Di ko alam kung bakit ako nagsusulat ngayon ng ganito. Di ko alam kung pano at saan nagsimula pero di kana mawala sa isip ko. Ikaw lang ang nasa panaginip ko at pakiramdam ko uhaw na uhaw ako sa atensyon mo.
Di na mabura sa diwa ko noong biglang namatay ang ilaw at biglang nagdilim ang kalangitan, kumulog' kumidlat ngunit tayo'y di natinag. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang mahina nating tawanan. Nanatiling nakatingin ang aking mata sa iyo, at ganun din naman ang iyong mga mata.
Doon ay mas lalo pa natin nakilala ang isa't-isa. Masaya at panatag tayong nag-uusap habang ang ating mga kaklase ay nakatuon ang pansin sa masamang panahon.
Para tayong bata noon na nakatingin sa pagbagsak ng ulan. Nakaabang sa bawat patak at nilalasap ang simoy ng hangin.
Habang abala tayong nangangarap at humihiling sa langit, biglang ibinuka ng iyong labi ang mga katagang... "Alam mo ang tingin ko sayo, Totoo kang magmahal."
Ako'y biglang napalingon sayo at ngumiti, di napigilan ng aking pisngi na mamula. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang tumawa at ang iyong mata ay ngumiti sa akin na tila nangungusap na totoo ang iyong mga tinuran.
Labis akong natuwa nang ikwento mo ang iyong mga pangarap. Napakadami noon at tila di mo iyon magagawa ng mag-isa, sabi mo pa'y ayaw mo pang dumating ang katapusan ng mundo dahil nais mo pang masilayan ang nakatadhana saiyo at sa sandaling makita mo na ang babaeng iyong pinapangarap ay ipaparanas mo sakanya ang pinakaromantikong paraan ng pagmamahal.
Bawat buka ng iyong bibig, ay ang bawat hiling ko sa mga anghel na sana ako nalang ang babaeng iyong ninanais.
Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako? Siguro ay dahil sa mga tingin mong mapangakit, sa mga ngiti mong nakakatunaw, at sa boses mong nakakapukaw damdamin. Sa mga tawa mong nakakakuha ng atensyon at sa tuwing ika'y magsasalita akoy napapatingin.
Ang mga kwento at biro mo'y di ko na makalimutan, parang musikang tumatakbo lage sa aking utak. Pati ang aking sistema ay sayo na ata nakakonekta. Para kang gayuma sa aking katawan unti-unting lumalason. Di ka matanggihan at parang iyo ng alipin.
Pag kasama ka, wala nakong hinahanap na iba at hinihiling na sana ay hindi na matapos ang araw na iyon. Sa aking pwesto ay di na makagalaw.
Ang mga tanong mo na di ko alam kung anöng isasagot dahil walang ibang laman ang kokote kundi ang pangalan mo.
Nakatatak na sa aking isipan yung panahon na una mo akong nginitian at simula noon ay lage mo na kong kinakausap kahet ako'y nakatalikod. Lage kong naalala ang unang beses na akoy iyong tinabihan. At tinanung ng mga bagay na tila ikaw ay nag-aalala sakin.
Lumipas ang panahön at tayo ay naging malapit sa isa't-isa dahilan para mas lalo kitang hangaan.
Una palang kitang makita, ako'y naakit na. Ngunit aking ipinagpaliban dahil gusto ka ng aking kaibigan.
Mula pa noon ay iniiwasan ko ng mahulog sayo dahil natatakot akong maglaho ang pagkakaibigan nating matagal kong iningatan.
Para akong nasa bingit ng malalim na balon, ginagawa ang lahat para di tuluyang malaglag ngunit iyong hinihila ang aking mga kamay sa iyong mga matatamis na salita at kilos. Ngunit ang puso ko'y patuloy sa pagkapit.
Bakit hindi ako maturn-off sayo? Kahit anong gawin mo ako'y iyong napapa-ibig. You do nothing but then you never fail to make me smile.
Naiinis na ko sa mundo, ikaw nalang lagi iniisip ko! Kailan ba mababaliktad ang mundo para ako naman ang isipin mo.
May relo ka naman diba? Pakitingnan nga baka oras na para maalala mo naman ako.
Pero sa totoo, ayaw kong marinig sa iyo na naalala mo ako kasi diba ang inaalala lang ay yung mga bagay na nakakalimutan?
Pero ipagpapasalamat ko iyon na sumagi ako sa iyong isipan kahit saglit.
Napakaduga mo dahil, ikaw, oo ikaw ay di ko na makalimutan kase nga nakatatak kana sa isip at puso ko na parang tatoo.
Ano bang gamit mong tinta at di kana mabura sa katauhan ko?
Ikaw sa aki'y parang maliwanag na buwan. Hindi ibinababa ngunit tinitingala. Lagi kong inaabangan ang iyong pagdating ; aking minamasdan ang liwanag mong tumatanglaw sa puso kong nalulumbay.
Minahal kita sa kabila ng dilim na bumabalot sa iyo. Minahal kita kahit na alam kong mahirap abutin pero handa kong sungkitin anuman ang kapalit.
Sa unang tingin, ika'y abot kamay ngunit mula sa aking kinatatayuan, ikaw ay pangarap lamang.
Ngunit nais kong malaman mo na hindi mawawala ang pag-asa ko na balang araw ay makita ka sa harap ng dambana. Ngunit kung hindi iyon ang nakasulat sa ating kapalaran, tatanggapin ko iyon ng buong puso.
Siguro'y sa kabilang buhay ay may pagkakataon akong maramdaman ang iyong pag-ibig na wagas at doon ay makapiling ka hanggang wakas.
BINABASA MO ANG
First Letter to the Moon
RomanceNo one grows tired of the moon. It is cratered with imperfections. It has a dark side. It is all alone in the sea of waters. HE is the moon on earth, and Maybe these words are not enough to define my feelings But, I will never grow tired of HIM.