Chapter 3

76 7 0
                                    

Casey POV

-recess

maganda naman pala yung school na ito noh, marami nga lang bully

nandito kami ngayon ni tiffany sa library, naibalik na namin yung hiniram namin kanina

tungkol lang naman yun sa math, mga tricks tsaka yung short cut para makuha mo yung sagot

"huy! di mo pa nga pala nasasabi sakin kung bakit hingal na hingal ka kanina at tsaka bakit ang tagal mo" pangungulit nya sakin

naalala ko na naman tuloy ulit yun

*flashback*

*blag*

nahulog yung mga libro na dala-dala ko

"tumingin ka nga sa dinadaanan mo" sigaw nya

tss... akala mo kung sino sya, pero bakit nga ba? sino ba sya para maging bossy sa mga istudyante dito sa school

pinulot ko yung mga libro ko na nalaglag kanina tapos tumayo na ko at hinarap sya

"ehh kung tumitingin ka rin kaya sa dinadaan mo edi sana hindi ka mabubunggo sakin"sigaw ko pabalik sakanya

Oo nerd ako pero palaban din ako, tinuruan ako ni kuya kung pano maging palaban

hindi porket mahina ka, aapihin ka nalang nila dapat lumaban ka

"alam mo ba kung sinong kinakalaban mo" palapit sya ng palapit sakin

nakakatakot sya kapag tumingin ka pala sa mga mata nya nakakatakot sya

na para bang any time pwede ka nyang saktan, napalunok nalang ako sa takot

"I-i don't care ku-kung s-sino ka man" hays.. bakit ako nauutal?

"tss... ako lang naman kasi ang anak ng may ari ng school, popular, hearthrob at ang kinatatakutan ng lahat, kaya kung ako sayo you shut up bitch" sabi nya sakin tapos umalis na sya

huhu aba! malay ko ba kung sino sya, focus lang naman kasi ako sa pagaaral kaya wala akong pakialam sa mga hearthrob, sikat na yan

well! idol ko sya kung valedictorian sya pero hindi ehh

anak lang sya ng may ari ng school na 'to, pero halata naman na kinatatakutan sya ng lahat kasi tingin palang nakakatakot na

*end of flashback*

"hala sis! sino ba yun? sinabi nya ba yung pangalan nya? pangungulit ulit ni tiffany sakin

"hindi ko alam kung sino sya tsaka I don't care kung sino sya" sabi ko sakanya

"gwapo ba sya ha? omg! ang isang hearthrob nakausap mo?" sabi nya tapos kinikilig kilig pa sya

tss... ayoko talaga sa mga lalake, ang bossy, mayayabang, akala mo kung sino

anak lang sya ng may ari ng school na 'to, edi sya na popular, sya na hearthrob

sayang yung kagwapuhan nya kung ang ugali naman nya ang panget

kung ano yung iki...nagwapo ng mukha nya, sya namang ikina..panget ng ugali nya

"aaminin ko gwapo sya pero hindi ko sya type, ang sama-sama ng ugali" sagot ko sakanya

"taray! akala mo kung sino ka sis ha! ang choosy! feeling maganda lang?"

"aanhin ko pa ang ganda kung wala namang laman ang iyong utak" hahah oh ano? nganga ka ngayon?

Nerd vs. HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon