My heart beats fast like a drum rolling non-stop.
Maya-maya pa ay lalapag na ang eroplanong aking sinasakyan. Kitang-kita ko mula sa aking kinauupan ang kabuuan ng airport at ang mga kalapit na baranggay nito. The street lights are already turned on.
It's the start of "-ber" months kaya naman mas mahaba ang gabi kesa umaga. No wonder na kaka 5:15 palang ng hapon ngunit halos balutin na ng dilim ang buong paligid at may mga butuin naring nagsusulputan sa kalangitan. The weather is fair kaya paniguradong yayayain ako ng mga pinsan ko mamaya na mag-bar kahit na kakarating ko lang. This is worth a celebration for them.
Halos taon-taon nila akong kinukulit na umuwi na raw ako dahil baka hindi ko na maabutan si lola.
Seriously guys? Oh well, I can't blame them naman. Thirteen years is a long wait already. Kung ako siguro ang sa posisyon nila ay paniguradong medyo maiinip din ako.
I left Iloilo when I was 6 years old. Hindi kasi maka-move on si mama sa biglaang pagkawala ni papa dahil sa aksidente kaya naman dinala niya ako sa America a week after my father's burial.
My father died in a car accident at kasabay noon ay ang pag-iba ng ugali ni mama. She seldom smile at halos naka busangot nalang siya araw-araw. Minsan nalang din siyang magsalita o makipag socialize sa iba. At halos ginugugol lang niya ang sarili sa pagtatrabaho. Kaya ang tanging paraan para maka pagmove on siya ay ang pagA-America.
Biglang naputol ang pag mumuni-muni ko nang nagsalita ang flight attendant.
"Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the Fasten Seat Belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated. You may now turn on your electronic devices such as calculators, CD players and laptop computers."
I took a glance at the window bago inayos ang sweater na nakatali sa baywang ko. I also fixed my messy hair dahil sa pagtulog at naglagay na rin ako ng light make-up to look fresh.
I expelled a heavy breath nang tumigil na ang eroplano. Nagsimula naring magsitayuan ang mga pasahero habang ako ay nakaupo pa rin. Hindi naman sa maarte ako pero ayaw ko lang talagang maipit sa mga pasaherong nagmamadali lalo pa't kasing doble ng height o katawan ko ang halos sa kanila.
"This is it pansit" mahinang utas ko habang tinatahak ang daan papuntang Baggage Claim. I don't know pero medyo mabigat ang pakiramdam ko ngayon. It seems that something bad will happen.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakuha ko na rin ang maleta. Agad rin akong dumiretso sa lounge sa labas ng airport at nagbantay ng Taxi. I'm expecting no one dahil hindi rin naman ako nag sabi na uuwi ako. In short, I'm surprising them! Kaya naman bigla akong na excite sa idea ng surprise.
I smiled widely pero nawala rin agad iyon nang may biglang sumulpot sa unahan ko. At imbes na ako ang magsosorpresa ay ako pa ata ang nasorpresa.
"Honey?"