialam, ama. Kung hindi pa dumadating ang para sa akin.... hindi ako magaasawa." Sagot ko.
"Inaalala mo ba yung batang kalaro mo noon sa lugar ng Tison?" Tanong ni ama.
Natigilan ako. Sya nga ba ang dahilan kung bakit ayoko tumanggap ng manliligaw? Hinihintay ko parin ba sya? Babalikan pa kaya niya ako ? O kinalimutan na nya ako?
"HAHAHAHA!" pagtawa ni ama.
Huh?
"Sabi na nga ba at iniisip mo parin sya."
>\\\\>
"May ipagagawa ako sayo anak."
"Ano yon ama?"
"Isusugo kita bilang tagapagsalita ko. Pumunta ka sa kaharian ng Sindria. At sabihin mong pumapayag na akong makipagalyansa sa kanila." -sabi ni ama habang nakangiti.
"HAH?!" sa loob ng napakaraming taon, hindi tinatanggap ni ama ang mga alok sa kanyang pakikipag-alyansa! Papanong.....? Sino kaya ang namumuno sa Sindria?
lagi kong naririnig ang bansang iyon, ngunit wala akong alam tungkol doon. Maaaring napakaimpluwensya ng taong yon. Balita ko, ang hari ng Sindria ang may pinakamadaming dungeon na nasakop. Kung ganoon, napakalakas nya. Gusto ko na syang mkilala.Naaalala ko na naman si Sinbad.
****sa Sindria****
tumigil na ang karwahe. Sumilip ako sa bintana, at nkita ko ang mga sundalo, at ang mga nababalitang mga heneral ng hari nila. Inalalayan ako ni Ena bumaba.Nakatungo akong naglakad bilang paggalang.
"Maligayang pagdating mahal na prinsesa. Ako si Sinbad ang hari ng Sindria."
Ano? S-sinbad?
Unti-unti kong itinaas ang aking ulo at nakita ko ang lalaking may mahaba at kulay lila na buhok. Na nakasuot ng kasuotan ng hari. S-si Sinbad nga. D ako pwedeng magkamali. Ang mga mata nya. Ang tindig nya. Si SINBAD? ang hari ng Sindria ????
Halos malingid-lingid na naman ang luha ko. Talagang nangulila ako sa taong ito.
"Tara sa palasyo, mahal na prinsesa." Anyaya niya habang nakangiti
At inalalayan nya ko sa pag pasok.
Nandito kami ngayon sa isang silid at kaming dalawa lang. Medyo nahihiya ako kasi, hari na sya.
"Ah... eh... ano... pina...pinapunta ako ng mahal na hari upang ipasabi sa inyo na pumapayag sya sa pakikipag-alyansa sa bansa niyo." Sabi ko.
"Ahhh. Hahaha. Salamat. Ah.... Zea."
Dugdug dugdug.
Zea.... ang boses nya.
"Naaalala mo pa ba ?" Tanong ni Sinbad.
"Ang ano kamahalan?"
"Ang sinabi ko sayo noong nakaraang labing limang taon?"
"Kapag ako ay hari na, babalikan kita." Sabi niya.
Ang puso ko, lalabas na.
"At pagkatapos, gagawin kitang reyna ng nasasakupan ko............ at....... ng buhay ko." Dugtong nya pa.
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Naaalala ko ang mga panahong iyon.
"Alam mo kung bakit ako nasa unahan mo ngayon?" Tanong nya.
Umiling ako. Dko alam kung namumula ako o kung ano.
Hinawakan nya ang kamay ko.
"......dahil tutuparin ko ang lahat ng yon." Sabi nya habang nakangiti."S-Sinbad...."
"Humingi na ako ng permiso sa iyong ama upang kunin ang kamay mo...."
Si ama????? Ibig sabihin.....
"Pumunta ako sa inyong imperyo noong isang linggo . Nakiusap ako sa iyong ama na wag munang sabihin sayo na bumalik ako. Kaya naman..... ikaw nalang ang hinihintay ko. Handa ka na bang makasama ako habang buhay?"
naiiyak ako.....
Wala akong masabi. Tumango ako. Oo, sinbad, gusto kitang makasama."Mahal kita, Zea." Sabi ni Sinbad sa akin, saka nya ko hinalikan sa labi.
ang tagal ko tong hinintay.... Mahal din kita..... Sinbad.
*****
The end.
Hope you like it :-) thanks po sa pagbabasa!!!!