Chapter 1

26 0 0
                                    

Dinala si Erin sa pinakamalapit na hospital.

Sinamahan ko siya sa abot ng makakaya ko.

Halos ayaw ko nang bitawan yung kamay niya at puro hikbi at singhot nalang ang naririnig ko sa sarili ko.

Hindi ako makapagsalita ng matino. Pakiramdam ko, pag nagsalita ako eh hindi rin maiintindihan ng doktor kasi nangangarag yung boses ko.

Umiiyak kasi ako ngayon. Tuloy-tuloy na parang walang katapusan. Titigil lang siguro ito kung malalaman kong okay na si Erin.

Yung ilong ko siguro eh lumaki na dahil sa kakasinghot ko, wag naman kasi kamukha ko Dad kong Amerikano. Ayokong maging kamukha ni mom. Ayokong masinghot tong buong hospital. Itong singhot at hikbi na to ang nagpapahirap sa akin sa totoo lang.

Wala eh, sino bang hindi maiiyak ng tuloy-tuloy sa sitwasyon na nag-aagaw buhay ang taong mahal niya? Sino? What the Heck kung hindi siya makakaramdam ng gaya ng nararamdaman ko ngayon.

Habang hawak ko yung kamay ni Erin sabay sa pagtulak at pagtakbo ng mga nurse papuntang ICU, eh bigla kong naisip yung mga oras kanina na buhay na buhay pa si Erin at trip akong ibreak sa kadahilanang para maiba lang daw.

You can't hurt your loved ones with the use of nonsense things. Except when you have a valid reason for her not to be hurt when your relationship lasts wrong.

"Ahm sir, hands off na po. Nasa loob na po kayo ng ICU."

Nasa loob na pala ako.

Hehe! Kaya pala ako pinagtitinginan ng mga tao dito. Nakakahiya, maging si Erin bumangon pa ng kaunti just to say na Labas na.. with her low tone voice atsaka biglang nagpast-out.

Kala mo mamamatay na tong babae na to. Bumangon pa! Magsusukat na sana ako ng kabaong para sa kanya eh. Sighs.. joke lang~

After 6 consecutive hours ng paghihintay ko. Biglang may tumunog.

Kinalampag ko kaagad yung ICU dahil hindi pa lumalabas yung Doktor.

Teka? Tumutunog ba talaga pag natapos na yung operation?

Napatingin ako sa tiyan ko.

Hayy. Nagugutom nako. Tangna!

Nagblurt-out yung tiyan ko. Ibig sabihin ito yung tumunog like broom-broom. Angweird ng tunog. So pumunta muna akong canteen to buy some snack. Antagal nung operation.

"Iho? Kamusta si Iray?" May babae sa likod ko na tumatapik sa akin habang bumibili ako dito sa canteen ng ospital ng sandwich.

Pagharap ko, nakita ko yung mukha ni Erin pag tumanda. Still dazzling and elegant. That's how I describe Tita Erlinda. Mama ni Erin na sa sobrang yaman eh kayang bilhin ang buong Pilipinas. Would you believe na ang anak niya ay nag-aaral lang sa isang state university kasama ko? Okay walang naniwala.

Erin just wants a simple life where she can feel the everyday struggle of a typical college student.

Kaya ko siya minahal nang dahil sa kasimplehan niya sa buhay. She don't want expensive things but I always buy her though. And thank God, she never hesitate to accept it.

"Tita, si Erin kasi.. nasagasaan kanina ng sasakyan."

"I know son and I'm thankful that you were there for her."

Tinapik ni Tita yung braso ko saka lumakad at pumunta sa Lobby ng ospital, itatanong siguro kung nasaang ICU si Erin. Ituturo ko na sana kay Tita kung nasaan si Erin pero ayun. Hindi siya mapigilan kaya umupo nalang ako at hinintay na bumalik si Tita at sundan na lang siya papunta kay Erin.

How to Fall PerfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon