''Hindi ko tipo yung mahaba ang buhok.
Hindi ko tipo yung may hikaw sa tenga.
Ang gusto ko, yung maayos ang gupit.. yung bang hindi mahaba na parang pambabae na.
Yung walang piercings sa kahit anong parte ng katawan.
Pero ewan ko ba, bakit ganito ang nangyari.
Bumaliktad ang mundo, tinamaan ako ni kupido.
Nainlove ako sa'yo :)''
........
Pauwi na ako..
Sa likod ng Fx ako nakasakay, isa na lang ang kulang aalis na.
Eto may dumadating, ayan na, kumpleto na. Dumating na si kuya.. aalis na kami.
Tinignan ko yung katapat ko sa upuan, si kuya. Hmmm.. may itsura huh.
Pero hindi ko type, mahaba ang buhok eh. Parang pang 'rocker', un bang parang yung buhok ng mga may banda. Okay, matutulog na lang ako, nilagay ko na yung headset ko at nagpatugtog zzzZZZZZZzzzz..
Naalimpungatan ako, nakita ko si kuya.. tulog din, wew gwapo ah :''>
Nagbayad ako, nagising siya. oops sorry naman.. ayun, nagbayad na din siya.
Ayan, malapit na ko bumaba.
''Para manong.''
Bumaba na ako, bumaba din siya.
Nauna siya sa akin maglakad.
Pareho pala kami ng patutunguhan..
sa terminal ng tricycle, kaso nakasakay siya agad. awww >.<
bat ganun naramdaman ko, nanghihinayang?
.........
eto, uwian na naman. Nakakapagod pumasok araw-araw grabe.
May bibilin nga pala ako bago umuwi, dadaan muna ako sa national book store at mercury.
Nakababa na ako ng lrt, ng may namataan ako na pamilyar na mukha.
Si kuya kahapon!
Bigla akong natuwa, sabi ko bukas ko na bibilhin yung mga dapat bilhin.
Gusto ko siya makasabay.
Ayan, pababa na siya. Pipila na din kasi wala pang Fx...
pero nauna ako sa kanya, nasa likuran ko siya.
Tapos biglang tinanong ako ni kuyang barker.
''Miss san ka?''
:( sumakay na ako ng Fx, isa lang pala kasi yung kulang.
Sayang, hindi ko nakasabay si kuya.. si Mr. Ponytail.
Sana pala, binili ko muna yung mga dapat kong bilhin.
Sayang!
........
Pagdating sa terminal ng tricycle, nagaantay pa ako nga kasabay.
Dumating si Mr. Ponytail :)
Nakakatuwa. Ang saya.
''Avenue!'' sabi ni kuyang dispatcher.
Sumakay na ako sa likod ng tricycle, nagulat ako...
sumakay din siya sa tabi ko :)
Kaso,
pinalipat siya sa loob, dun sa may upuan ng pambata.
May sasakay kasi na bakla, ayaw umupo dun.