If Only I Could, I Would. (One shot story)

10 1 0
                                    

"Ano bang problema, Jean?? Kanina ka pa tahimik." Puna ko sa girl friend ko na nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan ko. Galing kami sa isang party, hindi pa kami nagtatagal doon nang tila bigla syang nawala sa mood at nagyayang umuwi. Kasalukuyan nakaparada ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nya.

"I'm tired Tyron. Let's talk tomorrow." Sabi ni Jean at binuksan ang pinto at bumaba.

"Jean..."

"Bukas na nga diba?! Hindi ka ba makaintindi?!"

"Ipagpapabukas pa ba natin to?! Jean naman..."

"I'm tired, Tyron Jax!! God!! Let me rest for now!!"

Palitan ng sigawan na tila wala kaming pakialam kung may natutulog na ba sa mga bahay na nakapaligid samin. We've been together for 3 years now at lagi kaming ganito. 3 years...

"You're going to sleep leaving me wondering what the problem is?!" Sigaw ko sakanya. Napuno na ako. Kanina pa ako nagre-reach out sakanya at kanina pa ako nagiisip kung ano ang problema. "Seriously, Jane?!"

Pareho kaming natigilan.

"I'm sorry Jean..." pilit kong makalapit sakanya pero patuloy sya sa pagatras "I didn't mean ---"

"Jane huh??" Bumuga sya ng hangin at matalim na tumingin sakin. "My name is Jean Carla Ezguerra, not JANE CLARISSE PONTEFINO!!" Sigaw nya sakin at tumalikod tsaka nagmartsang pumasok sa bahay nya.

Sumandal ako sa hood ng sasakyan ko habang nakababa ang tingin sa semento ng kalsada.

"Jane." Napailing ako. Pumasok ka na naman sa isip ko.

Ilang sandali pa akong nasa ganitong posisyon at huminga ako ng malalim. I need to see her. I need to talk to her.

Sumakay ako sa sasakyan at nagdrive palayo. Hindi muna ako uuwi. Kailangan kong ayusin to.

I'm driving for 5 hours now. Papunta sa isang lugar na lagi kong pinupuntahan sa loob ng tatlong taon.

*** FLASHBACK: 3 YEARS AGO ***

"Mahal mo ba sya??" Tanong sakin ni Jane na nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan ko. Nasa isang parking space kami ng park sa loob ng subdivision namin.

Nakikita ko ang pagpigil ng luha nya pero para bang may sariling isip ang mga mata nya na kusang naglalaglag ng butil ng luha. Habang ako, pinapakiramdaman ko ang sarili ko.

Gusto ko sabihin sakanya na mahal ko parin sya, hindi naman nagbago yun eh... pero ---

Pero hindi na ko masaya...

At ayokong ipagpilitan pa nya ang sarili nya sakin. Ayokong pilitin nyang ayusin ang matagal ng relasyon namin. Ayokong pilitin nyang magtiis at maghintay na maayos ang problema ko... oo, ako... aminado akong ako ang mali... aminado akong nasaakin ang problema...

Nakatitig parin ako sakanya habang pinipigilan ko ang sarili kong maglabas ng emosyon na makakapagbigay pa sakanya ng pagasa na magiging okay kami.

"Ayokong mawala sakin si Jean." Sagot ko sa tanong nya.

"At ako, Jax?? Okay lang na mawala ako sayo??" Hindi na nya napigilan ang emosyon na kanina pa nya pilit na tinatago mula sakin. "Jax, 10 years na tayo sa araw ng kasal natin 2 weeks from now. Ganun na lang ba yun??" Umiiyak sya pero nanatili syang kalmado.

Hindi ako umimik... hindi ko alam kung gaano katagal kami nanatiling tahimik, tanging ang mga munting hikbi lang nya ang nagsisilbing ingay sa paligid...

If Only I Could, I Would.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon