YOYO (One Shot)

0 1 1
                                    

KALIMOT, sabi ng mga kaibigan ko, yun daw ang gamot sa sugatang puso, kaya eto ako ngayon, pasakay ng bus papuntang Baguio. Gusto ko kasing makalimot ee.

"Baguio! Baguio! Sakay na! Sampung minuto nalang aalis na!" sigaw ng konduktor

Kaya nagmadali na ako at sa wakas nakahanap din ng upuan malapit sa bintana. Pagka-upo ko, bigla kong napansin yung kaguluhan sa may pinto.

"Sige madami pa!" sigaw ng konduktor.
"Bakit mo ba pinagpipilitan ang hindi na pwede? Puno na nga oh!" sigaw ng babaeng naka-upo sa harapan sa konduktor.

Bakit nga ba nu? Nakakapagtaka, kapag hiniwalayan ka ng mahal mo, eto yung una mong gagawin, ipagpipilitan mo kahit hindi na pwede. May nakapagsabi nga saakin na...

"Huwag mong pilitin kung ayaw, dahil para ka lang tanga na humihila ng pinto na dapat ay tinutulak pala"

Ayun natameme yung konduktor tapos maya maya lang ee umandar na yung bus. Sabi nung babae, puno na, ee wala pa kayang tumatabi sa akin -.- napatingin na lang ako sa bintana. Saktong unti unting bumuhos ang ulan. Naisip ko na lang, sana makalimot na ako.

"May mga bagay talaga na bumabalik, parang yoyo, sa ayaw at sa gusto mo, babalik ito sayo" sabi ng isang lalaking kakaupo sa tabi ko.

Hindi ko siya tinignan at sabi ko...

"Maiiwasan ko ang pagbalik niya, pwede ko namang gupitin ang tali ng yoyo. Dahil kapag hinayaan ko itong bumalik, baka masaktan nanaman ako."

Tapos tinignan ko siya at nagulat ako kaya ang sabi ko...

"Puputulin ko any anumang tali na nakatali pa saakin para hindi ka na makabalik saakin. Hindi ko na hahayaang saktan mo pa ako." at bumaba na ako ng bus.

YOYO (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon