Cellphone Love Story (One Shot)

217 19 5
                                    

"Password is for privacy!"

-Eunice

***** "Aish! Nakakainis naman, nasaan na ba ang super duper magandang cellphone ko?!" sabay padyak ko ng paa ko. Nakakaasar nawala pa kung kelan pauwi na ako.

Bumalik ako sa foodcourt, sa banyo, sa may sinehan, at kung saan-saan pa para hanapin yung cellphone ko. Nakakainis na nakakaiyak, nasa MOA pa naman ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin. Baka mamaya may nakapulot na nun, ang mga tao pa naman ngayon ang motto sa ganun "finders, keepers', o baka naman nanakaw sakin ng di ko napapasin.

"Kuya guard, patulong naman po" sabi ko doon sa security guard na naka-mask na ewan.

"Bakit? Anong problema?" tanong niya sakin.

"Kasi po, yung cellphone ko nawawala." sabi ko.

"Cellphone mo nawawala? Nako baka nanakaw na yun!" sabi ni kuya guard. "Kaya nga ako lumapit sayo kuya guard eh, hihingi ako ng tulong." nagpapaawa kong sabi, sabay pateary eye ng mata ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Ganto na lang! Ipapahiram ko sayo yung phone ko at tawagan mo na lang yung number ng cellphone mo, baka sakaling mahanap mo pa." Sabay abot ng cellphone niya sakin. ang taray ni kuya guard ah, samsung ang cellphone, at yung latest na release pa. Di-nial ko na kaagad yung number ko. Wala pang tatlong ring may sumagot na.

"HOY! MAGNANAKAW! IBALIK MO YANG CELLPHONE KO! ANG MAHAL MAHAL NIYAN! BINILI PA YAN NG BOYFRIEND KO PARA SAKIN! AY MALI, EX-BOYFRIEND PALA KASI NAGBREAK NA KAMI KAHAPON! NAMIMISS KO NA NGA YUNG BOYFRIE--- EX KO EH! TIGNAN MO PA NGA YUNG WALLPAPER KO AT SCREENLOCK NG CELLPHONE KO, PICTURE NAMING DALAWA PLEASE IBALIK MO NA YUNG CELLPHONE KO! HIHINTAYIN KO! NASA MAY FOODCOURT AKO. MAY PASSWORD PA YANG CELLPHONE KO, KAYA USELESS LANG KUNG NANAKAWIN MO. PLEASE LANG! YANG CELLPHONE NA NGA LANG YUNG NATITIRANG ALA-ALA SAKIN NG BOYFRIEND KO EH! EX NA PALA!" Sunod sunod na sabi ko, napabuntong hininga naman yung nasa kabilang linya, napatingin naman ako kay kuya guard at tinuro niyung pisngi ko, hinawakan ko naman yung pisngi ko, di ko namanlayan na naiyak na pala ako, punong puno na ng luha ang pisngi ko.

"DALI NA!! IBALIK MO NA SAKIN! KAPAG BINALIK MO SAKIN YUNG CELLPHONE KO PAPAKASALAN KITA! DE JOKE LANG! ASA KA NAMAN! BASTA IBALIK MO NA PLEASE! HIHINTAYIN KITA!! SA MAY FOODCOURT! Pag mamakaawa ko.

"Miss, kapag pumunta ako diyan sa foodcourt, asahan mong may kapalit!" sabi sakin nung nasa kabilang linya.

"Oo sige, ililibre pa kita, basta maibalik mo lang sakin yang cellphone ko" sabi ko kaagad. Mahalaga kasi talaga sakin yung cellphone na yun.

"Miss, umiiyak ka ba?"

"OO KUYA! NAKAKAINIS KA! KASI DAHIL SAYO NAALALA KO YUNG EX KO!" sigaw ko.

"Aba! At ako pa ang sinisi mo." sabi niya sa kabilang linya.

"MAHAL NA MAHAL KO PA NGA YUNG EX KO EH! YUNG PASSWORD KO SA PHONE AY ENDEARMENT NAMING 'HONEYBUNCHSWEETYPUMPKIN' ALAM MO KUNG BAKIT?? MUKA KASI SIYANG PUMPKIN! PINAGPALIT PA AKO SA HIPON!" Naiiyak na sabi ko.

"Ano? Ako mukhang pumpkin? Sobra naman yata yun honeybunchsweetypumpkin."

"Huh?" sabay tingin ko sa likod ko.

"Sorry na honeybunchsweetypumpkin, hindi naman kita pinagpalit doon eh. Pinsan ko yung kayakap ko kahapon." Nagulat ako sa taong nasa harap ko, as in feeling ko tumakas ang kaluluwa ko sa katawan ko. Hawak niya yung phone ko at nakatapat pa din sa tenga niya. Yung taong kanina ko pa kausap sa phone.

Si Yuan, yung ex ko.

"Sorry na Eunice" sabay luhod sa harap ko.

"Sorry na, alam mo namang mahal na mahal kita, and as you said earlier, may kapalit tong phone mo" sabi niya, sabay abot sakin nung phone, nakaluhod pa din siya hindi pa din siya tumatayo

"Magsimula tayo ulit, at diba sabi mo kanina, pag ibinalik ko ang phone mo, papakasalan mo ako?" sabi niya, at ako speechless pa din. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang singsing na nakalagay sa kwintas.

"Honeybunchsweetypumpkin, will you marry me?" sabi niya, nakatitig lang ako sa kanya.

"Ano na, ang sagot mo? Tititigan mo lang ba siya? Mangangalay na yan sa pag luhod oh, kawawa naman." sabi ni kuya guard. Napangiti naman kami sa sinabi ni kuya guard. Binalik ko ang tingin ko kay Yuan, at hinila siya patayo.

"Yes. Yuan, I will marry you." sabi ko, nagliwanag naman ang mukha niya, sinuot niya kaagad sakin ang singsing at binuhat ako.

"I love you honeybunchsweetypump­­­­ kin " sabi niya sabay halik sakin.

"I love you too honeybunchsweetypumpkin." sagot ko.

"Okay tapos na ang show, ginawa niyo pa akong witness ng lovestory niyo." tatawa tawang sabi ni kuya guard.

"Haha, salamat kuya, ninong ka sa kasal namin ah." biro ko at sabay abot sa kanya ng cellphone niya. At nginitian na lang kami ni kuya guard.

"Ay siya, humayo kayo at magpakasaya." biro samin ni kuya guard. Napatawa naman kami ni Yuan.

"Salamat ulit kuya guard, babye." pagpapaalam ko at kinawayan ko siya, kinawayan niya din ako pabalik.

At naglakad na kami palayo ni Yuan na magkahawak kamay.

A/N:

Hi! this is my first ever one shot! I hope you enjoyed reading it. And please Kindly read the story of @Cheche051.. the title is Turn her into respectable young lady.. thank you

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cellphone Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon