Ang White Lady sa Aking Cabinet

681 17 10
                                    

Ang White Lady sa Aking Cabinet

Disclaimer: Kathang isip lamang po ang mga nakasulat sa story na ito. Hindi ito hango sa totoong buhay. Ito ay gawagawa lamang po ng malawak na imahinasyon ng author. Salamat po. :))

Ako nga pala si Steve 18 years old, nakatira sa Bulacan. Bagong lipat kami noong ako'y labing anim na taong gulang. Lumaki ako sa Pampanga noong ako'y 16 years old, napagdesisyunan ng aking mga magulang na manirahan sa lumang bahay ng aking lola at lolo sa Bulacan. Maayos naman ito, maganda at malaki. May kalumaan nga lang. Pero konting ayos lang maganda na naman ito.

Yun nga 16 years old ako nun nang lumipat kami. Pinapili kami ng kwarto ng aking mga magulang. Syempre pinili ko yung pinakamalaki. Kumpleto naman yung mga gamit doon. May kama at napakalaking cabinet. Medyo luma na yung cabinet kaya pinaayos namin at pinapinturahan. Yun gumanda naman, kaso sabi nung isa sa mga nagayos nun ay nakakakilabot daw yung cabinet ko. Tinawanan ko lang siya. Pero parang natakot din ako kasi nga matanda na yung cabinet na yun. Nagtanong tanong ako sa mga caretaker nung bahay wala naman daw. Niloloko lang ako nung tao. Napanatag naman ang loob ko. Unang gabi ko na matulog sa kwarto ko, ok naman. Wala naman akong naramdamang kakaiba. Tumagal ng tumagal yung pagtira namin sa bahay na ito e wala namang nangyaring kakaiba. 17 na ako nang may maramdaman akong kakaiba sa aking kwarto. Noong una hindi ko pinapansin ang mga yon. Iniisip ko na guni-guni ko lang ang mga naririnig ko. Meron naliligo ako tapos bigla kong maririnig yung pinto ng cabinet ko na bubukas heto pa nga yung tunog e, KRRRREEEEKKKK. Tapos biglang babagsak yung pinto. Di ko nalang pinapansin baka kasi hangin lang yun.

Naniwala nalang ako nung minsang nagbakasyon yung pinsan kong si Gerry 10 years old lang sya. Sa kwarto ko dun siya natulog. Close kasi kame kaya sa kwarto ko nalang siya pinatulog. 9:00pm natulog na kami. Nagising ako ng mga 11:30pm nakita kong nakabukas ung cabinet ko kaya isinara ko ito. Lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng inumin sa ref, ng may nakita akong babae na papasok sa aking kwarto tumakbo ako papunta sa kwarto para habulin yung babae ngunit wala akong nakita. Narinig kong umiiyak yung pinsan ko at tinatawag ako, "koy! Koy! Atin linub keng cabinet mu!!!" wika niya sa kapampangan, may pumasok daw sa cabinet ko, napatawa ako na may halong takot. Binuksan ko yung ilaw may nakita akong dugo sa tabi ng cabinet ko!!!

San galing yan!! sigaw ko sa pinsan ko. Ewan ko. Sagot niya habang umiiyak.

Takbuhan kami. Bumaba kami at nagsisisigaw na tinawag mga magulang ko tsaka lahat ng tao sa bahay.

"Ano nangyari sainyo? Gabing gabi sigaw kayo ng sigaw." wika ng mama ko.

"Ma! MA! May dugo! May du-du-dugo sa cabinet ko!"

Dali dali silang umakyat papunta sa kwarto ko pagtingin nila wala man silang nakita.

"Batang to! Nood kasi ng nood ng horror! Yan tuloy ano ano nalang naiisip mo!" sabi ng dad ko.

"Pati mga kapatid mo tinakut mo!" sabi ng mama ko.

"Pero tito, tita may dugo po talaga dun huhuhu. Tapos may nakita pa akong pumasok sa cabinet. Huhuhuhu." wika ni Gerry habang umiiyak.

"Tignan mo pati tong pinsan mo tinatakot mo!"

"E ma paggising ko uminom lang ako ng tubig tapos may nakita akong papasok sa kwarto ko pagpunta ko wala man, nakita ko nalang si Gerry na umiiyak sabi niya may pumasok daw sa cabinet, tapos pagsindi ko sa ilaw may nakita akong dugo dyan!"

"Dugo asan yung dugo!? Wala naman diba! Batang to! Matulog na kayo!"

Umalis na sila mama kaming dalawa nalang ni Gerry sa kwarto. Di kami makatulog. 1:00am nalang ng makaktulog na ako ng biglang bumukas yung cabinet ko at biglang nagsara. Nabigla ako lalo na ng sumigaw ang pinsan ko. Hindi pa pala siya nakakatulog. Sabi ko matulog nalang siya hangin lang yun. Nakatulog na kami. Pagkaumaga magaalmusal na, ginising kami nila mama.

Habang kumakain kami nagsalita si Gerry;

"Tita ali naku ata bisang matudtud keni. Bisa nakung muli. Makatakut keng kwartu ng koya." ( Tita ayaw ko ng matulog dito. Gusto ko nang umuwi. Nakakatakot sa kwarto ni kuya. )

"Guni guni nyo lang yun. Kumain na kayo." sabi ni mama

Lumipas na naman yung araw. Gabi na naman.

Sana hindi na mangyari yung kagabi. T.T

Lumabas muna ako upang maghilamos. Ayaw magpaiwan ni Gerry pero kinausap ko siya sabi ko wala lang yun.

Papasok na ako ng kwarto ng may marinig akong kalabog. Tumakbo ako upang tignan yun.

Nagulat ako sa nakita ko.

Isang babaeng duguan na naka-kulay puti sakal sakal ang pinsan ko. Takot akong lumapit pero pano ung pinsan ko? Binato ko yung cellphone ko pero walang nangyari. Sumigaw ako at tinawag ko ang mga magulang ko. Pagdating nila nawala yung babae at nakabagsak nalang si Gerry sa sahig walang malay.

Dinala namin siya sa hospital. This time naniwala na sila sa akin. Pinabless nila yung bahay esp.yung room ko.

After that incident ayaw nang matulog ni Gerry sa room ko. Pero no choice siya. Wala nang ibang nangyari non hanggang umuwi yung pinsan ko.

Ako nanamang mag-isa sa room ko. :/ parang ayoko na! Haha. Nakakabakla dito. T.T

Ilang weeks na din pala nung nangyari yung mga yun. Buti nalang wala na.

Mag-isa ako sa bahay ngayon. Tss. Pumunta sila sa Pampanga hindi nila ako sinama. Wala daw tao sa bahay. Huhu. Bukas pa sila uuwi. T.T

Sa ibang room nalang sana ako matutulog kaso nakalock pala yung room nila mama. No choice :/ sa room ako matutulog. Bahala na.

Naliligo ako nang biglang.

Blag blag. Kreeeeeekk. Blag. Blag. Kreeeeeeeekk.

Yan nanaman! Huhu. Mamamatay na ata ako!

Pagpasok ko ng kwarto nakita ko mga damit ko kalat kalat.

Pero mas nagulat ako nung nakita ko yung nakaputi na mahaba ang buhok tas puno ng dugo yung damit. :-O

lalabas sana ako ng biglang nagsara ang pinto.

"Ano bang kailangan mo!?" sigaw ko.

Palapit siya ng palapit sakin ng biglang.

"Steve! Steve" tawag ng mama ko.

Paggising ko tinanong nila ano nangyari. Kinwento ko yung nangyari kagabi. :((

Umuwi muna kami ng Pampanga. Yung mga lolo at lola ko na nakatira dati dun, doon muna kami nag-stay.

Kinwento ko sa Lolo ko yung nangyari. Sinabi nya lahat ng totoo.

"Ganito kasi yun apo, Nabili lang namin yung bahay na yun dati. Sabi nila yung mga may-ari daw dun mayaman na pamilya. May anak silang babae na maganda. 19 years old yung babae nun. Pinagbawalan siyang lumabas ng bahay. May boyfriend siya noon,yung hardinero nila. Nalaman ng kanyang mga magulang na may relasyon silang dalawa. Kaya pinalayas yung hardinero. Nagtangkang tumakas yung babae para sumama na sa syota nya. Kaso nahuli siya. Kaya simula noon hindi na siya pinayagang lumabas ng bahay. Sa sobrang lungkot nung babae hindi na siya lumabas ng kwarto. Hindi kumakain. Hanggang napagpasyahan niyang magpakamatay. Nagtago siya sa loob ng cabinet niya dahil malaki yun. Pinagsasaksak niya ang sarili niya. Hanggang sa mamatay siya. Dalawang araw bago siya nakita, kase umalis mga magulang niya nung magpakamatay siya." kwento ng lolo ko.

"Ah. nakakatakot Lo. Ayaw ko ng bumalik dun."

"Di ko alam na totoo pala yun. Hayaan mo ipapabless natin yung room nyo at ipagpipray natin siya. Para umalis na siya." sagot ng lolo ko.

Pinabless nila at pinagdasal yung babae. Ngayon 18 years old na ako, at hanggang ngayon wala na akong nakita at naramdaman sa kwarto ko. Isang malagim na alala nalang ang mga nangyari. Pero pag nakikita ko yung cabinet na yun naalala ko yung mga nangyari sa akin. Lalo na nung nakita ko yung litrato nung babae. Napakganda pala niya. Salamat at wala ng nang-gugulo sa akin, at sa amin. :))

Hanggang dito nalang po ang aking kwento. Maraming salamat po sa pagbasa. Sana'y natakot ko kayo ay este sana nagustuhan niyo. :))

READ

VOTE

COMMENT po kaya. :)) SALAMAT!!

Ang White Lady sa Aking CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon