LOSE THE GAME (ONE SHOT)

23 3 0
                                    

Ako si Mich, isang babaeng walang hinangad kundi ang magmahal at mahalin. Sino nga ba ang hindi? 15 years of existence of this wide world na may halos ilang bilyon na tao yet i'm still NBSB. Hindi yung 'NO BOYFRIEND SINCE BREAK UP' ,di man kapani kapaniwala, pero wala akong boyfriend since birth. Totoo? Oo, totoo. Di ko nga alam kung sino ang may problema. Ako ba o sila. Maganda naman ako o sadyang di pa pinana ni kupido ang lalaking para sa akin.

Ok lang naman sa akin eh. Nasanay na ako. Bumangon ng maaga. Pumunta sa eskwela. Makipagtawanan sa mga kaibigan. Umuwi ng maaga at matulog ng maaga. Masaya naman talaga ang buhay single. Di maaagaw ang atensyon mo sa pag-aaral. Less problem, less hassle. Wala ring poproblemahin pagdating sa monthsary at anniversary. Walang katext tuwing exam. Masaya di ba?
Walang poproblemahing pambili ng regalo ng bf tuwing pasko o birthday niya. At lastly, mapipigilan mo ang puso mo para masaktan. Dahil sabi nga nila, if you open your life sa buhay pag-ibig-- binuksan mo rin ang puso mo para sa mga possibleng sakit na maranasan.
Masaktan? Nakakatawa. Wala naman akong buhay pag-ibig.

Third year high school, mga kaibigan ko lumalablayp na. Ako? Wala. Tagakinig lang sa mga moment ng magjowa. Chaperon kung baga. Tagapicture tuwing may date sila at tagapayo kung may tampohan ang dalawa. Ayos diba? Ok na ako sa set-up, at least, libre lahat. Sa pagkain, sa pamasahe at kung suswertehin pati entrance ng lugar kung saan ang date, libre din. Tagakain ng biniling chichirya kapag naglumpungan na ang love birds. Oo, sadyang ganyan ang buhay ko. Ang saya diba. Pero minsan, nakakasawa din.

Sa pagdaan ng mga araw, napag-iiwanan na ako ng panahon. Sila may kanya kanyang date. At sa tuwing magkumpulan ang barkada, wala na silang bukambibig kundi ang mga boyfriend nila. Sa mga naging date nila, sa mga kilig moments nila, at di rin mawawala ang mga tampuhan. And i feel like an out cast. Feeling ko, i'm not part of the group.

"Alam mo ba noong nakaraang araw, he surprised me. Akala ko pa naman nakalimutan na niya ang anniversary namin. Eeh!! Nakakakilig!!"

"Kainis! Isang week lang akong di nagtext, nagtampo agad! Kaysarap tirisin ng lalaking yun."

"Nagtext siya.! At kakilig may 'i love pa sa huli' "

"Halos minu-minuto nagtetxt ang lalaking yun. Kumain ka na ba, ok ka na ba? Wag kang magpuyat huh. Alam mo yung sobrang caring? Aie, naku!"

The more i listened to their stories, the more frustration ang bumabalik sa akin. Gusto ko ding may ma ekwento. Gusto ko ding maranasan yung kilig moment sa isang relasyon. Kaya minsan naghahangad ako. And i set my goals, dapat may boyfriend ako ngayong taon.

The days ran into weeks, weeks ran into months. Malapit ng matapos ang taon yet no guy asking me out and showed interest sa akin. By that, i began to wonder what's wrong with me. Am i too ugly and too boring? Do guys think i'm too strict or perhaps wala sa akin ang mga katangiang gusto nila.

I became a desperate girl. I put myself in a situation not minding the consequences. Gusto kung di maranasan ang awkward moment at out of place na situation kapag kasama ko ang kaibigan ko. Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Kaya i did my best to flirt one of my classmates. Sobrang desperada, oo, pero gusto ko lang naman maranasan that once in my high school life, may buhay pag-ibig ko.

I never take it seriously, it's just a game that needs to play and win. He is handsome, tall and smart. All the qualities of a guy i want ay nasa kanya na. Kampante din naman ako dahil di siya tunay na lalaki. Oo, bakla siya. Pinakita ko sa kanya na mahal ko siya, nagpanggap akong na mimiss ko siya. Para lang masabi kung i belong to the group. Kahit alam kung niloloko ko lang ang sarili ko.

Dahil dun, nadagdagan ang mga ginagawa ko. From waking up early, pupunta sa skwela at flirting him. Walang araw na hindi ko siya nilalapitan at kinukulit. I always told him that i want him. That I love him. Na ako ang babaeng itinadhana para sa kanya at gawin siyang tunay ba lalaki. At iibahin ko ang takbo ng buhay niya.

LOSE THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon