Someone's in danger - chapter 3

14 1 0
                                    

POV: Dylan

Habang nakikipag halikan ako sa babaeng kasama ko biglang may sumigaw na may nag aaway sa labas at bago kami lumabas sinabi ko kay Tyron .

"tol ang tagal naman bumalik ni mike (michael)  ah"

nag biro siya at sinabi "tara  nuod tayo dun baka si michael yun hahahaha"

binatukan ko siya ng malakas at ang sabi niya

"ARAY!! nag bibiro lang tol eh"

"sasusunod kasi wag ka mag bibiro ng ganun kung ayaw mo mabatukan ikaw kasi puro  biro ang nasaisip mo eh tss... "

tapus namin mag usap iniwan muna namin ang mga babae dun sa loob at lumabas kami at di nga siya nag kakamali si michael nga ang nakikipag away

"TOL! SI MICHAEL NGA TARA TULUNGAN NA NATIN!! "sabi ni tyron

"TARA NA!!" sabi ko

at yun sumakto ako dun sa isa na hahampas sana ng bote dun sa kaibigan kong si michael nasapak ko kaagad siya at binato ko yung bote syempre tropa eh walang iwanan

Pero habang nakikipag suntukan ako at may sinapak ako sa mukha at natumba

Napapaisip ako bakit kaya tong si Michael nakikipag suntukan sa mga to dahil ba broken hearted parin siya at di parin makalimot?

O dahil dun sa dalawang babaeng yun at bigla akong napaisip lalo bakit may dalawang babae dito yung isa halatang matatakutin at nakakapit dun sa OH MY WOW! 

Napahinto ako at napatitig dun sa babaeng niyayakap nung isa kitang kita mo palang sa mukhang palaban siya at sobrang ganda niya mahahalata mong kakaiba siya.

Di ko namalayang nakatayo na pala yung kalaban ko at tinadyakan niya ako natumba ako at nag labas siya ng balisong at hinostage yung babaeng nakayakap dun sa hottie! Ay este dun sa babaeng nagandahan ako

Halata din sa hinostage niyang sobra sobra na talaga ang takot niya kasi nanginginig eh tapus umiiyak na din .

at sumigaw yung lalakeng nang hostage na kaaway namin 

"ITIGIL NIYO YAN KUNG DI SASAKSAKIN KO TO!"

Huminto kaming lahat at kaming tatlo nila tyron at michael tumingin sakanya habang yung mga kasamahan niya nag salita

"pre baba mo yan at baka ma timbrehan mo nga yan! aalis na lang tayo "

at yung nang hostage nag salita  "tigilan mo ko duwag! oo wag ka mag alala aalis tayo pero isasama ko to!"

at nag salita naman yung isa "di ka ba nag iisip! isasama mo yan! gusto mo bang hulihin tayo ! mag isip ka naman !"

nag salita ulit yung nang hohostage "kayong dalawa kung naduduwag kayo mag silayas na kayo ! di ko kayo kailangan !"

"Oo aalis na kami at sasabihin namin kay boss ang ginawa mo! "

at nag si alis na nga ang dalawa .

Tumingin ako kanila Tyron at Michael pero di ko na nakita si Michael bigla nalang nawala.

At sandalian lang nakita nanamin siya at nagulat kami at namangha sa ginawa niya . . . 

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon