Areeya---prinsesa

26 0 0
                                    

"OMG! Katy Perry just followed me on my Ig! "
Napatingin lahat ng pagod na pagod ng staff and crew sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa kanila sa sobrang excitement ko dahil na followback na ako ng isa sa mga favorite performer ko na si Katy Perry!
"Sorry, guys! " pacute ko nalang sa kanila sabay balik sa tent ko kung saan naghihintay ang super bait kong PA na si Rose. Since mukhang active pa siya, sa kanya ko nalang na share yung excitement and happiness ko.

"Ate Rose, look oh! My idol just followed me on instagram."

"Patingin nga baby girl?" sabay abot niya ng ipad ko. "Naks kaya pala umabot na sa Taal Volcano ang boses mo ah. O sige tama na yan, pahinga ka naman na at maya maya daw eh balik Manila na tayo."

"Sure ate, thank you" sagot ko sabay abot na sa kanya ng phone ko dahil sa totoo lang antok na antok na din naman talaga ako. But I am really happy dahil nakatapos na naman kami ng isang TVC in just a day. Masarap talagang magtrabaho kung yung team ko ang kasama ko tapos professional at mababait pa ang mga ka work mo. Maya maya lang may tumatawag na sakin sa labas ng tent ko.

"A, A gising ka pa?"

Nabosesan ko naman agad kung sino yung tumatawag sakin, iisang tao lang naman ang "A" ang tawag sakin! It's Quen, ang partner in crime ko. He's my current love team. Actually isang movie palang kami nagkasama pero halos lahat ng TVC ko siya lagi ang partner ko. Gwapo si Quen. Kabalikataran ko siya, dahil mestizo siya samantalang ako morena. Siya ang most in demand na leading man ngayon mula nung lumabas siya sa movie namin kung saan most of the time nagpapa cute at nagpapa macho effect siya! He's really a good catch, pero malinaw sa amin ni Quen na magkaibigan lang kami. Bit ofcourse as a part of our image kailangan talaga na,kng magkng extra close sa isa't isa. Lumabas na si ate Rose to check on him. At narinig kong nagpapaalam na siya. Mukhang mauuna na siyang bumalik ng Manila.

"Quen nagpapahinga na si Areeya. " dinig kong sabi ni ate Rose sa kanya.
"Mami Rose, I just wanna ask her kung gusto nyang sumabay na sakin pababa ng Manila, kasi alam kong gusto narin nyang makauwi kanina pa," pangungulit naman ng binata. I decided to go out and tell him na gustong gusto ko na talagang bumalik ng Manila.

"Hey, Quen ano na naman ang ikinukulit mo kay ate Rose?"
"There you are!" Sabay kabig sakin palapit sa kanya. Kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Matangkad si Quen, though hindi naman ako maliit.
"I just wanna ask you kung gusto mo ng sumabay sakin pauwi, besides I also wanna invite you to watch us later din sana" hirit ni Quen.

"Wow! Sure, sasabay na ako sayo since mukhang gagabihin na ng husto sila kuya Rolly pabalik dito. Anyway, panoorin?? Saa? Anong meron?" nagtatakang tanong ko naman.

"I have a gig tonight, dont worry it's in a private bar. Members lang ng bar ang nakakapasok dun so it's safe." sagot naman niya.

"Gig? Quen what are you talking about? Katatapos lang ng shoot natin today, tapos gig agad? And wait... You mean tumutugtog ka parin until now?"

"Areeya, I never stopped playing! Gusto mo bang mawala sakin yung mga taong tumulong sakin nung mga panahong walang wala ako? Besides, you know that my drums are my real first love" pacute naman niya.

Well, i know that! As a matter of fact, dun na discover si Quen. He's a part of a 5boys band. From what I've heard, buong banda nila ang na offeran ng Star Music noon. Pero may isa sa banda ang umayaw sa offer kaya hindi sila natuloy kunin ng Abs-cbn. Ang kwento ni Quen, tumutugtog sila to express, not to impress. Though ang sabi din niya, nanghinayang sila sa one time offer na yun, pero hindi daw nila mapilit yung isang kabanda nila!

Quen and I are friends for 3 years now and hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala ang limang kaibigan niya. Well, maybe tonight is the best night to meet them!

Si Gino at Ang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon