#TakawGulo
••••
Sabi ng mga kapatid ko, higit akong pinagpala sa babaeng lahat.
Ewan ko ba sa mga yun kung bakit ganun yung pinagsasabi nila? I mean, pwede namang sabihin nalang na naiiba ako, hindi yung inihawig pa nila yung bansag sakin sa isang santo.
I am no saint. Never. And will never be.
Sa aking aura na meron ako, hinding hindi talaga ako magiging santo.
"Hoy!" Napalingon naman ako sa sumigaw. Pamilyar kasi ang bilugan ngunit malalaki nitong boses.
At hindi nga ako nagkamali nang pagharap ko ay nakita ko ang grupo nila Tsonggu. Napasimangot nalang ako dahil sa aking kayabangan nito.
Hay. Kahit kelan talaga. Hindi na ata mawawalay sa katawang lupa niya ang pagiging hambog niya. Sa itsura niya na parang tsonggo, nagtataka talaga ako kung saan niya banda hinuhugot ang confidence na meron siya sa katawan.
Pumihit nalang ako patalikod sakanila at nagsimula nang maglakad. Ayaw ko ng gulo. Kahit na ang gulo na mismo ang lumalapit sakin.
Nakaka apat na hakbang palang ako ng humarang ang ilang tauhan ni Tsonggu sa dinadaanan ko.
Kahit kelan talaga. Hindi pa ba siya nadadala?
Pinalibutan ako ng mga tauhan niyang lahat ay kamukha niya. Napangiwi nalang ako ng maisip ko ang pelikulang pinapanood namin ng kapatid ko. Land of the Apes.
Sumilay ang pigil na ngiti sa mga labi ko dahil sa naisip ko. Takte! Parang makikipaglaban ako sa kalahi ni Oscar ha? Pasensya nalang pareng Oscar, hindi mo kasing bait ang mga nasa harap ko eh.
"Anong nginingiti ngiti mo jan?!" Singhal sakin ng isa sa mga alagad ni Tsonggu. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya papangalanan ko nalang siyang, Junggoy.
"Wala, Junggoy." Pigil pa din ang ngiti na sumilay sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Junggoy habang ang iba pa nilang kasama ay nagsitawanan.
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?!" Nanlaki ako sa nalaman ko. What?! Yun talaga ang pangalan niya?! Watta corny name.
Nanlaki ang butas ng ilong ko. "H-Hindi ko alam na yun pala ang pangalan mo."
Napaiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang mas malaki kong ngisi. Shocks! Nakatsamba ako!
Nagsimula silang magtawanan. Hindi ko mapigilan ang sabayan ang tawanan nila. Bakit? Di naman nila mahahalata na nakikisabay ako ah!
"Hahaha! Kahit san ka magpunta Junggoy, malalaman at malalaman agad nila ang pangalan mo!"
"Oo nga! Kasi mukha kang unggoy!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Tawanan nila pati na din ako. Grabe! Tama sila! Pero sa palagay ko ay ganun din ang pangalan nila. Nagmana talaga kasi sila kay Tsonggu! Ang tatay ng mga unggoy!
Sa galit siguro ni Junggoy, bigla niya nalang sinaklot ang bitbit kong plastic bag na may lamang babanacue. Tila nag slow motion sa harap ko ang paglipad ng plastic sa ere, at ang unti-unting paghulog ng plastic bag sa semento.
Nanlaki ang mata ko. Oh no! Wag ang bananacue! Ang paborito kong bananacue.
Nilingon ko si Junggoy na nanlilisik ang matang nakatingin sakin. Wag niya akong idadaan jan sa mga mata niya dahil hindi ako natatakot sakanya! Takte! No one dares to mess with my bananacue!
Sinuklian ko ng mas matalim na tingin ang kanyang mga tingin. Bigla siyang sumugod kaya humanda ako.
With one swift move, yumuko ako at pinatid siya. Bumagsak siya sa sahig, una ang pwet. Sinamantala ko iyon at saka siya sinipa sa dibdib. May sumugod likod ko na agad ko namang nasangga gamit ang paa ko. Sinipa ko siya mula sa likod.
Tumayo si Junggoy at nagsimulang sugudin ako. Nagsimula akong gumanti ng suntok. Nag dodoble time ako sa pagsipa at pagsuntok sa ilang mga sumusugod sakin habang pinapatulog ko si Junggoy. Nagsimula na ding manakit ang ilang parte ng katawan ko. Hindi naman ako si wonderwoman para hindi tablan ng mababangis nilang suntok at ilang sipa.
May sumuntok sa kaliwang pisngi ko dahilan kung bakit ako napaatras. Madami pa din silang nakatayo kasama ang amo nilang si Tsunggo. Si Junggoy naman ay tahimik nang namamhinga sa gilid.
Sinamantala nila ang kahinaan ko at agad silang sumugod sakin. Ngunit bago pa nila maumpisahang muli, may dumating na tricycle na kulay silver. Isa isang nagsitakbuhan ang mga unggoy, natatakot na dalhin sa animal unit ng barangay.
"Mga hunghang! Hoy! Bayaran niyo yung bananacue ko!" Sigaw ko sa kabila ng pananakit ng labi ko.
"Ikaw na naman? Tsk. Takaw gulo ka talagang bata ka kahit kelan."
Napangiwi nalang ako.
-franciscoabejuela