Meet France- the tough nerd

58 0 0
                                    

“Hello transfer student or should I say grandma?”

Bago ko pa man makita kung sino ang nagsalita, naitulak na nya ko. Yun tuloy, bumunggo ako sa mga locker at nag tunugan ang mga iyon. Nagsi laglagan din ang mga papel sa folder ko at ang dalawang librong hawak ko. Pati na din ang salamin ko sa mata. Great! May mas gaganda pa ba sa pambungad sakin dito sa bago kong school?

“ Oh? Nasaktan ka ba grandma? Bakit ka kasi pa hara hara sa daan? Dapat kasi alam mo kung saan ka lulugar.” Sabay smile. “ Dapat kasi alam mo na hindi ka dapat humaharang sa popular kinds like us at dapat din malaman mo na hindi ka dapat tumatabi kay Jaypee dahil di mo sya at ako ka level” sabi nung babaeng tumulak sakin.

 Hindi ko makita ang detalye ng muka nya dahil nga nahulog ang eyeglasses ko pero alam ko ay maputi sya, mahaba ang brown nyang buhok at may katangkaran din sya. Sa tingin ko ay maganda sya, gayundin ang tatlo nyang alipores. Anu ba yan, konting konti na lang talaga at aayawan ko na ang lahat ng magagandang babae. Pero syempre joke lang yun, dahil meron akong bestfriend na naiwan ko sa pinaglipatan kong school na sobrang ganda ng panlabas na anyo at ugali.

Ang pangalan nya ay Emma. Akmang akma nga ang pangalan nya sa kanya dahil kahawig nya din si Emma Watson. Napakabait nya at may pagka loka loka din. Isa din sya sa mga popular girls pero kung inaakala nyong sya ang nagtatanggol sakin mula sa mga bully dahil nga popular siya at ako ay may pagka nerd, nagkakamali kayo. Ako ang nagtatanggol sa kanya mula sa mga bitches sa school na gustong gustong sirain sya dahil sa naiinggit sila sa kanya. Sa kabila ng pagiging popular ni Emma, nananatili pa din syang napakabait.  Siya ang tanging dahilan kung bakit hindi ko na nilalahat ang pagkasuklam ko sa lahat ng magaganda at gwapo,  kahit na ang karamihan sa mga iyon ay masasama ang ugali. Hay, bakit ba kasi pag maganda feeling nila lisensya na nila iyon para maging bitch.

Magbalik tayo sa kasalukuyan. Kinakapa kapa ko ang sahig dahil hindi ko pa rin talaga nahahanap ang salamin ko. Naiirita na ko ha! ang dami nang nakatingin samin, at eto ako na nagmumukang tanga dahil hindi ko pa din mahanap kung nasaan ang salamin ko. Wala man lamang tumutulong sakin o nag aabot ng salamin ko. Siguro  dahil takot silang madamay sa pambu bully na nagaganap sa harap nila. Kinakapa kapa ko pa din ang sahig at nahuhulog na din ang mahaba kong buhok mula sa pagkaka pusod ko ditto.

“Hoy! Are you ignoring me grandma or have you gone deaf due to your old age?” sabi ulit nung  babaeng nanulak sakin. Sabay tawanan naman ng mga alipores nya.

“ Malabo na nga mata tapos bingi pa, poor grandma.hahah!!” sabi nung isang alipores na may short black hair na nag sad face pa. Tumawa naman ulit ang mga kasama nya. Mula pa noong first year high school pare pareho na lang ang sinasabi nila sa akin. Grandma daw dahil may salamin ako, at dahil old fashioned ako. Hindi naman ako old fashioned eh, sadyang wala lang talaga akong hilig sa fashion at sa panlabas kong anyo. Basta malinis ako okay na sakin iyon. Hindi pa ako nakakapag make up sa buong buhay ko. Hindi din ako nag susuot ng mga girly at trendy clothes. Kapag nag sho-shopping kami ni emma, lagi syang bad trip pagkatapos dahil wala sa gusto nya ang binibili ko. Hay namimimiss ko na sya.

Balik tayo sa kasalukuyan,by this time, nakuha ko na ang gamit ko at nahanap at naisuot ko na din ang salamin ko. Tumayo  na ako. Nilapitan ko ang leader nila hanggang nasa 3 inches na lang ang pagitan namin.

“ You. What’s your name?” sabi ko with a bored expression.

“ Hey Nerd, don’t you YOU me! You are not even qualified to talk to me loser nerd. Well, out of pity, I might as well tell you my name, even lowly creatures have the right to know the name of their superiors right? I am Mitch, short for Michelle.” Sabi nya with the bitchy smile I often see to people like her. Anong pinag sasasabi nitong superior sya? Delusional na tong babaeng to.

Meet France- the tough nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon