Chapter 3- Dream

52 3 0
                                    

Someone's Pov

Pagpasok ko ng room ay nagiingay na agad ang mga kaklase ko.

May mga nagsusuklay, may nagchichismisan.

May tahimik lang.

May nang aasar.

May gumagawa ng assignments.

May tulog.

May nagce cellphone.

Pero ang mas catchy ay yung mga nagsasalita mag-isa. Weirdo.

Kung ako ang tatanungin, parang hindi pang karaniwan ang klase na to. May mga nagbabalat kayo na ilan sakanila, malay mo:

Yung mga palangiti, sila pa pala yung masungit

Yung mga mababait, sila pa pala yung manloloko sayo.

Kung sino pa yung mga masasama, baka sila pa yung magligtas sayo.

Walang kasiguraduhan. Sino ba naman ako para isa-isahin pa sila at yung mga ugali nila? Isa lang akong estudyanteng kagaya nila.
--

Recess na at yung iba ay nagpupunta na sa kani-kanilang shop.

Ako? Hindi ako nag shashop. Para saan pa? E mamamatay din naman ako. Baka dito pa mismo sa kinatatayuan ko ngayon.

Alam kong darating din ang oras at papatay na sila. Malaki ang kasalanan ko sa kanila lalo na sa kanya. baka ako pa ang unahin nila. Pinagsisihan ko iyon no'ng una pero ano bang magagawa ng pagsisisi? Wala rin naman.

Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Kakaunti nalang kami dito at yung iba ay palabas na. Kesa tingnan ko pa sila, mas minabuti ko na matulog.
Naglalaro ako ng paborito kong manika habang pinapanood ang ibang batang kasama ko.

Mabuti pa sila may mga kaibigan. Mabuti pa sila may kasama. Samantalang ako wala. Masama ba akong bata?

"Pst!" Liningon ko ang batang sumisitsit sa akin. Naglalaro sya sa may swing.

"Tara dito! Laro tayo!" Tawag nya sakin habang nakangiti ng sobrang lapad. Nilapitan ko sya at nginitian din.

"Bata, bakit ka laging mag isa? Ayaw mo ba sa mga kasama natin sa ampunan?" Tanong nya sakin habang nakangiti parin. At oo, nasa ampunan nga kami.

"Ayaw nila kasi ata akong kaibigan." Sabi ko sakanya. Akala ko ay sasabihin nyang 'hindi nakakapagtaka' ngunit mali ako.

"Kung ayaw nila, pwes, ako gusto kitang maging kaibigan." Sabi nya na syang ikinagulat ko.

"Talaga?" 

"Oo naman! Bakit hindi?" First time kong magkaroon ng kaibigan dito sa ampunan.

"Yehee--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil--

"Kakain na mga bata!" Sa pagkasabi ni sister non ay bigla akong nagutom.

"Tara na?" Tanong nya sakin. Hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan nya. Di bale, pagkakain namin ay tatanungin ko sya.

"Tara!" Pumasok kami sa loob ng ampunan at nagdasal bago kumain. Ang kaibahan lang ngayon, may kasama na ako.

Natapos kaming kumain at naglaro muna kami sa labas. Naalala kong hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nya.

"Bata ano pangalan mo?" Tanong ko sakanya.

"Ako si Mia. Yun ang pangalan na ibinigay sakin nila sister. Pero kapag may aampon na sa akin. Iibahin ko ang pangalan ko."

Bakit kailangam pa nyang ibahin?

"Bakit mo iibahin? Ayaw mo ba sa pangalang Mia?" Tanong ko ulit.

"Maganda ang pangalan ko, oo, pero mas gusto ko yung pangalang @+$;#+@8@*#"

Hindi ko narinig yung huli nyang sinabi kaya nagtanong nalang ako uli.

"Ilang taon ka na pala?" Kung ako ang tatanungin para lang syang 8 na kagaya ko.

"8 years old na ako. Tsaka ba't laging ikaw ang nagtatanong? Ako naman hehehe." Sabi nya.

"sige. Ano bang gusto mong itanong?" Tanong ko sakanya habang nakaupo sa swing.

"Anong pangalan mo at ilang taon ka na?"   Tanong nya saakin.

"Ako si L. 8 years old din ako."

Mula sa mga bata na nasa ampunan  ay nalipat ang scene sa isang madilim na eskinita.

"L tulungan mo ako! L! L! Tulong! Tulungan mo ako!" Dinig kong sabi ng babae ngunit hindi ko sya makita.
"L! Nandito ako! L! Tulong!" Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Mia na hinahabol ng isang lalaki.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ulit ang mga mata ko. Sa isang tabi, ay nakita ko ang batang ako, na nakatayo ng medyo malayo sakanila. Nakangisi ito na parang demonyo, na hindi ko naman ikinagulat.

Bigla nanamang nagbago ang scene. Mula sa isang madilim na eskinita, naging silid ito. Kung sa labas, mukhang normal ang silid na ito. Pero pagtingin mo sa loob, masyadong madilim. Maraming pigurin ng demonyo na halatang alagang-alaga sa sobrang kintab. Kung tutuusin parang hindi ito nadadapuan ng alikabok.

Habang nililibot ko ang paningin ko ay sinubukan kong galawin ang mga paa ko. Nakakapagtaka dahil nagagalawnko ito. Nilakad ko ang buong kwarto at nakakita ako ng isang pintuan. Isang kulay pulang pintuan na maraming litratong nakadikit. Litrato ng apat na bata. Dalawang babae, at dalawang lalake.

At sa hindi ko inaasahan, mukhang kilala ko sila.

"pagbabayaran mo ang pag-iwan saakin sa ere, L. Ako naman ang gagawa sayo ng mga pinaggagagawa mo sakin. Titriplehin ko pa para masaya." Bulong ng isang babaeng may kalayuan saakin ngunit naririnig ko parin sya.

Kilala ko ang boses nya... Ang boses ng bata na una kong naging kaibigan... Ang boses ng bata na una ko ding iniwan.

Palabas na ako ng kwarto para hanapin sya ngunit apat na putok ang aking narinig. Pagbukas at pagsara ng pinto, pagtakbo palabas ng isang tao, at ang pagbagsak ng malakas ng isa pang tao. Binilisan ko ang pagtakbo ko at nadaan ako sa isang bintana, Muli ay nakangiti sya na para bang tuwang tuwa sya sa mga nakikita nya.
Nilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng haggdanan, so ibig sabihin nasa 2nd floor ako? Bumaba ako para tignan ang lagay nya. Ngunit naunahan na ako ng mga pulis. Ambilis nilang dumating.

Nakita ko ang dalawang pulis na kinukuha ang bangkay nya. Sa palagay ko ay buhay pa sya dahil gumagalaw pa ang kanyang daliri. Bago sya tuluyang mailabas ng bahay ay narinig kong binigkas nya ang pangalan ko na sya namang nagbigay saakin ng matinding kaba...

"L... L humanda ka..."
--
--
End of chapter 3.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eliminating 9-CorregidorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon