Untitled Part 5

187 4 1
                                    

Dennise's POV

Kumuha muna ako ng gamot sa medicing box namin.

Fille: Oh Den, anong meron? May sakit ka ba? 

Den: Nope, para kay Aly to. Masakit nanaman daw yung ulo. 

Dzi: Edi tama nga ako. Bar nanaman? Kailan ba talaga magbabago si Valdez.

Gretch: Pero sa tingin ko medyo nabitin si Aly kagabi sa bar. Kaya muntikan ng ituloy dito sa dorm eh. 

Marge: OOH. Anong ganap yan Pre?

Gretch: Ano nga ba? Dennise?

Den: Huh? Bakit sakin napunta? 

Ella: Oh my gosh! Den, bakit sa kanya? You know naman na lasing sya and hindi nya alam yung ginagawa nya. Bakit ka bumigay? Ha? Bakit? Den?

Den: Wag nga kayong OA. Walang nangyare at walang mangyayare Ella. Nagpapaniwala kayo jan kay Gretch eh wala namang ibang alam gawin yan kundi gumawa ng kwento eh. 

Gretch: Hindi ako gumagawa ng kwento no. Kasalanan ko bang pagbukas ko ng pinto eh makikita kong nakapatong ka sa kanya?

A: Okay gumugulo na. Ano ba talagang nangyare?

Den: Wala. Na out of balance lang kami. That's it. 

Jem: Sure?

Den: Yes. Ano ba kayo? I told you naman na I will never fall for a girl. Lalo na kay Ly. Kaya stop forcing the issue na. 

Nag walkout na ako. Dumiretso sa kwarto. Nakita ko naman si Aly na nakaupo sa kama nya hawak ang ulo nya. 

Den: Here's your med.

Kinuha naman nya ito at yung tubig na dala ko at ininom. She looked at me and smiled. 

Aly: Thankyou Den. 

I just smiled back. Nakita ko naman na bumalik na sya sa higaan nya at nagtalukbong ng kumot. Bumaba nalang ako. 

Pagbaba ko, busy na busy ang lahat sa panonood. Since hindi ko naman feel yung pinanonood nila, napagdisisyunan ko nalang na lumabas at magpahangin. 

Nagiisip, nagmumuni muni. Ilang araw nalang, UAAP na. Kaya halos patayan ang training namin. Buti na nga lang, binigyan kami ng isang buong araw na pahinga. Bukas, back to basic nanaman. Aral, training, pahinga. 

Patuloy parin ang paglalakad ko kung hanggang saan ako dalhin ng mga paa ko.

Teka, bakit ko nga ba iniwan si Alyssa? E diba masama yung pakiramdam nun? Makabalik na nga sa dorm. Naglakad ako pabalik sa dorm ngunit dumaan muna ako sa convenient store na malapit sa dorm para bumili ng snacks and drinks. 

Ella: Hi Den!

Gretch: Nako Ella! Nakita lang na may dalang pagkain unang una talaga bumati. 

Fille: Asan yung amin dyan?

Den: Yung isang plastic. Kumusta pala si Ly?

Marge: Di pa rin sya bumababa. Baka nagpapahinga pa. 

Umakyat naman ako agad. Nakita ko na mahimbing na natutulog si Aly. Lumapit ako para icheck kung nilalagnat ba sya. Hindi naman sya mainit. Nilagay ko ang kamay ko sa Leeg nya. Nagulat ako ng biglang isiksik ni Aly ang ulo nya sa kamay ko. 

Aly: Mmm, wag mo ko iwan. Bumalik ka na please? 

Walang nagawa si Dennise hanggang sa lumalim na ang hininga ni Ly at tulog nanaman ulit ito.

Ano ba talagang meron sayo Aly? Why are you so afraid of people leaving you? Kaya ka ba laging nasa bar? I don't understand. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon