Gino Antonio Padilla

48 3 0
                                    

Ako si Gino Antonio Padilla, 20 years old. Nag-aaral sa isang pribado at sikat na unibersidad sa kursong Aeronautical Engineering. Apat na bagay lang ang nagpapasaya sakin, eroplano, gitara, basketball at yung isa hinahanap ko pa!

"Ginoooo!" Biglang sigaw ng lalakeng papalapit sa akin. Lumingon naman ako at nakita ko ang kaibigan kong laging naka porma.

"Ano, may audition na naman ba Dom? Di ka na nagsawa ah?", tanong ko.

"Hoy tol wag ka na ngang kontrabida! Kagagaling ko lang sa studio ni Kuya Mark, nagpakuha lang ako ng litrato kasi yun ang ipapadala ko sa ABS-CBN next week", sagot naman ni Dom.

"Suz, eh di audition nga?!" Kantyaw ko sa kaibigan ko sabay busisi sa suot niya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang naka Amerikana at slacks na pantalon ka dito sa Pinas na pagka init init ng panahon. Pero dahil alam kong mapipikon lang siya, pinalagpas ko muna.. At dahil alam kong good mood siya, syempre di ko palalagpasin magpalibre sa kanya.. "Tol, pa pepsi ka naman jan oh" hirit ko sabay tayo na para kumuha sa ref ng tindahan nila.
"Uy Gino, magagalit na sayo si ate Tin ikaw lang daw nakakaubos ng pepsi niya!" Asar naman sakin ni Dom. "Bakit ka nga ba pala kasi andito? Anong meron?"
"Walang magawa sa bahay tol eh, may mga bisita si mama. Nag kakaraoke na naman sila, ang sakit sa tenga" sagot ko naman sa kanya dahil yun ang totoo..

Ayoko ng maingay, para sa akin ang pwede lang mag-ingay eh yung banda ko! Ayoko din ng magulo dahil para sa akin dapat ang kaguluhan lang eh yung sa basketball court!

"Dom text mo sila Quen, basketbal nalang tayo" suhestyon ko sa kaibigan ko na ngayon eh sa wakas nakabihis na ng simpleng tshirt at pantalon na maong at kupas gaya ng suot ko.

"Kanina ko pa sila tinawagan, hindi daw makakapunta, may shooting daw yata sila ngayon sa Tagaytay eh."

Anak ng baka naman oh, ang hirap magkaroon ng mga kaibigang sikat, mayaman, nagpapasikat at nagpapayaman! Lima kami ng mga katropa ko! Ako, si Quen na siguro kilala niyo dahil sikat na sikat na artista ngayon, si Dom na panay ang audition dahil guatong gayahin si Quen, si Pat na bata pa lang wala ng ibang ginawa kundi asikasuhin yung business nilang pang mayaman at si Jay na minsan nagsosolo na sa mga gig niya dahil singer na gwapo pa!

Ayokong magmukhang bakla sa pagpapakilala sa mga kaibigan ko ha, pero sabi kasi ng iba yung tropa ko daw, kumpletos rekados talaga! Hindi nila alam, may nahalong isa sa kanila!

"Hoy! Gino nakikinig ka ba?" Kausap na pala ako ni Dom ng hindi ko namamalayan.
"Ano ba naiisip mong kalokohan jan Gino?"

"Wala naman, naisip ko lang tol, tanggapin ko na kaya yung sa PBA next year? Pag natanggap ka na din sa ABS eh di ako nalang maiiwan dito? Lahat na kayo busy busyhan pag nagkataon?"

"Ha? Oh akala ko ba ayaw mong makita sa TV tol? Tinanggihan mo yung sa banda tapos ngayon yang basagan ng mukha at balyahan ng katawan sa court tatanggapin mo?" Nagtatakang tanong ni Dom.

"Ewan ko tol, ang boring na din kasi dito eh. Parang ngayon, na stuck ako sa pagmumukha mo kasi nga wala yung tatlong bugok na yun! Pano pag wala ka na den? Kami nalang ni Cola magsasama dito?" Tanong ko sa kanya sabay hawak sa paborito kong aso.

Ahh oo nga pala, mahilig ako sa aso, may 7 akong alaga ngayon, pero etong si Cola ang pinaka paborito ko. Baka nga kilala niyo si Cola ko kasi naisama na siya Ni Quen sa isa sa mga TV commercial niya. Muntikan ko ngang nasuntok nun yung mokong na yun eh kasi kinuha niya sa bahay si Cola na hindi man lang nagpapaalam sakin!dalawang araw din tumira sa kanya. Hanggang ngayon nga hindi ko pa nakikita yung commercial na nagawa nila eh,. Allergic kasi ako sa TV! Maliban lang talaga kung sa basketball ang palabas manonood ako. Pero kung yung mga mukhang pa cute at pasikat lang den, wag nalang! Nakakasira lang ng araw yung mga babaeng walang ginawa kundi magpa cute atmagpa sexy sa TV.

"Suz Gino, ikain mo nalang yan! " pagbabalik ni Dom sakin. "Tara, nagluto si ate Tin ng palitaw sa loon alam ko namang paborito mo yun" aya ni Dom sakin.

"Haha, alam na alam talaga ni ate tin paborito ko oh," sabay pasok ko naman sa bahay nila. .

"Oh Gino, halika na at ng matanggal na yang kunot noo mo, meryenda muna kayo ng kaibigan mo" tawag sakin ni ate Tin. Eto yung gustong gusto ko sa pamilya ng tropa ko, hindi ako iba sa kanila. Pamilya din ang turing nila sa akin maliban sa erpats ni Pat!

Nang makita ko yung palitaw na nakahain sa mesa, napangiti na ako. Naupo na kami ni Dom at poooof, magic! Ubos ang palitaw sa hapag kainan nila! Syempre dahil nakikain na ako, nag prisinta na akong maghuga ng pinagkainan namin. Ganun kasi kami pag kila Dom, wala silang katulong kaya siyempre, kami na yung tulong tulong.

Pagkatapos kong maghugas, nagpaalam na din ako sa kanila. Hapon na din pala, kailangan ko pang sunduin si Carmella. Siguradong maiinis na naman yun pag wala ako sa oras ng pagsundo sa kanya. Ewan ko ba sa mga babae sa mundo, maliit na bagay gustong gusto nilang palakihin. Sumakay na ako sa kotse ko para sunduin ang pinaka magandang babae sa paningin ko.

Nag aabang na si Carmella sa gate ng school nila kasama ng bestfriend niya. Uwian na kasi nila at inaasahan niyang may susundo sa kanya. Maya maya lang ng may nakita na nga siyang paparating na kotseng itim. Huminto yun sa tapat na kalsada at nagbaba ng salamin sa driver's seatkung sino man ang nagmamaneo niyon. Kumaway yung lalake sa kanya na agad namang nagpangiti sa kanya.

"Carmella, jan ka lang wag kang tatawid" sigaw ni Gino.
"Oo na Batman" ganting sigaw naman ng dalaga. Habang papalapit si Gino sa kanya napagmasdan niya yung kasuotan nito; white t shirt na hula nya Bench ang tatak, maong na wasak na, kupas pa at ang paborito nitong itim Vans shoes!

Napangiti naman ako ng makita kong nakasimangot si Carmella habang pinagmamasdan niya ang suot ko. Alam ko ng sasabihan na naman niya ako ng kung anu ano kaya inunahan ko na siya.

"Oh, ano ang gwapo ng kuya mo no?" Pang aasar ko sa kanya sabay kuha ng mga bitbit nya. Hinila ko na siya pasakay ng kotse bago pa man siya makasagot.

Pero ng nasa kotse na kami, nakahirit parin siya.
"Naku kuya, yung mga classmates ko nga po kanina kinikilig na naman nung makita ka! Sabi ko nga sa kanila, hindi ka naman gwapo, bakit sila nagkaka crush sayo" kulit ni Carmella sa kanha.

"Lelay, aminin mo na kasi na gwapo talaga ang kuya mo" sagot ko naman sa kanya.
"Sige na nga kuya, sinundo mo ako on time today eh. Oo nga pala kuya wala ka bang lakad tonight?" tanong ni Lelay. Lelay nga pala ang tawag ko sa nag iisang kapatid kong si Carmella. Third year high school siya sa isang Exclusive School for Girls kaya minsan nakakairita din ang mga kaartehan niya. Pero dahil mahal ko kapatid ko, siyempre napagtyatyagaan ko siya!

"Wala eh, nasa Tagaytay daw si Quen kaya hindi makaka gig ang tropa tonight. Bakit mo natanong?"

"Wala naman kuya, parang medyo matagal ko na kasing di nakikita yung mga yun eh, nakakamiss din pala sila" sabi naman niya.

"Nakz, baka naman si Quen lang namimiss mo? Uy Lelay ah, umayos ka!" pang aasar ko naman sa kapatid ko. Although alam ko ng maliit pa siya, may cruah talaga siya sa kaibigan kong artista. Normal lang naman yun kaya hinahayaan ko na. Minsan lang talaga di ko mapigilang asarin siya.

"Kuya naman eh, hindi ko na crush yun no! Tsaka ang dinig ko sa TV may nililigawan na daw siya. Totoo ba yun kuya?

"Alam mo Carmella, wag kang nagpapaniwala sa mga nakikkta mo sa TV na yan, kasi hindi naman totoo yang mga yan! Kaya nga sila tinawag na artista eh."

"Ahh, okey na nga kuya, " pahinamad ng sagot ng dalaga sabay baba ng kotse nila.
Napatingin nalang ako sa mga gamit niya na iniwan nalang niya sa upuan niya. Dadamputin ko na sana ng biglang may nalaglag na isang maliit na bagay, parang ID siya kasi laminated pa. Pinulot ko yun at natigilan ako sa nakita ko. Si Areeya!

Si Gino at Ang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon