Anonymous

21 3 0
                                    

=Uwian na namin ngayon at saktong papalabas na sana ako ng marinig ang ingay.Ingay ng Ulan.Tsk.Kung kelan wala akong dalang payong saka pa umulan.Ako nga pala si James Manalo.16 years old.nag-aaral sa ***** University.Tulad nga ng sabi ko,umuulan ngayon.Paano ako makakauwi neto kung ang lakas ng ulan?Hay..buhay nga naman.Kung kelan hindi ka handa saka magkakaroon ng sakuna.Malayo-layo pa ang bahay namin sa school ko.2 Sakay pa bago makarating kaya naman tumakbo na ako papunta sa waiting shed.Hindi naman ito ganun kalayo pero dahil nga sa malakas ang ulan,para narin akong naligo.Habang alala ako sa pagpupunas,napatingin ako sa katabi ko.Naka-uniporme rin siya ng katulad ng samin kaya panigurado akong isa ito sa mga estudyante sa pinapasukan kong eskwelahan.Naka-upo lang siya at tahimik.Napansin ko ring naka-hoodie jacket siya kaya naman natatakpan ang mukha niya.Pero alam kong BABAE siya dahil naka-lugay ang buhok niya at naka-labas ito sa hoodie niya.Alam niya sigurong tinitingnan ko siya kaya naman bigla siyang yumuko.ewan ko ba,pero gusto ko siyang lapitan.May kakaiba sa kanya,parang gusto ko siyang kausapin.At dahil sa kagustuhan kong yun,lumapit ako sa kanya.Nakaka-tatlong hakbang pa lang ako ng bigla siyang tumayo at naglakad sa ilalim ng napaka-lakas na ulan.Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan siya.Napahinto naman siya pero hindi siya lumilingon.

Miss,magkakasakit ka niyan.Tara,balik na lang tayo sa waiting shed.sabi ko sa kanya.

=Pero matigas ata ulo niya at tinanggal lang ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya naman nakatakbo na siya at iniwan akong nakatayo sa ilalim ng ulan.Aalis na sana ako ng makita ang isang bagay sa sahig.Isa itong bracelet.Sa kanya ata ito at baka nalaglag ito ng hawakan ko siya.Bukas ko na lang siya hahanapin at uuwi muna ako.Sakto namang may dumaan na jeep kaya nakasakay ako agad.Pag-uwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at inilaiag ang bracelet sa study table ko saka naligo at nagbihis.Bumaba na rin muna ako para kumuha ng makakain.Naabutan ko naman dun si Mama na nagluluto ng cookies kaya naman nanghingi ako at ibinigay niya sakin ang isang tupper ware na may lamang cookies.Umakyat na ako ulit sa kwarto ko at umupo sa desk nang makita ko ang bracelet.Kinuha ko ito at nahiga sa kama.Ang babaeng yun,parang na-star struck ako sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikita.Pero kahit ganun ay kailangan ko pa rin siyang hanapin at isauli itong bracelet,baka kasi sa kanya ito.Sa bracelet ay may naka-ukit na pangalan.

Lizelle....pagbasa ko dito.

=Nang mabasa ko iyon ay bigla ko ulit naalala ang babae kanina.Napaka-misteryoso niya naman pero kahit ganun,bakit parang nagustuhan ko agad siya?

Lizelle..

=Ulit ko sa pangalan na naka-ukit sa bracelet.Bigla namang tumibok ng malakas ang puso ko.Ano bang nangyayari sakin?Hay..ipagpabukas ko na nga lang to.

*********

=Kinabukasan ay pumunta ako ng eskwelahan ng maaga.Dumaan muna ako sa classroom ko para ilapag ang mga gamit ko.Saktong paglingon ko at pagtingin kosa labas ay may nakita akong babaeng naka-hoodie jacket na naglalakad.Tinitigan ko muna ang babae at nang maalala ko na siya yun ay dali-dali kong kinuha ang bracelet at lumabas.Paglabas ko naman ay hindi ko na siya nakita.Naglibot pa ako at tiningnan ang mga room at hinahanap siya.May mga babae namang ngumingiti at nagpapa-cute sakin.Kung hindi niyo naitatanong ay isa ako sa mga sikat na lalaki sa buong eskwelahan namin.Kaya naman marami ring humahanga sakin.Kakahanap ko sa kanya ay hindi na ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya naman may naka-bunggo ako.Pagtingin ko sa naka-bunggo ko ay nagulat ako.Siya yun.Siya yung misteryosong babae na naka-hoodie kagabi.Naka-yuko lang siya at nakasalampak sa sahig.Nagtatawanan naman ang mga tao sa paligid namin at hindi ko alam kung bakit.Itatayo ko na sana siya ng alisin niya ang mga kamay ko sa balikat niya at bigla na naman siyang tumakbo.Hindi naman ako nag-dalawang isip na sundan siya.Kaya lang,nang papatakbo na ako ay may humarang na isang babae sa harap ko na mukhang coloring book na ang mukha.

Anonymous (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon