CHAPTER 8: " 2nd Spark Encounter"

18 0 0
                                    

<Lj's POV>

(after 4 days...)

Yes! Sa wakas at pauwi na akong Cavite. Nasa bus na ako. :) Syempre ang sinakyan kong bus ay ang all time favorite bus liner ko. Ang San Agustin. HAHAHAHAHA! Nasa may quirino na kami. Yiee! Grabe! Kinakabahan na excited na masaya na ewaaaan! :"""">

Nakabayad na ako ng pamasahe. Sa may SM Dasma daw ako susunduin nila Papa eh. Kakaen daw muna kami sa SM bago umuwi. Gosh! Namiss ko talaga sila!

Nagfb muna ako sa phone. . . Syempre kelangan kong i-status ito.

*facebook*

"Off to Cavite! Currently riding on my favorite bus liner 'San Agustin' Happy vacation everyone!"

-your status has been updated

Okaaay. HAHAHAHA! Nasa may Buendia na kami. Grabe! Ambilis ng biyahe! Nakakatuwa lang. Ay sila Nimfra at Riza umuwi din sa province nila. Ewan ko kung sang province yun basta sabi ko dalhan ako ng pasalubong sa pasukan eh. HAHAHA! :)

Nakaidlip ako sa sobrang pagkaexcited. . .

----------------

<Chris' POV>

Haist! Antagal naman ng mokong na yun! -______- Kanina ko pa sya inaantay ah. Patayin ko na yun pag dumating yun. Hindi pa naman ako sanay na pinag aantay. . .

(after 15 mins...)

"Tol! Sorry na-late ako ng gising eh" -Insan

"Ice yan tol! Grabe ha? Ang usapan ay 8:30 eh pero 9:50 ka na nakarating. Grabe ka tol! Pasalamat ka pinsan kita." -Ako

"ulol. HAHAHAHA! Oh ano tara na?" -Insan

"Oo. Kanina pa dapat. Dadaan pa ba tayo sa inyo?" -Ako

"Malamang! Sino maghahatid satin dun? Tska. . ." -Insan

"tska ano? wag mong sabihin. . ." -Ako

"Oo eh. Pero dalawa lang naman yun." -Insan

"Kahit na! Ayoko maging babysitter noh! Bahala ka dyan tol." -Ako

"Tae. Kahit ako naman eh. Pero wala akong magagawa pinasama ni Papa eh. Oh ano? Laban ka pa?" -Insan

"Nyeks. Si tito naman eh. tsktsk. Sino ba yung dalawang yun?" -Ako

"sina Hansel at Jemille" -Insan, ngumiti pa.

"Tae. Yung pinakabata pa talaga ha? Hahahaha! Sige lang. May mauutusan tayo nyan." -Ako

Sabay kami tumawa ni Insan. Grabe! HAHAHAHAHA! Umalis na kami sa dorm at pumunta na sa bahay nila. . .

Pagdating dun, nakaready na yung dalawang sasama. Pero syempre, kumaen muna kami bago umalis. HAHAHAHA!

----------------

<Lj's POV>

Okay, nandito na pala ako sa SM Dasma. Nagtext sila Papa na nasa may Chowking daw sila. Pumunta naman ako dun. Dala dala ang aking mga bagahe. HAHAHA grabe. Ang OA. 3 bag lang naman dala ko. :)

Pagkapasok ko sa Chowking, nakita ko na agad sila Papa dun sa isang table. Kasama yung dalawa kong kapatid. HAHAHA! :) Grabe! Nakakatuwa lang. . .

"Ate Lj!"

sabi nung dalawa kong kapatid nung nakita ako. Yieeee! Nakakamiss talaga din sila. Ay, kambal po yung 2 kong kapatid. Sina Lorence at Luigi. HAHAHA! 5 years old sila pareho. Kambal nga db? Lels.

"Hello kambal! Hello Pa! Hello Ma!" bati ko sa kanila nung nasa table na ako. Nilagay ko yung mga bags ko sa ilalim ng table. :)

May pagkaen na sa table namin. Nakaorder na pala sila. Yes! May pancit canton at fried chicken. Bon Appetite muna kami. . .

Stick to it!Where stories live. Discover now