Click me!

440 11 11
                                    

Isang madilim na gabi at malamig na hangin ang dumadampi sa aking mga balat. Sa hanging yun tila may kakaiba at nakakaramdam ako ng sobrang kaba.

Tumingin tingin ka muna sa paligid at baka magulat ka na lang na may kasama kang nagbabasa.

(Don't play the video. Ireload mo na lang muna. I'll tell you when. Huwag masyado excited. Basahin muna lahat ng A/N.. hehe)

. . . .

. . . .

 -= CLICK ME! =-

Written by: Meyv

=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=

Naghahakot kami ngayon ng mga gamit namin, lilipat na kasi kami ng bahay. Namatay kasi yung lolo namin but we're not blood related, we just call him lolo. Libre lang kaming pinapatira dito e since patay na sya e kailangan na naming lumipat kasi kailangan ng ibenta 'tong lupa. Naawa naman samin yung asawa ni lolo, si lola, kaya naman libre din kaming titira sa bago naming bahay.

Aaminin ko, natatakot talaga ako. Since takot talaga ako sa patay (ni hindi nga 'ko tumitingin sa kabaong) e eto namang crimate body at pictures ni lolo e nandito lang sa kabilang bahay. As in kapit bahay lang namin. Takot talaga ako since kapit-bahay namin yung bahay ni lolo e may nararamdaman pa akong kakaiba sa taas ng bahay namin. Isang floor lang kasi 'tong bahay namin then sa 2nd floor may nakatira daw. Wala kaming ibang kapit-bahay kundi yung bahay lang ni lolo at yung nasa itaas. Basta may nassense talaga ako sa bahay na 'to.!

Bakasyon na naman. Ako lang lagi nasa bahay. Sila kuya kasi laging nasa labas and my parents naman e laging nasa store. Separated kasi store and bahay namin. Pinagawa ito ni lolo bago sya mamatay. So since bakasyon, lagi akong puyat, madaling araw na nga ko natutulog e, adik kasi ako sa mga social networks.

Habang busy ako sa pagccomputer, may narinig akong ingay galing sa itaas.

Dug dug dug.

Inignore ko lang yun at humarap na ulit sa computer ko kasi alam ko namang may nakatira dun at isa pa baka pusa lang yun. Pero maya-maya lumalakas yung dabog sa taas sabay na parang may takong ng bakya na palakad-lakad.

"Kainis ah, mag-aalas tres na ng madaling araw nag-iingay pa sila. Pwd naman magdahan-dahan. Grrrr"

Then again, inignore ko ulit. Nilakasan ko nalang yung speaker ng sounds ko tutal wala naman kaming ibang kapit-bahay. Honestly, tumataas na mga balahibo ko pero di ako nagpadaan sa takot. 

Kriikkk kriiikkk meow ddduuuuuugsss

Sari-saring kung anu-ano na ang naririnig ko. Mga kaluskos ng kung ano. Mas nilakasan pa nya yung dabog na akala mo galit na galit. Nanginginig na 'ko sa takot. Yung mga balahibo ko nagsisitaasan na. Nakakapagtaka kasing alas dos na ng madaling araw e may nag-iingay pa din. Sa sobrang takot ko, tumakbo ako papunta sa kama namin at sabay talukbong ng kumot.

Kung anu-ano ng posisyon ginawa ko na pero di pa rin ako nakakatulog. Tinatakpan ko na mga tenga ko para walang marinig.

Sumilip ako at tinanggal na ang kumot. Yes! wala ng ingay. Nakita kong nakabukas pa ang pintong papunta sa bahay nila lolo. Dalawa kasi pinto namin --isang pinto papunta sa labas at isang pinto bago ka makapasok sa bahay ni lolo.

Tae naman oh. Nakalimutan ko pa isarado. Halo-halong kaba ang nararamdaman ko. Natatakot talaga ako. Di ko alam kung isasarado ko pa. Pero mas matatakot naman ako pag baka biglang may lumabas at baka magpakita si lolo. Tumayo ako. Hahawakan ko pa lang sana ang door knob  at  isasarado na sana nang...

"AAAAAAAAAAAAHhHHHHHHHHHHHHHHHHH Mommmmmmyyyyyyyyyyy"

Bumukas at sumarado bigla yung pinto ni lolo.AAAAhhhhhhh Napapaiyak ako sa sobrang takot. Sinarado ko na ang pinto at sabay takbo sa kama. Naginginig na talaga ako sa sobrang takot lalo na't mag-isa lang ako ngayon sa bahay.

Duuuuuuuuuuuuuggggg

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhh mommy daddy. huhu help me"

This time sa taas naman. 

Humiga ako sa kama..

"Emmanuel. Emmanuel. Lord God, help me to remove this feeling. Natatakot na po talaga ako. Gusto ko na po matulog pero puno ng takot nararamdaman ko. Salamat po. Amen"

Kinabukasan kinuwento ko sa mga barkada ko yung lahat ng nagyari nung gabing yun. At ang sabi nila:

"Hoy Jasmin! Baliw ka na ba? Sino nagsabing may nakatira dyan sa taas ng bahay nyo? Matagal nang walang nakatira don noh. Matagal na rin may nababalitang tila may hindi matahimik na kaluluwa dyan. Hala ka. Awwwooooooh" 

Tumaas lahat ng balahibo ko. Ibig sabihin di pala tao yun. Aaaaahhhhhh napaiyak nalang ulit ako sa takot. Ayoko na ngang pumasok sa bahay pero nagpakatatag ako...

"Emmanuel. Emmanuel.."

Naalala ko kasing sabi ni father Perez, pag natatakot ka daw, sabihin mo lang ang mga katagang yan at kasama mo ang Panginoon. Simula nung nangyari sakin nung gabing yun, nagppray na ako palagi at nagsisimba linggo2. Kulang lang siguro ako ng Faith kaya nagyari yun sakin. 

Ngayon, di na ko nakakaencounter ng ganung pangyayari. Feeling ko kasi always na kong safe with God. Sabi din nila hindi ka daw makakaranas ng mga ganun kung may malakas kang pananampalataya kasi you believe that God's always beside you and He'll never leave you.

*END*

bleeeeh!

=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=^_^=

[A/N: Para lamang ito sa may malakas na kaloobang panuorin ang video. Hmm siguro yung iba alam  na 'to. :D Goodluck.. Enjoy. Wahaha]

Nga pala. This is a true story .., :D

Thank you..thank you. Kamsahamnida.

VOTE if nagustuhan mo.

COMMENT po ah :)))

© 2013

ChinchanMeyv

=^_^=

Click me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon