Ang Bully Kong Boyfriend

11 1 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na boyfriend mo yung pinakagwapong lalaki sa campus? Not to mention Varsity Player siya sa Basketball Team niyo. Matalino pa siya. Mayaman. Lahat nalang nasa kanya na. Yung nga lang, BULLY siya.

Kainis nga ee. Perpekto na sana, kaso may topak nga lang. Tulad ngayon. Nambubully na naman siya. Ibitin ba naman patiwarik sa kahoy yung isa sa mga ka team niya. Tsk. Mapigilan na nga lang. -_-

HOY ! PATRICK NYX SAAVEDRA ! Diba sabi ko sayo wag ka nang mambubully. Ikaw talagang mokong ka! -- Ako

Lumingon naman ang mokong at nginisihan lang ako sabay sigaw.

Wait lang mahal. Sandali na lang ito. Diyan ka lang. Yabyu !

Takte! -_- Nakuha mo pang bumirit diyan. Kapag ikaw di mo yan tinigilan , iiwanan talaga kita.

Oo na. Andiyan na oh. Papunta na.

Tumakbo siya papunta sa akin at inakbayan ako. Leshe lang ! Kung makaakbay, akala mo kung gaano kagaan.

Hoy ! Yung kamay mo Nyx ! Mabigat. Tanggalin mo yan. Peste ka talaga.

Pinitik niya yung bibig ko.

Diba sabi ko bawal ka magmura. Kababae mong tao, nagmumura ka. Tss. -_- Ayoko ngang tanggalin yung kamay ko. Tinatamad ako ee. *pouts*

Peste! Wag ka ngang mag pacute diyan. At saka nasasakal ako Nyx. -_-

DIBA SABI KO WAG KANG MAGMUMURA?! -_-

Paki mo ba ?! Ha ?!

.......

Nagtaka ako kasi hindi na siya sumagot. Saktong paglingon ko nang ...

FUCK ! Gagu ka Saavedra. Ang lagkit nun. Letse. Pakyu Nyx.

Siguro nagtataka kayo nu? Yung ginawa lang naman niya, sinapak ako ng cake. Aba malay ko ba asan kumuha ng cake yun. Nambully na naman siguro. Hayst. Walang pag-asa. Oh-oh. Naku. Mukhang galit na siya.

Sabi ko sayo diba wag kang magmumura. -_-

Uhmm.... Ahh.... E.. Kasi...

Ang tigas ng ulo mo. Oh, bakit ka humahakbang palayo sa kin?

Nakangisi na siya. Waah. Patay. Ako na naman ba mabubully nito? Naku. Malapit na siya. Huhuhu. Ayan kasi. Ang lakas ng loob ko na sagot-sagutin siya. Bahala nato Lord. Huhu. *pikit mata*

WAHAHAHAHA !

HUH????? *opens one eye, opens both eyes*

Mukha kang tanga mahal, alam mo yun. HAHAHAHA.

Peste. Mamatay ka sana sa katatawa.

Naglakad na ako palayo. Bwisit na lalaki yun. Napahiya ako sa harap ng lahat.

Mahal wait ! HAHAHA. Sandali lang.

Heh ! Bahala ka sa buhay mo. Ayoko na sayo.

Ayaw mo na sa akin? -- seryoso niyang tanong.

Nilingon ko siya at binalikan sabay batok sa kanya.

Gagu. Wag ka ngang magdrama diyan Nyx. Mahal kita siyempre. Di kita iiwan. Kaya halika na.

Ngumisi lang siya at hinila ako papalapit sa kanya sabay akbay.

Sabi ko na nga ba di mo matitiis mahal ee. Sa gwapo ko ba namang ito. :D

Oo na. Gwapo ka na.

Yown ! Hahaha. Teka, mahal, lumiit ka ata lalo aa.

Peste! Sige. Mambwisit ka pa.

Makaalis na nga lang ng tuluyan. Iniwan ko siya sa gitna ng daan at naglakad palayo ng biglang ...

Mahal, LUMIIT ka talaga ee.

Peste. Wala talagang magawa sa buhay. -_- Ako na naman napagtripan.

MAHAL, LUMIIT KA NA KASI LALO EE.

Nilingon ko siya sabay sigaw...

OO NA. AKO NA MALIIT. ANO NGAYON?

Wala lang... Sa sobrang liit mo na kasi, kasyang-kasya ka na sa puso ko. :3

AYYIIIII !!!! -- sigaw ng mga nakasaksi.

Napatigil ako sa paglalakad at namula. Hinabol niya naman ako at inakbayan.

Kinilig ka naman. *smirk*

Okay na ee. Panira ka talaga. -_-

Mahal mo naman. *smirk* Halika nga. Pa kiss. *tsup* Tamis. Halika na. Uwi na tayo Mahal.

....

Siguro nagtataka kayo bakit wa akong sagot sa sinabi niya. Kayo kaya sa posisyon ko! Tingnan ko lang kung makapagsalita din kayo. So yun yung boyfriend ko. Yung boyfriend ko na bully masyado pero mahal na mahal ako. Kaya nga ee. Mahal na mahal ko din yun nu.

THE END.

A/N Note:

GRABE ! Ang hirap. Whoo ! Pinagpawisan ako. huhu. Sorry sa kakornihan. Feel free to comment and vote. Thank you. Marami pa yan. Hihi.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots: My CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon