Ako nga pala si Tara. Ordinaryong labin-apat na taong gulang na babae na nasa ikatlong taon na ng hayskul--kasinungalingan.
Ako nga pala si Tara. Di-pangkaraniwang labin-apat na taong gulang na babae na nasa ikatlong taon na ng hayskul.
Sa ibang salita, ako'y hindi normal, abnormal ika nga nila. Paano ko nga ba yun nasabi? Nakakakita kasi ako ng kakaibang mga nilalang.
Sa totoo lang hindi na sila mga nilalang--dati lang.
"Gising na Tara, nauna na ang papa mo."
"Sige ma, sandali na lang."
Andito nanaman sila, nararamdaman ko ang mga multo sa paligid. Araw-araw pinapabayaan ko nalang sila dapat masanay na kasi ako. Naghanda na ako para pumasok sa eskwelahan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang mga mata ko ay kulay itim pero pag naanagan ng araw ay nagkukulay asul. Linagyan ko ng kulay puti na hairclip ang itim kong buhok, mukhang maayos ang buhok ko ngayon dahil mukha itong plantsado. Ang putla putla ko, mukha akong kulang sa dugo pero nasa lahi talaga namin yun eh. Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako para kumain kasama ni mama.
"Ma, mauna na ko at baka mahuli pa ko sa klase."
"Mag-ingat ka ha, huling araw niyo na rin naman ng pagpasok ngayon."
"Opo, kayo rin po ma."
Normal lang naman ang pamilyang kinabibilangan ko, nurse si mama, engineer si papa at nag-iisa nila akong anak. Hindi sila nakakakita ng mga multo at mas lalong hindi nila alam na nakakakita ako ng mga multo.
Namana ko ito sa nanay ni mama, lola ko siyempre. Nakatira kasi sa amin si lola noon at palagi niya akong kwinekwentuhan ng mga tungkol sa kababalaghan. Kakamatay lang ni lola nung isang taon kaya naman ang best friend ko nalang ang nakakaalam ng sikreto ko.
"Kuya, para po, eto po yung bayad."
"Tara!"
Sumalubong sa akin sa gate ang pinakamatalik kong kaibigan na si Kai, ang nag-iisang nakakaalam ng sikreto ko.
"Tara alam mo ba!"
"Ano nanaman yun Kai?"
"Pupunta kaming Japan ngayong bakasyon! Ang saya saya ko super!"
"Yun lang pala eh."
"Ayy hindi mo ako mamimiss? Wala kang kasama ngayong bakasyon."
"Eto naman, hindi mabiro, pasalubong ha. Mamimiss kita super!"
Nagtawanan at nagkwentuhan kaming magkaibigan habang papunta na kami sa aming silid-aralan.
"Ayy Tara, favor nga pala."
"Oh ano yun?"
"Kasi hindi ako masusundo ni papa ngayon so pwede bang iuwi mo ako?"
"Maglalakad tayo?"
"Oo naman, dadaan lang naman ako ng tulay sa labas tapos andun na, sige na Tara, please!"
"Eh Kai, ang hirap makahanap ng masasakyan sa inyo eh."
"Kaya nga maglalakad ka rin pabalik sa school para pumara ng tricycle, sige na limang minuto lang naman eh."
"Kaya mo na yan Kai, ang lapit na nga lang eh."
"Pero Tara alam mo naman na may mga gumagalang multo sa tulay, kailangan kita!"
"Oo na nga, utang na loob Kai, wag ka na matakot sa multo, hindi ka naman nila aanuhin pag wala kang ginawa sa kanila."
"Yes! Salamat Tara! Sige andiyan na si sir."
Wala rin kaming ginawa sa klase nun kasi huling araw naman na dahil nga kinakabukasan ay bakasyon na. Nagkuhanan ng mga litrato at may mga umiyak pa kahit hindi pa naman kami magtatapos ng hayskul, may isa pa naman kaming taon. Lumipas ang oras hangga't sa uwian na.
BINABASA MO ANG
Wake Up! (One-shot)
Teen FictionAko nga pala si Tara. Ordinaryong labin-apat na taong gulang na babae na nasa ikatlong taon na ng hayskul--kasinungalingan. Ako nga pala si Tara. Di-pangkaraniwang labin-apat na taong gulang na babae na nasa ikatlong taon na ng hayskul. Sa ibang sal...