Chapter 18: The Mystery Of Anti-Heroes, Part 3

15 7 8
                                        

Chapter 18

Kina Arc..

Palihim na kinakausap ni Arc ang apat niyang mga tauhan sa labas ng base. Gumamit siya ng sound force field para di sila marinig, pati invisibility para di makita.

"Nakakakuha na ako ng inpormasyon sa kanila. Kung kailan dumating ako, saka lumalaki at nagababago kapalaran nila sa laro st pagsubok na kinakaharap nila. May Miss Omnipotent pa nga kaming nalalaman, boss daw ata. May dumagdag na apat na tauhan. Card Lady, isang maliksing, kasindak-sindak na dalagang mandirigmang anti hero, o sabihin natin itong apat na sasabihin ko ay puro anti hero kung saan hindi pure sa pagiging hero at villain, iba iba, basta for themselves. Sunod, si Liquidude, ang binatilyong di kapani-kapaniwalaang mandirigma na nanirahan sa tubig at nagkaroon ng kapangyarihan na bumalot ng kahit anong liquido sa katawan ang gawin itong sandata. Tapos, si Firefly Bro, isang masayahing isip-batang ordinaryong tao na nagbibinata palang na nakakamanghang marunong maging manlalaban kahit gamit lamang ay isang costume na may teknolohiyang maging alitaptap na lumalaki ng higante at lumliit tulad ng insekto. At, ang Pinch-cess isang babaeng naging kalahating alimango st tao na mabagsik at matipuno bilang mandirigma na palaban at handang lumaban para sa kanyang buhay,nakaraan,pinagdaanan,tirahan at mga kaibigan."

"Boss, magiging matinding laban ito. Kailangan natin makaisip ng paraan para makatulong at alam na dapat natin kung anong side tayo." Sabi ni Jimuel.

"Tama, kung isang side tayo babagsak ang isang side mapupunta sa side na yun at nang magkakampi na lahat, tulong-tulungan para matapos na ang laro, matalo na ang boss. We'll be on this together." Sabi naman ni Jenson.

"Gege. Hero side tayo, siyempre. So far, nagpaplano sila sa gagawin sa mga anti-heroes at maghanda sa paparating na pagsubok. Tayo? Tuloy lang sa partisipasyon dito. Kailangan ito matigil. Pwedeng pwede tayo makakuha ng pride. Sa wakas ang Pilipinas ay magiging tanyag sa isang nakatagong asal, ang kabayanihan at nakatadhana na tayong mga binata at dalaga, kahit obyus na di natin makakaya, napakadelikado sa ating kabataan, maaring di natin kaya at dahil naghahanap pa tayo ng maturity, ito ang susi. Tama si Rizal,kabataan ang pag-asa ng bayan. Tumatanda man tayo, ito ang hinihintay talaga. Dito tayo lalaki. At sana makapaginspire at makahawak tayo ng puso ng marami. KAYA'T GAWIN NATIN ITO!" Sabi ni Arc.

Sa ilaliman ng tubig, pumunta si Athena Hera Aphrodite, at may naramdaman.

"Ano meron dito? Ah..guys bakit, sino ya--"

Nakita niya mga pagong at alimango na may binubuhat na lalaki.

"Anyare?"

Di na siya masyado pinansin nito, iniwanan nalang si Liquidude sa tapat niya. Alam na niya ibigsabihin.

"Oh..kawawa ka naman talaga. Talo? Wag mag-alala, dito naman na tayo sa tubig, nga pala cute mo parin lalo na sa human form."

Hinahawak-hawakan niya ang mukha ni Liquidude habang ito ay sinusubukan makarecover sa pagkatalo sa kanya.

May isang grupo ng alitaptap naman ay sumalakay at inilawan ang tubig.

"Orayt! Kitang kita ko, crystal clear ang tubig. So much preciousness ng tubig! Kaso, di ikaw trip ko ngayon. Kundi, ang manloko at pagtripan ang mga nilalang mo. Kaya psssttt..huwag maingay! IT'S..PRANKING MODE!" Sabi niya.

Lumabas na lumilipad na siya, nakacostume siya ng isang alitaptap, isa siyang binatilyong tao na masayahin.

Naramdaman ito kaagad ni Athena na nagpakaba sa kanya ng konti ng makita din na may ilaw ang tubig. Dahil nakakapanibago ito.

Bigla siyang lumiit ng marating niya si Athena, pinagkakagat niya ito habang lipad ng lipad ng mabilis. Tapos, pinapasilaw niya si Liquidude.

Nasaktan sila parehas at nagalit si Athena. Si. Liquidude naman ay lalong nasaktan.

BenteUno 2: Game of SuperpowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon