Lenox (Prince)’s P.O.V
“Are you okay?” tanong ko sa yung nerd na nagbuhos sa akin ng pagkain. Tumango naman siya at nagtungo na sa upuan nya. Medyo nakalayo na siya nung nasabi ko ang nasa isip ko. “ After I’m done with you, You won’t be” at naglakad na ako papuntang upuan habang pinapagpag ang malansang pagkain sa ulo ko.
France’s P.O.V
Nakaupo na ako at kasalukuyang nakatingin sa blackboard. Habang yung mga nagsitayuang girls naman ay nagsisimula na ding magsi upo. Karamihan sa kanila binubunggo yung upuan ko. Hinayaan ko na lang sila, napagod din kasi ako kanina. Kaso may isa, sobrang lakas ng bunggo nya sa upuan ko at nalaglag yung gamit ko. Bwiset.
Lumingon siya sa akin at nginitian ako nang nang aasar. Tss.. Di pa din siya pagod? Hay..'Hayaan ko na nga lang. Tinitigan ko lang siya, walang kahit isang emosyon ang makikita sa mukha ko. Ilang taon ko din tong prinaktis no. I won’t let them have the satisfaction of seeing me affected.
Yun tuloy, siya yung nabwisit dahil hindi ko siya pinatulan. Bigla siyang sumimangot at tinignan ako nang masama saka tuluyang umalis. HA! Kala mo ha!
Matapos magsiupuan ng lahat, saka naman pumasok yung teacher namin. Nice one maam, sana po kanina pa kayo pumasok nang di na nangyari pa yung gulo.
Ayon sa aking schedule, siya si Maam Rivera. Sa tingin ko nasa forty na siya. Matangkad siya at maputi. Ang buhok naman niya ay naka bun na sobrang ayos.
“ Good morning class. I am very sorry for my tardiness today, I promise you all that it won’t happen again” sabi niya na naka smile. Tapos may hinanap siya sa classroom. Tumigil yung tingin niya sa akin tapos nanlaki yung mata niya. Yes maam, alam ko pong muka akong basang pusa na tinorture, no need na pong iparamdam sakin yun.
“ Ehem. I gather that you already know that we have a new transfer student. By the looks of it, you’ve performed a little..err.. welcome party to her ,given that she currently is in a disheveled appearance state.” Nakataas ang kilay niya habang tinititigan ang bawat isa sa mga kaklase ko. Karamihan sa kanila parang kinabahan. Terror yata ito si maam. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti ulit. Ngiting nagsasabing mananagot kung sino man ang umargrabyado sakin. Thankful naman ako sa concern at sense of justice niya.
“ Miss France Montevella, would you care to tell me who did that to you?”
“Maam, I don’t know. Someone poured water to me while I was outside and I did not get the chance to see who it is. Maybe it is an accident..or intentional..but..uhmm and if it’s a boy or .i don’t know.” Kumibit balikat ako. Nag stutter n naman ako. Kapag nag sisinungaling talaga ako hindi ko mabuo ang sentence ko eh. Hay,kaya naman kasi ako nagsinungaling ay dahil mas gusto kong ako na lang ang humarap kung sino man ang mga kaaway ko. Ayaw ko namang may authority na ma involve dahil tingin ko cheating iyon. Saka palaban na ako at nagbago na din ako. Hindi ko na ugali ang magtago sa likod ng teachers ko kapag may nambu-bully sakin.
Tinitigan ako ni maam rivera nang matagal. Obvious naman na hindi siya naniniwala pero tumango pa din siya sakin. Nirespeto niya ang desisyon ko. Okay naman pala itong si maam eh.
Yung mga kaklase ko naman, lalo na yung mga babae, ay parang nakahinga ng maluwag. Sumulyap ako saglit kay Prince, at nakangiti siya. Tss. Natuwa naman yata siya masyado dahil di na siya mananagot, dapat yata sinumbong ko na siya eh. Eheheh, joke lang. Bumawi naman na siya sakin, I guess okay na kami. Siguro masama lang araw niya kaya ganun na lang reaction niya, napaka extreme. Mali din yata na pinatulan ko pa siya. AY hindi! Hindi ka na isang pushover France. Saka sana kinausap nya ko ng maayos hindi yung pabalang at kung anu anong tawag niya sakin. Oo, he deserved what I did to him. Tama.