Jacket

41 3 3
                                    

Title : Jacket

Written by : ForbiddenNatsu

Dedicated to: my new friend Katelyn :)

~~~¤¤~~~

Naaalala mo pa ba noong una kitang makilala. Doon pa sa panahon na pinaka nakakahiya ng college life ko.

Galing ako noon sa library para kuhanin ang libro na kailangan ko para sa assignment ko. Pabalik na ako sa room at naglalakad ako noon sa corridor tapos may sumigaw na isang lalaking bastos.

"Tingnan niyo oh, may flag siya ng japan sa likuran niya!" sigaw nito ng malakas habang tumatawa.

Pagkarinig ko palang noon ay naalarma na ako. Alam ko sa sarili ko na may period ako ngayon. Nakumpirma ko na ako nga iyong sinasabihan ng makita kong sa akin sila nakatingin habang tumatawa.

Hindi agad ako nakagalaw sa pwesto ko. Tinakpan ko ng librong dala ko ang likuran ko. Nakakahiya gusto ko ng kainin ako ng lupa. Para bang nanliit ako sa sarili ko. I hate my nursing uniform! dahil sayo napahiya ako. Bakit ba kasi naging kulay white ka pa. Bwisit ka!

Then suddenly, may isang estrangherong lalake na lumapit sa akin. Hinubad niya ang jacket niya at itinali sa waist ko. Tumingin siya sa akin at sinabing.

"Next time mag-ingat ka na."

Halos mapaluha ako sayo noon. Biruin mo tinulungan mo ako kahit di tayo magkakilala. Inakay mo pa ako paalis sa mga taong tinawanan lang ako.

Pagkauwi ko sa bahay agad kong inuna ang labahan ang jacket mo. Kung hindi dahil dito ay hindi ako makaka-survive kanina sa school. Salamat talaga sa mahiwagang jacket mo.

Nalaman ko ring member ka ng basketball team ng school dahil varsity jacket mo pala itong pinahiram mo sa akin. Harry S ang nakaburda sa likod nito. Harry pala ang pangalan ng superhero ko.

Kinabukasan maaga akong nagpasama sa best friend ko para hanapin ka. No need, kasi kilala ka pala niya. Kaibigan mo daw ang crush niya. Bahagya nga niya akong sinabunutan dahil naiingit daw siya.

Nalaman ko rin na tourism student ka. Hindi naman ako nagtaka kasi gwapo ka. Eto ako ngayon nakaabang sa pagdating mo. Nandito ako sa tabi ng isang poste na malapit sa classroom mo kasama ang best friend ko.

Kinulbit ako ni Joan noong makita ka niya. Kinabahan ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala ko. Nasa loob nito ang jacket mo.

"Kate, ayan na siya. Ibigay mo na. " utos sa akin ni Joan.

"Sandali nga! Kinakabahan ako e. " sabi ko noong malapit kana sa amin. Pero dahil may lahing makapal si Joan siya pa ang tumawag sa'yo.

"Harry. " tawag ni Joan sa'yo ni Joan na para bang close kayo.

Tumingin ang buong barkada mo sa amin. Parang nanigas ako, lalo na nung ikaw pa ang lumapit sa amin. Kinailangan pa akong sikuhin ng best friend ko para matauhan lang ako.

"A--ahm.. A--ano.. Gusto ko sanang magpasalamat," sabi ko sa'yo na may nangangatal na boses. Hindi rin ako makatingin sa'yo dahil hiyang-hiya nga ako. "Tsaka ito pala yung jacket mo. " angat ko sa dalang paper bag ko. Bahagyang napatingin na ako sa'yo.

Doon lang kita natitigan ng matagal. Ang cute pala ng mga mata mo. Gusto ko din yung alon-alon mong buhok. May mapupulang labi ka at matangos ang ilong mo.

"Wala yon. Nagkataon lang na ako lang ang gentleman na dumaan noong araw na iyon. " sabi mo sabay kuha sa paper bag na dala ko.Napakamot ka pa nga sa ulo non. Siguro nahihiya ka sa mga kabarkada mo dahil inaasar ka nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JACKET (WAN SHAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon