"Aaarrff.. Aaarrff.." Nagising ako dahil sa tahol ng aso.
"Amputsa naman! Manang Hilda pakilabas naman po tong g aso dito.."
"Aaarrff.. Aaarrff.."
Arrrrrggghhh!! Asar naman natutulog pa yung tao. Tsaka bakit ba may aso sa kwarto ko. >:[
"Aaarrff.. Aaarrff.."
Grrrr.. namumuro na! Bumangon na ko at---
"Ano ba tumahimik ka------"
Aaaawww.. bakit may cute na cute na aso dito sa kwarto ko? Tiningnan lang ako nung aso. Nakataas yung paa niya sa kama habang nakalabas naman yung dila. Ang liit niya, cute size hahaha :D. Mahahaba din yung mga balahibo niya and cream yung kulay. Tapos ang amo pa ng eyes. Alam niyo yun? Yung parang si Ruffles ng Superbook. Hehehe ^_^
"Aarrff!" "Ang kyoooott mu na namaaan.." Sabi ko sabay pat sa ulo niya. Tinahulan niya lang ako at nginitian ko lang yung aso.
"Buti naman gising ka na."
O____O
Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Isang Half naked na maputing lalaki ang ngayon ay naka-side view sakin at kasalukuyang nag pupunas ng basang buhok gamit ang towel. wooooohhh.. Droooollsss... Aabbbssss.. *U* ANG HOT NG PILIPINAS!
Huuy readers wag madumi utak ah.. siyempre nakapantalon na siya. Kaya lang hindi pa nagsusuot ng pantaas.
Teka nga.. Anong ginagawa ng mga nilalang na to sa kwarto ko?! OhemJi! Hindi kaya..
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!"
Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Tumahimik ka nga!"
"Waahhh! Anong ginagawa niyo sa kwarto ko!?"
"Kwarto mo? Talaga? Talaga?"
Napakunot naman noo ko dun. Kwarto ko nga ba? Iginala ko yung paningin ko dun sa kwartow... E-eh hindi ko nga kwarto..
Hindi ko kwarto?!
"Waaahhh! Anong ginagawa ko dito? A-at anong.. Anong ginagawa ko d-dito?!"
Sensya na. La na kong maisip na tanong eh. Tiningan lang ako nung lalaki. at saka ngumisi. eewww Creepeyy. :(
"Wala kang maalala?" Nang-aasar na tanong niya sa'kin habang unti-unting lumapit sa'kin.
*Gulp*
"W-wala! B-bakit ba?!" Aayy.. ang creepy ng lalaking to ah! Nginisihan niya lang ako at di ko namalayang ang lapit na pala niya sa'kin.
"Talaga? Gusto mo Ipaalala ko sayo?" sabi naman niya habang ilinapit yung mukha niya sa'kin. Napaatras naman ako dun hanggang yung headboard na ng kama yung nasandalan ko. *Gulp*
"E-eerr.." Ilinapit niya pa yung mukha niya hanggang sa ilang inches na lang yung natirang space. Feeling ko duling na ko..
T-teka.. Ano bang nangyari kagabi? Ah!
*Flashback*
Bumaba ako ng bus. Naglakad-lakad ako sa kalsada kahit wala naman talaga kong patutunguhan. Tapos may nakasalubong akong grupo ng mga lalaking manyak at panget. Tapos tinakasan ko sila. Tumakbo ako ng tumakbo dahil hinahabol nila ko. Hanggang may humila sa kin. Tapos bigla na lang niya kong hinalikan..
T-tapos.. hinalikan niya ko and nagr-respond din ako. Maya-maya kinaladkad na ko tapos tumigil kami tapos blackout na!
*End of Flashback*