ENTRY#4 - RIZAL CHAPTER

1K 115 20
                                    

The Wildest Dream

By: (MORs) Mafias of Rizal

CHARACTER Description

1.Ezekiel Roswell

-Boss ng mga nagtitinda ng potion/Isang wizard


2.Bullet Roswell

-Masugit na taga-pamahala ng mga tinder at tindera ng potion/panganay na anak ni Ezekiel/isang wizard


3.Trigger Roswell

-Gwapong gentleman na nagtitinda ng potion/pangalawang anak ni Ezekiel/ Isang wizard


4.Caliber Roswell

-Pangatlong anak ni Ezekiel/isang gay wizard


5.Sebastian Lerwick

-GGSS na bampira


6.Kaizer Lamperouge

-GGSS na wizard


7.Cody Lerwick

-Anak ng GGSS na bampira/katulad ng ama, GGSS din siya


8.Azure Lamperoure

-Anak ng GGSS na wizard/katulad ng ama, GGSS din siya


9.Lucian Arentsvelt

-Haring Bampira/Hari ng Kahariang Shingining


10.Kindred Vortouhi

-Bampirang taga-silbi ng hari


11. Loki Vanaheim

-Bampirang taga silbi ng hari

12. Rizza Lyn Bagasala Arentsvelt

-Asawa ni Haring Lucian/Reyna ng Kahariang Shingining

13. Eloisa Maomay Roswell

- asawa ni Ezekiel

14. Sharmaine Porlas

-Matalik na kaibigan ng hari at reyna ngunit may lihim na pagtingin sa hari

15. Michaela Ramos Lerwick

-Amazonang Asawa ni Sebastian


The Wildest Dream

By: (MORs) Mafias of Rizal

"Bulleeeeeeet!"

"Triggeeeeeer!"

"Calibeeeeeeer!"

Halos dumagundong ang buong kabahayan nang sumigaw si Ezekiel Roswell para tawagin ang kan'yang mga anak.

Ang pamilyang Roswell ay isa sa mga negosyante ng Kahariang Shingining na pinamumunuan ng isang bampira na si Haring Lucian Arentsvelt. Sila ay ang tagapag-tinda at taga-gawa ng iba't-ibang uri ng potion sa kaharian. Si Ezekiel ang boss at katuwang niya sa pamamahala ang anak niyang mga lalaki.

"Bulleeeeeeet!"

"Triggeeeeeer!"

"Calibeeeeeeer!"

Muling tawag niya dahil ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumababa ang tatlo niyang anak kaya naman nakaramdam na siya ng inis.

"Nandiyan na po Ama!"

One Shot Story Making ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon