Chapter 10: The Legendary One

53 3 2
                                    

(Myth's POV)

"Kiddo!" Narinig kong sigaw ni Zy habang humahangos ng takbo patungo sa amin.

Binigyan ko naman ng tingin na may pagtataka ito.

"Run!!" Sunod na isinigaw niya at nagulat ako sa sumusunod sa kanya. Isang Hell Bull ang humahabol sa kanya. Imbis na matakot ako ay natawa ako dahil sa mukha ni Zy nawala yung KGG o kagalang galang niyang mukha.

Narealize ko na teka sa amin din patungo si Zy at ang bull na humahabol sa kanya.

"Eyrine takbo!" Paglingon ko ay wala na ang kausap ko at kami na lang ni Yuri na wala pa ding malay.

Binuhat ko agad si Yuri at tumakbo ng mabilis. Inabot na kami ni Zy sa pagtakbo at naunahan na nya kami.

"Ang dami dami mong pagdadalhan nitong halimaw na to don pa talaga sa amin Zy!!" Saway ko.

"I don't know where to run kiddo! Sorry!"

Masyadong mabilis ang takbo ng creature na humahabol sa amin at konting bagal ko lang patay kami ni Yuri. Hindi ko pa magamit yung agile spirit ko kulang pa sa energy points.

Nakahanap ng distansya si Zy mula sa amin ng raging bull at may ininom na potion.

"Dimension gates open. Aryada camp!" Nagcast ng teleportation spell si Zy. May bumukas na butas sa harap namin at nauna nang pumasok doon si Zy.

"Enter the gate kiddo! You have ten seconds before it closes!" Babala niya sa akin.

Darn it! Masydong mabilis ang ten seconds. Dahil sa layo ko mula sa butas at sa bigat ni Yuri nasaraduhan kami ng portal.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa nanghina na ang binti ko at tuluyang nadapa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at umasang makikita na ang langit.

"Tremor!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Kasunod non ay isang pagsabog at sigaw ng hell bull.

Itinaas ko ang mukha ko habang idinidilat ang aking mga mata. Hindi maaninag ang mukha niya dahil sa liwanag ng sikat ng araw pero sigurado akong nakita ko na siya. Siya nga! Ang berserker na tumulong sa akin.

Ngiti lang ang huling nakita ko sa kanya bago tuluyang makatulog sa pagod sa katatakbo.

"Hey kiddo? Are you alright?" Tanong ni Zy.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Wala na ako sa lugar kung saan inubos ko ang enerhiya kakatakbo.

"Nasaan ako?"

"We're in aryada camp this is the nearest town to be reach by my dimension gates."

"Si Yuri?"

"She's in the female quarters. The kiddo is concerned to our little Yuri." Narinig ko na tumawa si Zypher.

"How did you kill that creature?" Follow-up question niya.

"Hindi ako, isang berserker din ang pumatay sa creature na yon." Habang sinasabi ko iyon ay napalingon ako sa isang barya sa lamesa na katabi ng higaan ko. Ang mukha na naroroon.

"Sino ang nagmamay-ari ng mukhang nasa coins?" Tanong ko.

"That's Ernest Harkz. The first legendary hero of this world. They said that after he saved this world, he suddenly disappeared."

World of Eternia: Unsummon the summonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon